Elmo Magalona on his transition from cutie to hunky: “Ready na yung katawan ko, yung utak ko hindi pa.”

Elmo Magalona finds it hard to shake off his candy cute image, despite his hunky appearance: “Oo, kasi hindi ako sanay sa ganun, e. Mas sanay kasi ako siyempre na mas mga bata yung audience, ganun.”


May entry si Elmo Magalona sa Cinemalaya Independent Film Festival and Competition, o Cinemalaya X, ang #Y (Hashtag Y), kaya tinanong namin ang young actor kung ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng pelikulang kasali sa ongoing film festival (August 1-10) na ginaganap sa Cultural Center of the Philippines at iba pang satellite venues.

“I guess gusto ko ring mag-try ng ibang audience. Ako, hindi naman ako nag-e-expect na parang magustuhan ng tao dahil nga galing ako sa mainstream. Ano lang, it’s a test of my abilities.

“Kasi pag sinabi mong Cinemalaya, napaka-prestigious, napakaraming veterans na manonood and ano e, passion talaga siya, e.

“For the craft e, so gusto ko siya talagang gawin,” wika ni Elmo.

Unang indie movie at unang pagsali ito ni Elmo sa Cinelamaya.

Kung may offer sa kanya na isa ulit indie movie, pero bading ang role niya, tatanggapin niya?

“Paghahandaan ko muna,” at natawa si Elmo.

Drama na gay role at hindi comedy.

“O sige! Basta drama. Game, game ako sa drama,” sabi pa niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Elmo noong Lunes, July 28, sa GMA Network Center.

FROM CUTIE TO HUNKY. Dahil maganda na ang katawan ni Elmo, handa na ba siyang rumampa sa Cosmo Bash?

“Hindi pa ngayon, hindi pa sa ngayon,” tanggi niya.

Mukhang ready na naman siya physically, tutal naghubad na siya sa #Y.

“Ready na yung katawan ko, yung utak ko hindi pa.

“Iba yun e, iba yun, e.

“Kasi in the sense na, kasi hindi ako sanay sa ganun, e,” paliwanag pa niya.

Hindi raw siya sanay na rumarampa at may mga nagtitilian na mga bading at babae habang pinapanood ang hubad niyang katawan.

“Oo, kasi hindi ako sanay sa ganun, e. Mas sanay kasi ako siyempre na mas mga bata yung audience, ganun,” pakli pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May mga bata naman na nanood rin sa Cosmo Bash.

“Ah talaga? O, why not? Kailan ba yung Cosmo? Sige next year, next year pa. Pag binigyan ako ng offer, sige papayag ako.

“Basta kakayanin, kakayanin,” lahad niya.

Pero kung puro matatanda ang manonood ay ayaw niya?

“Hindi, hindi naman. Mahal ko lahat ng babae. Sabi ko lang mas sanay ako ngayon na mga bata yung pinapakilig ko,” diin niya.

Okay lang sa kanya na tratuhin bilang isang sex object?

“Okay lang naman, okay lang naman. Pero hindi pa ngayon. Kasi ano pa ako e, sa Candy Cutie pa ako, e,” at natawa si Elmo.

NAUGHTY. Napag-usapan ang tungkol sa isyu ni Aljur Abrenica sa GMA. May lumutang na isyu na isa sa mga dahilan diumano ng pagnanais ni Aljur na umalis sa GMA ay ang mga naughty songs na pinapakanta dito.

Si Elmo, bilang isang rapper, papayag ba siya kung pakakantahin siya ng medyo bastos na kanta?

“Ewan ko, ewan ko. Hindi ko naisip yun, ah!

“Siguro yung ano, yung tease lang, tease lang. Yung hindi talaga diresto.

“Hindi rin bagay sa akin, e. Hindi bagay, e. Hindi rin bagay sa boses ko, e. Baka iba yung lumabas sa kanta,” pahayag niya.

Naughty ba si Elmo?

“Naughty!” bulalas niya.

SKINNY-DIPPING. Ano ang pinaka-naughty na ginawa niya?

“Siguro ano, skinny dipping.

“Matagal na yun. Mga eighteen yata ako nun,” pagbabalik-tanaw niya.

Hubu’t hubad na lumangoy si Elmo sa isang party kasama ang mga kaibigan niyang lalaki. Walang mga babae?

“Meron din, meron. Pero nasa loob ng bahay,” patuloy pa niyang kuwento.

Pero hindi raw nag-skinny-dipping ang mga babae.

“Ayaw nila, e.”

Lahat silang boys ay nag-skinny-dipping?

“Hindi lahat, yung iba kasi medyo... alam mo yun. Yung iba rin medyo KJ, pero mga, siguro sampu kami.

“E, ako game naman ako sa mga ganun, e,” patuloy pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sigurado raw si Elmo na hindi siya nakunan ng video habang hubu’t hubad.

NO IFS, NO BUTTS. Kung may pelikula na may butt exposure, papayag siya?

“Pag ano na, siguro pag handa na, pag time na talaga. Ngayon kasi siyempre sayang din yung opportunity na bata pa ako.

“Kasi twenty lang ako, e. Parang sayang,” saad niya.

Pero willing siya sa butt exposure?

“Kung split second lang, mabilis lang,” at tumawa si Elmo.

“Pero hindi ngayon, bata pa ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN