Jun Lana unaffacted by negative comments about his marriage to partner Perci Intalan

Director Jun Lana on his New York wedding to Perci Intalan last year: “It was really a formality, it was really to honor the ten years that we’ve had together, to honor the friends who’ve supported us for the ten years that we were together. So, nung pumunta kami sa New York, kasama namin yung mga pamilya namin, mga kaibigan namin. It was really just a celebration of the ten years that we’ve been together.”


Last year ay ikinasal ang writer/director na si Jun Lana at ang longtime partner niyang si Perci Intalan, dating TV5 executive.

Ginanap ang same-sex marriage ng dalawa sa Central Park sa New York.

Read: TV5 executive Perci Intalan marries director Jun Lana in New York

Dahil sa kanilang pagpapakasal, umani sila ng mga papuri at bashings sa social media.

Paano sila naapektuhan ng mga ito?

Ayon kay Direk Jun, “Hindi kami naapektuhan, ang naapektuhan yung family namin.

“Binabasa pa kasi nila yung mga comments, e, yung mga comments, ‘Masusunog kayo sa impiyerno!’ ‘Ang babastos ninyo!’ Yung ganun.

“Pero kasi kami, ang difference kasi namin, ang tagal na namin ni Perci, e—ten years na before we decided to get married.

“And then we’re both in our forties, so hindi siya biglang decision.

“Pinag-isipan naming mabuti at hindi na kami apektado kung ano ang iiisipin ng ibang tao.

“We know what we wanted at alam namin na hindi siya recognized ditto [sa Pilipinas], yung marriage namin.”

Patuloy niya, “It was really a formality, it was really to honor the ten years that we’ve had together, to honor the friends who’ve supported us for the ten years that we were together.

“So, nung pumunta kami sa New York, kasama namin yung mga pamilya namin, mga kaibigan namin.

“It was really just a celebration of the ten years that we’ve been together.”

Kung may mga bashers ay may mga pumuri rin sa kanilang relasyon. Ayon sa iba, nagsilbi raw silang inspirasyon para sa mga nasa isang same-sex relationship.

Saad ni Direk Jun, “Totoo, totoo!

“Nung lumabas yun, nakakatanggap ako ng text from people na hindi ko kilala, nakuha nila yung number ko, ‘tapos nagpapasalamat, na inspiration daw kami ni Perci sa kanila.

“Malaking bagay na yun, na may ma-inspire kami.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At maging boses ng mga nabibilang sa third sex?

“Yes, kasi kahit naman ngayon, ang mga bakla, ‘di ba, nakikipaglaban pa rin?

“’Tapos yung gumawa ka ng ganung hakbang na pagmumulan pala ng inspirasyon at lakas ng loob ng ibang tao, malaking bagay yun.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Direk Jun sa press conference ng pelikula niyang Barber’s Tales noong Huwebes, July 31, sa Victorino’s restaurant, sa Timog Avenue, Quezon City.

BARBER’S TALES. Ang Barber’s Tales, na produced ng APT Entertainment Inc., ang pelikulang nagpanalo kay Jun bilang Best Director sa 3rd Madrid International Film Festival.

Sa 2013 Tokyo International Film Festival ay nagwagi namang Best Actress ang bida ng pelikula na si Eugene Domingo.

Ikinuwento ni Direk Jun kung ano ang mensaheng nais ipahatid ng kanyang pelikula, na noong 2013 pa natapos ngunit ngayong 2014 lang ipalalabas sa Pilipinas.

“Dito, ang gusto ko sanang maramdaman… Kasi feeling ko, tama lang na hindi namin naipalabas yung pelikula last year.

“And this is the perfect time to show Barber’s Tales here in light of what’s happening to our country—politically, economically.

“Parang this is really the perfect time.

“And yung character ni Marilou [Eugene], sana maramdaman ng audience na meron silang kayang gawin para sa bansa nila.

“Kasi iyon yung ginawa ni Marilou, e.

“Ginawa niya ito para sa maliit na town niya, pero it’s a reflection of what any Filipino can do for the country.”

Si Direk Jun ba ay hindi natutuwa sa nangyayari sa ating bansa at sa gobyerno ngayon?

“I am dissatisfied with many things,” sagot niya.

Pero hindi niya ginawa ang Barber’s Tales dahil sa mga nagaganap sa bansa?

“No, no… Ang nakakatawa kasi, I wrote this in 1997, and then the movie is set in the 1970s.

“Pero yung problemang tinatalakay dito noong 1970s— corruption, problema sa family planning, dishonest officials—hanggang ngayon problema pa rin!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, whenever anybody asks me, ‘Why are you doing a story set in the ‘70s?’ Because, primarily, it’s still the same problems we’re facing now.

“And I think it’s important we look back, pag-isipan natin, ’Saan ba talaga pupunta? Ano ba talaga yung ginagawa natin?’”

Bukod kay Eugene ay nasa Barber’s Tales din sina Iza Calzado, Gladys Reyes, Shamaine Buencamino, Nonie Buencamino, Nicco Manalo, Daniel Frenando, at si Mr. Eddie Garcia.

May special cameo role dito ang Superstar na si Nora Aunor.



INTERNATIONAL AWARD. Dahil nagwagi si Direk Jun sa Madrid, tinanong siya ng PEP kung ano ang pagkakaiba na manalo ng directing award dito sa Pilipinas at sa ibang bansa.

Sagot niya, “Hanggang ngayon kasi hindi ko fully nako-comprehend yung nangyari dahil nakakatuwa.

“Una kasi, kailangang-kailangan namin ng mapag-uusapan.”

Ipapalabas kasi ang pelikula commercially sa mga sinehan dito sa Pilipinas sa August 13.

“So, makakatulong sa promotion yung pagkapanalo, yung nangyari sa Madrid.”

Hindi raw inasahan ni Direk Jun na mananalo siya dahil noong awards night mismo sa Madrid ay sa pinakadulo sila iniupo.

“Yung wala nang ilaw.

“E, sa napakaraming awards night na pinuntahan namin sa Barber’s Tales, alam namin na importante ang seating arrrangement.

“Kapag malayo ka sa stage, nganga ka!

“So, naunang tinawag si Uge, nauna yung sa Best Actress, ‘Ay, natalo!’

“So, alam na naming wala na.”

Hinubad na nga raw ni Direk Jun ang tie niya.

“And then, nung tinawag ako, nagtinginan pa kami ni Uge na, ‘Talaga?!’

“Na ni walang ilaw, walang spotlight sa upuan namin, hindi makakaabot, e.


“So, umakyat ako sa stage, hindi ko na suot yung tie ko, hindi ko alam ang sasabihin ko.”

Dagdag niya, “I feel grateful na napili akong Best Director sa dami ng pelikulang ipinalabas doon.

“Pero kumpara dito, iba pa rin kasi ‘pag nandito ang pagkilala, e. Iba pa rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi alam niyo naman na nagsimula ako sa paggawa ng mga pelikulang Jose Rizal [1998], Muro Ami [1999].

“Pero nung ginagawa ko yung mga pelikulang yun bilang writer, walang gustong kumuha sa akin.

“Kasi ang iniisip nila, ‘Masyado kang art house.’ Yung hindi ako pang-mainstream.

“So, nag-TV ako.

“Yung unang project ko bilang [film] director, Gigil [2006]. Kasi sabi ni Mother [Lily Monteverde], kinakailangan mainstream ako.

“So, nung nagpaka-mainstream ako, Gigil, wala nang sumeseryoso sa akin.

“Dahil bilang direktor, parang ang tingin sa akin, ‘A, masyado siyang mainstream! Hindi siya marunong gumawa ng indie.’

“Kaya nung ginawa ko yung Bwakaw [2012], nakabalik ako dun sa mga bagay na gusto kong gawin.

“’Tapos dun ako nakilala bilang direktor.

“Ibang-iba, ibang-iba na kinilala ako dito. Iba pa rin, e, iba pa rin talaga.”

Ang trilogy na Ama Namin ang bagong pelikulang gagawin ni Direk Jun.

May cast na ba siya sa Ama Namin?

Sagot niya, “May kinakausap kami na hindi ko pa puwedeng i-reveal, so sana pumayag siya—medyo malaking artista.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN