Derek Ramsay sued by former partner Mary Christine Jolly for alleged violation of R.A. 9262

Matagal nang bulung-bulungan na diumano’y kasal at may anak na ang aktor at TV host na si Derek Ramsay. Pero mariin itong itinanggi ni Derek sa mga panayam dito noon. Pero sa mga larawang naging viral na sa Internet ngayon, makikita ang diumano’y naganap na civil wedding sa pagitan nina Derek at sa isang Mary Christine Jolly noong April 3, 2002 sa Balagtas, Bulacan. Nagbigay ng statement ang abugado ni Derek na si Attorney Josabeth "Joji" Alonso tungkol dit


Matagal nang usap-usapan na kasal, may asawa, at may anak na ang Kapatid star na si Derek Ramsay.

Diumano ay ikinasal na si Derek, 37, noong 2002, sa isang Filipino-Indian model na nagngangalang Mary Christine Jolly sa isang civil wedding sa Balagtas, Bulacan.

June 2003 naman nang ipinanganak diumano ni Mary Christine ang kanilang anak na lalaki.

Pero mariing itinanggi ng actor-TV host ang mga usap-usapang ito.

Sa isang panayam sa kanya noong 2011 sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sinabi ni Derek na ipinaubaya na niya ang usap-usapang ito sa kanyang abugado.

Tungkol naman sa kanyang diumano’y anak, sinabi niyang marami raw siyang pamangkin na minsan ay nakakasama niya sa pamamasyal sa mall.

Read: Derek Ramsay willing to undergo tests if a child from his alleged marriage surfaces

Isa rin sa mga dahilan noon ng hiwalayan nina Derek at ng Kapamilya actress na si Angelica Panganiban ay ang sinasabing kasal diumano ng nobyo sa isang non-showbiz girl.

Read: Angelica Panganiban finally reveals reasons for breakup with Derek Ramsay



VIRAL WEDDING PHOTOS. In an undated post this week from getitfromboy.net, lumabas ang mga diumano’y civil wedding photos nina Derek at Mary Christine.

Ayon pa sa naturang gossip blog, “Derek Ramsay and Mary Christine Jolly were married on April 3, 2002, in Balagtas, Bulacan. It was a civil wedding. The couple lived together as a married husband and wife until September 2002.

“Derek Ramsay’s wife Mary Christine Jolly recently sued Derek Ramsay for Violation of Republic Act No. 9262, otherwise known as the Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004. There were always rumors before as to the identity of Mary Christine Jolly and as to how she looked like.

“A source also sent in Derek Ramsay and Mary Christine Jolly’s Wedding Photos (published here) as proof that they were actually married.”

Narito ang limang larawan na inilabas ng blog.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE CASE. Ayon pa sa naturang blog, inirereklamo raw ni Mary Christine si Derek ng paglabag sa Republic Act No. 9262, o mas kilala sa tawag na Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 nitong nakaraang June 27, 2014. Inihain daw ni Mary Christine ang reklamo sa Makati City Prosecutor’s Office.

Ayon sa complaint affidavit na napasakamay sa may-akda ng blog mula sa mapagkakatiwalaan nitong source, idiniin ni Mary Christine na mayroon daw silang anak ni Derek at hindi pa raw annulled ang kanilang kasal.

Kasama rin daw sa isinumiteng affidavit ang marriage contract nina Derek at Mary Christine, at ang birth certificate ng diumano’y anak nila ng aktor.

Ayon sa nakalakip na birth certificate, ipinanganak daw ang sanggol noong June 28, 2003.

Pinili ng PEP na huwag nang banggitin ang pangalan ng bata dahil menor de edad ito.

Kabilang pa sa mga reklamo ni Mary Christine laban kay Derek na nakasaad diumano sa affidavit ay ang mga sumusunod:

- Sa labindalawang taon na kasal si Mary Christine kay Derek, sumailalim daw siya at ang kanilang anak sa "emotional, psychological and economic abuse."

- Seloso, possessive at demanding daw si Derek nung nagsasama pa sila.

- Umiwas daw sa responsibilidad bilang ama ng kanilang anak si Derek. Wala diumano itong ibinigay na pinansiyal o kahit na emosyunal na suporta mula nung ipagbuntis, ipanganak, at palakihin ni Mary Christine ang anak nilang lalaki.

- Nung pumayag naman daw na magbigay ng pinansiyal na suporta si Derek nung bandang 2011 matapos na umuwi siya sa Pilipinas at magbantang lalantad sa publiko, nahirapan naman daw si Mary Christine na makakuha ng tulong-pinansiyal para sa pag-aaral ng anak nila. Lagi raw itong nagmimintis sa ibinibigay na tulong-pinansiyal, lalo na nung nag-aaral na raw ang kanilang anak.

- Nung ika-siyam na kaarawan ng kanilang anak, humingi raw sila ng iPad, pero ang ibinigay raw ni Derek ay gamit na laptop na agad na nasira. Nang palitan daw ni Derek ang sirang laptop, ang ibinigay diumano ng aktor ay ang lumang laptop ng dati nitong girlfriend na si Angelica Panganiban.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil dito, naramdaman daw nilang tila ipinapahiwatig ni Derek sa kanila na tanging mga tira-tira lang mula kay Angelica ang puwede nilang makuhang regalo mula sa kanya.

- Nung September 2013, nag-request daw si Mary Christine na bigyan ang kanilang anak ng "legal right of British citizenship and a lump sum for the next eight years in rent/dental (excluding school fees for the next twelve years of gradeschool/highschool/college)."

Nagkaroon daw sila ng pagkakasunduan verbally, pero hindi raw naging maganda ang kanilang pag-uusap at sinigawan pa diumano si Mary Christine ng ama ni Derek nang magharap-harap na sila para pag-usapan ang lump sum na ibibigay sa bata.

- Sa tatlong taon na pamamalagi raw nina Mary Christine at ng kanyang anak sa Pilipinas, apat na beses lang daw nakapiling ng kanyang anak si Derek. Madalas daw na wala sa bansa si Derek o kaya’y nasa trabaho o kapiling ng kung sinuman na babaeng nakakarelasyon nito. Hindi raw ito naging ama talaga sa kanilang anak.

Agad namang kinontak ng PEP si Derek para mahingan ng pahayag tungkol sa mga kumalat na larawan sa Internet at sa reklamong inihain laban sa kanya.

Nagpadala ng text messages ang PEP bandang 1 p.m. ngayong araw at tinangka ring kausapin ang aktor sa pamamagitan ng pagtawag sa cellphone number na mayroon ang PEP ilang minuto matapos na makapagpadala ng text message.

Nagri-ring lang ang numerong tinawagan at walang sagot na nakuha ang PEP.

Kasunod na hiningan ng pahayag ng PEP ang abugado ni Derek na si Attorney Josabeth "Joji" Alonso.

Heto ang statement na ibinigay ni Atty. Alonso sa pamamagitan ng text message na nakarating sa PEP bandang 4:03 p.m.:

"Our client, Derek Ramsay, is currently being subjected to a barrage of accusations from one Mary Christine Jolly, pertaining to their approximately 9-month relationship.

"These trumped up charges which are but a bunch of lies, are contained in a Complaint for the alleged violation of Republic Act 9262, pending before the prosecutor’s office.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At the moment, we beg for the public’s indulgence on the matter and have advised our client to make his statement, only after the submission of his Counter Affidavit."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN