Dumalo si Roxanne Cabañero sa preliminary investigation nang isinampa niyang rape complaint laban sa actor-dancer na si Vhong Navarro noong March 13, sa Pasig Regional Trial Court (RTC).
Noong una, hindi pa sinigurado ng kanyang abugadong si Atty. Virgillo Batalla kung aakyat ba ito sa courtroom dahil hindi daw darating si Vhong at ito daw ang pakay ng kanyang kliyenteng makaharap.
Pero ilang minuto pa lang ang dumaan ay bigla na lang itong lumitaw palabas ng elevator at kaagad namang nagpaunlak ng panayam sa mga miyembro ng media na nag-antay sa kanya.












