Marian Rivera throws surprise birthday bash for boyfriend Dingdong Dantes

Marian Rivera threw a surprise birthday party for Dingdong Dantes on the eve of his 34th birthday. Held at the Manila Peninsula Hotel, the intimate affair was graced by friends and family, and was highlighted by a full-blown gig by Dingdong’s favorite band, Wolfgang.


Masasabing pinaghandaan talaga ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ang kaarawan ng kanyang boyfriend, ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes, na nagdiwang ng kanyang ika-34 kaarawan ngayong August 2.

Noong isang Linggo, July 27 ay tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marian sa Sunday All Stars (SAS) kung ano ang birthday gift niya sa kanyang “Daddy” (Daddy ang term of endearment ni Marian kay Dingdong), at sinabi niyang pupunta nga raw ng Estancia, Iloilo, ang aktor, pero may plano siyang surprise sa pagbalik nito.

Pero hindi raw niya sasabihin at nakiusap na huwag nang isulat ng PEP at iba pang entertainment press dahil malalaman na ni Dingdong na may sorpresa siyang hinahanda.

Ang nangyari, pina-block na ni Marian kay Dingdong ang bisperas ng kanyang kaarawan para sa kanilang dalawa. Kaya habang nasa Iloilo, alam na ni Dingdong na pag-uwi niya, sila ni Marian ang sasalubong sa birthday niya.



“COVERT OPERATION.” Nang makarating na nga ng Ninoy Aquino International Airport, nakita ng PEP si Marian na siyang sumundo at sumalubong kay Dingdong kagabi, August 1.

Biniro ng PEP si Marian na nagtatanong na si Dingdong sa ilang tingin nito’y posibleng napagsabihan ni Marian nang inihahanda nitong surpresa, pero wala naman itong nakuhang sagot o ideya.

Natawa lang si Marian na mukhang naging “successful” siya sa pagtatago ng kanyang sorpresa.

Tine-text din daw siya ni Dingdong habang nasa Iloilo ng, “Mukhang busy ka sa pagpi-prepare ng surprise, a,” natatawang kuwento ni Marian dahil alam daw niyang hinuhuli siya ng boyfriend.



“SURPRISE!!!” Sa Instagram account na ni Marian na @therealmarian niya ibinahagi ang surprise niya kay Dingdong.

Sunud-sunod ang naging post ni Marian, una ang masayang larawan ni Dingdong kasama ang kanyang birthday cake at doon ay may caption si Marian ng, “Makita ko lang ang mga ngiting yan at nag niningning na mata mo saya… Haay hindi matatawaran ang ligayang nararamdaman ko, hanggang kaya ko iparamdam at gawin yan sayo sa araw araw na ibinibigay ng Diyos na buhay gagawin ko… Makita ko lang yan Palagi sayo. Happy Birthday Dad! I love you…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Thank you sa lahat ng present sa araw na ito, sa lahat nang kakunchaba ko para maging successful ang surprise party na ito, at higit sa lahat sa mga nagmamahal kay Dong. Salamat ng marami sa inyo! With much love and appreciation. Special thanks to @teddymanuel @_joylopez @wolfgangph/LizaNakpil and Ferdie Garcia @angelinedantes @jcdgonz.”

Ini-repost din ni Marian ang post sa Instagram ng @wolfgang.ph na larawan ng kilalang rock band na kasama si Dingdong at kunsaan nagpapasalamat ang mga ito kay Marian sa pagkuha sa kanila sa surprise party ng aktor.

Ang huling post ni Marian sa gabi ng birthday party ni Dingdong ay ang larawan habang nagsasalita ang aktor kasama siya at ang ina ni Dingdong na si Mommy Angeline.

At may caption na, “Feliz cumpleanos mi vida…”



ROCKIN’ B-DAY BASH. Sa Manila Peninsula Hotel napili ni Marian na gawin ang surprise birthday party nito para kay Dingdong at inimbitahan nga niya ang bandang Wolfgang na siyang paboritong banda ng aktor.

Ilan sa mga bisitang dumating at nakisaya sa surprise birthday party ni Marian sa boyfriend ay ang pamilya ng aktor at ilang malalapit na kaibigan nila.

Hindi naman maikakaila na naging napakasaya ni Dingdong sa surpresa sa kanya ng girlfriend dahil dalawang beses pa niyang pinost sa kanyang Instagram account na @dongdantes ang una, larawan ng bandang Wolfgang na may caption na, “Heto ang musika! #wolfgang #Dday at sumunod ay ang video na kuha habang tumutugtog ang mga ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN