Robin Padilla on hosting Talentadong Pinoy: “Basta ang priority ko dito maging bida uli ang mga contestants.”

Robin Padilla reveals which side he’s on as he takes on a new role as Talentadong Pinoy host, together with wife Mariel Rodriguez: “Basta ang priority ko dito maging bida uli ang mga contestants, kasi sa matagal na panahon, dahil nagkaroon ng problema sa negosasyon, matagal silang naantala, matagal silang nag-aantay.”


Kumpirmado na ang mag-asawang Robin Padilla at Mariel Rodriguez ang bagong hosts ng talent search program ng TV5, ang Talentadong Pinoy.

Una itong hinawakan ni Ryan Agoncillo bago ito tuluyang lumipat sa bakuran ng Kapuso network, at nabalita ring inalok daw ito kay Willie Revillame.

Pero dahil hindi nga natuloy ang pagbabalik sa telebisyon ng Wowowillie ay hindi raw tinaggap ni Willie ang Talentadong Pinoy.

Ganunpaman, ngayon ay sigurado nang balik-telebisyon muli ang Talentadong Pinoy at sina Robin at Mariel na ang tatayong hosts.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Robin sa pictorial ng Talentadong Pinoy kahapon, August 2, sa bagong media center ng TV5 sa Reliance Street sa Mandaluyong, kinuwento ng aktor na siniguro muna niya na maayos ang lahat bago niya tinanggap ang nasabing show.

SETTLING ISSUES FIRST. Ayon kay Robin, “Siyempre una kong inalam, ayokong may masasagasaan, tinanong ko agad kung ano ang nangyari kay Ryan, tapos yung pangalawa, yung usapan kay Willie bago ko tinanggap.”

Nabuo ang pagmamahalan nila Robin at Mariel sa programang Wowowee ng ABS-CBN. Pero noong unang ipinaalam kay Robin na magiging hosts silang mag-asawa ng Talentadong Pinoy ay hindi niya muna pala ito ipanaalam kay Mariel.

Kuwento pa ni Robin, “Hindi ko agad sinabi sa kanya kasi kapag sinabi ko sa kanya at ’di natuloy made-depress dahil matagal na naming pangarap na magsama uli sa hosting.

“Nung sigurado na, nung si Ma’am Wilma [Galvante] na ang nagsabi sa akin, dun ko sinabi sa kanya na mayroon kaming bagong project.

“Alam niyo naman na doon nabuo ang pag-iibigan namin. Para sa amin isang malaking regalo ito para sa anibersaryo namin sa August 19.

“Sa pagkatataong ito wala munang aalis, gusto namin ibigay ang 100 percent namin para sa show.”

STRICTLY PROFESSIONAL. Ayon kay Robin ay bawal pala silang maging sweet dito ni Mariel at kailangan matuto silang ihiwalay ang personal na buhay sa propesyonal na obligasyon bilang hosts ng naturang show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Robin, “Bawal, kailangang maging professional kami. Walang kahit na ano kasi nga mag-aaway kami rito.

“Opinyon niya laban sa opinyon ko. Kaaway ko ang mga judge, bale siya ang arbiter kaya bawal kaming maging sweet dun.”

FILLING RYAN’S SHOES. Naging matagumpay bilang host ng Talentadong Pinoy si Ryan kung saan consistent ang high ratings nito at jampacked pagdating sa mga commercials. Kaya agad naming tinanong si Robin kung hindi ba siya nakakaramdam ng pressure sa magandang iniwanan ni Ryan.

“Wala naman, ganun talaga. Sa buhay ng tao kung ano ang kaloob ng Panginoon, tatanggapin natin.

“Kung magiging successful ito, praise God, kung hindi naman magagalit si Ma’am Wilma, praise God pa rin.

“Basta ang priority ko dito maging bida uli ang mga contestants, kasi sa matagal na panahon, dahil nagkaroon ng problema sa negosasyon, matagal silang naantala, matagal silang nagaantay.

“Tapos na nga ang aming search," ani Robin.

“Ngayon iba na, siyempre katulad nung nag-Wowowee ako dati, lagi akong nasa side ng contestants. Lalo na dati, ayaw akong ilagay ng Wowowee dun sa nananalo kasi lahat ipapanalo ko. Laging ganun.

“Similar pero ito kasi Talentadong Pinoy, mayroon na itong sariling image, katunayan ito ang unang-una na ginaya ng ibang malalaking network kaya isang malaking karangalan din.

“Alam ko marami lang akong makaka-away dito sa Talentadong Pinoy. Siyempre pro-contestant ako, e, siyempre may mga judge dun na maaanghang ang mga sinasabi nun,” patuloy pa ni Binoe.

ARANETA OR NOVALICHES? Ang gusto pala ng TV5 ay gawin sana sa Araneta Coliseum ang Talentadong Pinoy pero si Robin ang may gusto na gawin na lang ito sa main office ng TV5 sa Novaliches.

“Ang ni-request ko sa Novaliches, ang gusto nila... ang gusto ng TV5 sa Araneta kaagad ito.

“Ayoko, baka ’di ako makasalita. Para sa akin lahat dapat nag-u-umpisa sa humble beginning. Yun si Robin Padilla—humble beginning.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mayabang akong tingnan pero ’di naman ako mayabang.”

MUTUAL AGREEMENT. Unang napanood si Robin sa programang Jasmine ng TV5. Sa pagtanggap ng Talentadong Pinoy ay siniguro naman ng aktor na maayos silang nagpaalam muli sa ABS-CBN kunsaan ay may kontrata pa rin siya.

“Siyempre kasi existing naman tayo sa ABS.

“Alam mo ang mahirap diyan pareho kong mga kaibigan. Yung mga boss dun [sa ABS-CBN], kaibigan ko. Sila Ma’am Wilma very close din sa akin.

“Pareho kaming nagyu-yoga niyan. Bago kami mag-usap ng business ni Ma’am Wilma, mag-uusap muna kami tungkol sa kalusugan.

“Ganun kalalim kaya mahirap para sa akin. Nagagamit ko rin yun, sorry kasi mga kaibigan ko lang naman ang puwede kong pagsamantalahan.

“Doon ko naman nagagamit yun sa ABS na sana payagan naman nila ako at maayos naman nila akong pinapayagan.

“Respetuhan ang nangyayari kasi nagkaroon ng mutual agreement,” detalye niyang kuwento.

PREFERS CHARACTER ROLES. Matagal-tagal na ring hindi napapanood sa ABS-CBN si Robin. Tinanong namin ang aktor kung ano ba ang role na hinihingi niya sa mother studio para mapanood siya muli sa mga serye dito?

Lahad niya, “Katulad ng lagi kong sinasabi, ayoko nang magpa-cute. Iwan na natin kay Daniel [Padilla] yun, siya na yung cute.

“Panahon niya, so ibigay na natin lahat sa kanya. Pag mayroon silang project na bagay sa katayuan ko, ’di naman magdadalawang salita sila, ako mismo ang mag-a-apply.

“Una, ayokong magpa-cute nga, gusto ko yung mga project na ala Guns and Roses, paborito namin ni Mariel yun kasi walang pakialam sa hitsura.

“Pag nag-present na sa amin at sinabing dito pogi ka, reject na agad yun.

“Gusto ko naka-character ako, yung parang ginawa ko dito [sa TV5] na pinayagan din ako ng ABS, yung Jasmine, gusto ko ganun, may character.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN