Solenn Heussaff stays away fom Marian-Lovi-Heart feud

Solenn Heussaff on staying away from showbiz issues and feuds: "When I’m at work, I’m at work. I’m there to work. I’m not there to make patol. I’m not there to make friends. If it happens, it happens. I don’t even know there’s issue. Hindi ako nagbabasa ng diyaryo every day. ‘Pag narinig ko lang, ‘Ay!’"


Kahit kaliwa’t kanan ang endorsements ngayon ni Solenn Heussaff, hindi na raw siya nangangambang baka tawagin na naman ang atensiyon niya ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Matatandaang nagkaroon ng problema si Solenn sa BIR nang kasuhan siya ng tax evasion noong 2013, pero inayos naman niya ito agad.

Read: BIR files tax evasion case against Solenn Heussaff

Read: Solenn Heussaff settles issue with the BIR

Saad ni Solenn sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Calayan Surgicentre para sa kanya noong Huwebes, July 31, confident na siya ngayon sa kanyang tax obligation.

“I don’t worry about that.

“Actually, happy naman ako that they searched into my file.

“Kung hindi sila nag-search, baka hindi ko alam…

“Kasi I don’t read or I don’t know anything about taxes, to be quite honest, kaya you hire an accountant.

“I settled everything last year. Wala akong ano… I wanted to pay straight.

“Ayokong mag-under the table, ayaw kong magtawad.

“What I owe to the government, I gave it.

“So, nag-hire ako ng bagong accountants. May three accountants na ako.

“So, they all check each other para walang mistakes, kasi nakaka-stress talaga.”

Binibigyan ba siyang advice ng boyfriend niyang si Nico Bolzico?

Ayon kay Solenn, “When I ask him ngayon… kasi I want to understand more about it.

“Ang hirap talaga. I hate numbers tlaga.

“So, we sat down and explained to me the easiest way na basic lang.

“Hanggang ngayon, I can’t do it.”

Ayon kay Solenn, mas mababa pa sa P10 million ang binayaran niya sa BIR, pero tumanggi siyang ibigay ang eksaktong halaga nito.

“Any further questions, ask na lang my lawyers. Ayokong magsabi ng hindi totoo kasi baka magkamali pa ako.”



MARIAN-LOVI RUMORED FEUD. Inusisa rin namin si Solenn sa pagkakadawit ng pangalan niya sa isnaban issue diumano sa pagitan nina Marian Rivera at Lovi Poe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa usap-usapan, noong nakaraang dalawang linggo sa studio ng Sunday All Stars ay binati at hinalikan daw ni Marian si Solenn nang magkita sila, pero hindi raw nito pinansin ang kasama noon ni Solenn na si Lovi.

Pero bago pa raw nangyari ang insidenteng ito sa Sunday All Stars, si Lovi raw ang unang hindi pumansin kay Marian nang batiin nito ang boyfriend ni Marian na si Dingdong Dantes, kahit na kasama ang aktres, sa parking ng GMA Network Center.

Bukod sa pare-parehong contract artists ng Kapuso network, nagkasama rin noon sina Solenn, Marian, at Lovi sa pelikulang Temptation Island noong 2010.

Nang matanong ng PEP si Solenn tungkol dito, agad siyang umiwas na magsalita.

“Hindi ko alam. Hindi ko alam, sa totoo.

“Like I said, ‘pag nasa trabaho ako, I really… parang may mask ako na ganito,” sabay muwestra niya ng pagtatakip sa magkabilang gilid ng kanyang mata.

“Kaya nga yung mga co-actors ko, ‘pag may taping kami, laging quiet ako sa side.

“I don’t want myself to get involved sa mga in-drama or intrigues.”

May mga espekulasyong lumabas na ang pinanggalingan ng away na ito nina Marian at Lovi ay dahil kay Heart Evangelista, na nakasama rin nila noon sa Temptation Island.

Habang ginagawa nila ang pelikula ay nagkaroon ng alitan sa pagitan ni Marian at ni Heart.

Kilalang malapit na kaibigan nina Solenn at Lovi si Heart.

Hindi ba natatakot si Solenn na baka madawit siya sa diumano’y isyu nina Marian, Heart, at Lovi ?

Sagot niya, “A, hindi. For me, Marian is a very nice girl.

“And hindi ko alam kung anong meron sa iba-ibang girls. Or baka they’ve been through something I didn’t know.

“Pero I don’t ask. I don’t want to know.

“Their issues are theirs. My problem is mine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I don’t involve myself in anything like that.”

Giit pa niya sa balitang nasaksihan daw niya ang pangdi-dedma ni Marian kay Lovi, “Hindi. Hindi ko alam talaga.”



FRIENDSHIP. Paano niya naman nami-maintain ang friendship nila ni Marian kahit alam nitong close friends siya nina Heart at Lovi?

Sabi ni Solenn, “I’m not super-close to Marian.

“I mean, when we were together sa Temptation Island, ‘tapos when we see each other, hello-hello, hi-hi, kuwentuhan sa life, kumusta.

“But I don’t see her outside… nakita ko siya minsan sa Rockwell, ayun.”

Mas okay ba na hindi siya masyadong nakikihalubilo sa maraming showbiz personalities para hindi siya masangkot sa mga intriga o controversies?

Paglilinaw ni Solenn, “Hindi porke ayaw ko, ha?

“Ako, I’m super easy to get along with. I get along with anyone.

“Baka hindi pa nagkaroon ng time para mag-bonding.

“Kung mangyayari at mangyayari ’yan, I don’t plan.

“I just get along with anyone.”

Ano ba ang mayroon sa friendship nila nina Heart at Lovi at ganun na ito katatag?

Sabi ni Solenn, “Si Heart, parang siya rin ang nag-introduce sa akin sa makeup sa showbiz.

“Kasi nag-start ako kay Ruffa [Gutierrez] at kay Heart din.

“Nag-makeup ako sa kanya [Heart] para sa Fashionistas niya dati sa GMA News.

“I met a lot of people through Heart din.

“’Tapos nung nag-break up siya long time ago, ako ang make-up artist niya.

“Lagi akong nasa bahay niya. So, nagkaroon kami ng mga bonding sessions.

“We have similar interests, like painting, ganun.

“Si Lovi, we got so close dahil pareho kami ng manager [Leo Dominguez]. So, that’s how our friendship started.

“’Tapos lagi siyang pumupunta sa akin pag may advices.

“Alam niya na mas open-minded ako. I don’t judge so easily.”

Humingi ba ng advice sa kanya si Lovi tungkol sa isyu nila ni Marian?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakangiting sabi ni Solenn, “Hindi. She knows how I am, e.

“When I’m at work, I’m at work. I’m there to work.

“I’m not there to make patol. I’m not there to make friends.

“If it happens, it happens.

“I don’t even know there’s issue. Hindi ako nagbabasa ng diyaryo every day. ‘Pag narinig ko lang, ‘Ay!’

“Like yung kay Aljur [Abrenica], I just heard it yesterday.

“Hindi ko alam…. Totoo ba? Yun lang?

“I don’t want to ask for details kasi, then I become tsismosa. I don’t want to be a tsismosa.”



MOVIE WITH ELLEN. Pagdating naman sa kanyang acting career, nae-excite si Solenn sa balitang nasagap niya na pagsasamahin daw sila ni Ellen Adarna sa isang pelikulang ipu-produce ng Regal Films.

Sabi ni Solenn, “Masaya. I love Ellen, it’s fun.

“E, ‘di ba, bongga ang career niya ngayon? I’m happy for her.

“Really? Cool, I’m excited.

“But magsa-sign pa ako with Regal this coming month.

“Diyan ko lang malalaman kung totoo ngang may project kami ni Ellen together.”

Paliwanag ni Solenn kung bakit masaya siya sa napipintong pagsasama nila sa isang movie project ni Ellen, “Siya ang workout buddy ko dati pa.

“Super fun to be around. She’s so kalog.

“Ang gusto ko sa kanya, she doesn’t care what people think about her, and maybe a little too honest sometimes.

“But she’s very honest.”

Sino ang mas “luka-luka” sa kanilang dalawa?

Sabi ni Solenn, “Yung [pagiging] luka-luka, pareho.

“Baka ako mag-e-edit. Siya hindi.

“Siya, walang edit. Whatever she thinks, she says.

“Yun ang gusto ko sa kanya. Parang hindi siya showbiz na personality.

“Kaya marami siyang haters ’tulad ko, but we embrace them.”

Ang susunod daw na TV project naman ni Solenn ay ang Ilustrado, na pagbibidahan ni Alden Richards.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN