JM de Guzman admits going to rehab for drug use

JM de Guzman on his drug dependence: “Mentally, hindi na ako makapag-isip nang diretso. Hindi ko na mapagkatiwalaan ang mga sarili kong desisyon. Responsibilidad, nawawala na rin sa akin. Disiplina, emotionally, hindi ko na kayang i-control.”


Pagkatapos ng mahigit isang taong pagkawala sa sirkulasyon ay nagbabalik sa limelight ang young actor-singer na si JM de Guzman.

Matatandaang nawala sa sirkulasyon si JM noong nakaraang taon dahil sa diumano’y pagkalulong niya sa droga.

Ito rin ang dahilan kung bakit nahinto ang kanyang mga proyekto sa telebisyon at pelikula, kasama na ang dapat sana’y pagganap niya sa San Pedro Calungsod biopic.

Sa huli ay nagdesisyon ang kanyang ama na si Roniel de Guzman na alisin na sa proyekto ang anak, at kalaunan nga ay pinalitan si JM ni Rocco Nacino.

Read: JM de Guzman’s father withdraws actor’s participation in San Pedro Calungsod biopic due to "health reasons"

Kahapon, August 3, ay ipinalabas ang taped interview ni Boy Abunda kay JM sa The Buzz kaugnay ng "pagbabalik" nito.

Nagbabalik na nga ba sa showbiz si JM?

“Opo, sana,” nakangiting sagot ng 25-year-old actor-singer.

Nakapag-taping na raw si JM ng episode para sa ABS-CBN series na Ipaglaban Mo.

Kumusta ang naging taping niya pagkatapos ng matagal na panahong hindi siya humarap sa kamera?

Sabi ni JM, “Yung pakiramdam, sobrang kabado.

“Yung araw bago ang taping, hindi ako makatulog kakaisip.”

Gusto ba niyang gumawa ng teleserye?

“Yes, yes, opo,” sagot niya.

Excited siya?

“Sobra! Kung mabibigyan po ulit ng chance.”



JM’S ADMISSION. Ang huling teleseryeng ginawa niya ay ang Angelito: Ang Bagong Yugto ng ABS-CBN noong 2012.

Masasabing nasa peak ng kanyang career si JM nang bigla siyang nawala. Bakit siya nawala?

“May mga kailangan po akong ayusin sa sarili ko dahil, yun, nagkaproblema po ako,” sabi ni JM.

Noong ginagawa niya ang Angelito, maraming lumabas na isyu. Nandiyang wala siya sa sarili, may problema, nagpa-packup ng taping.

Sa lahat ng yun, ano ang katotohanan?

“Totoo po yun,” pag-amin niya.

“Naging iresponsable po ako. Nawala po yung disiplina ko. Lumaki po ang ulo ko. I lost control.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inamin din ni JM ang usap-usapang ipinasok siya sa rehab dahil sa paggamit ng droga.

“Yes, ipinasok po ako sa rehab dahil unmanageable na ako.

“Gumamit po ako ng droga.

“Sinubukan ko ang hindi dapat subukan.”

Ano ang nagagawa ng droga, sobra ba siyang malungkot?

Sagot ni JM, “Pakiramdam ko, lumalawak ang pag-iisip ko.

“Pakiramdam ko lang, rason ko lang pala.

“Pero, masarap po.”

Sino ang nagsabing pumasok siya ng rehab?

“Noong una po, actually, ako na rin ang nagprisinta.

“Sinabi ko na kailangan ko ng tulong. ‘Pa-rehab niyo ako. Kung may alam kayong rehabilitation na puwede kong pasukan.’

“Mga after two months na sinabi ko yun, nagulat na lang ako. Nabigla na lang po ako.”

Ang kausap daw ni JM tungkol dito ay ang lolo niyang si Cornelio de Guzman, na kailan lang ay namayapa na.



BUHAY-REHAB. Ano ang nag-udyok sa kanya kung bakit sinabi niyang kailangan na niyang maipasok sa rehab?

Saad ni JM, “Mentally, hindi na ako makapag-isip nang diretso.

“Hindi ko na mapagkatiwalaan ang mga sarili kong desisyon.

“Responsibilidad, nawawala na rin sa akin.

“Disiplina, emotionally, hindi ko na kayang i-control.”

Paano siya pumasok?

“Ang naaalala ko, paggising ko, may anim na malalaking tao na hawak sa ulo ko, sa kamay, sa paa.

“’Tapos, in-injection-an ako ng pampatulog. Dinetox ako for one week.

“After one week, yun, sinundo na po ako sa rehab.”

Ano ang klaseng buhay mayroon siya doon?

“Ten months, nandoon lang ako sa loob. Hindi ako lumalabas.

"May structure ang bawat araw namin.

“Simula sa paggising, exercise, magwawalis-walis. Prepare ng breakfast.

“’Tapos, yun na, magsisimula na ang mga usap. Pasok na kami sa loob ng bilog.

“Nagkakamustahan.”

Paano nabago ang buhay niya sa rehab?

“Na-appreciate ko ang maliliit na bagay.

“Simpleng bagay na nabibigay sa akin. Simpleng bagay na nalalatag sa akin ng Diyos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi noon, wala akong kinikilalang kahinaan ko. Akala ko, kaya kong lahat.”

May mga pinagsisisihan siya?

Sagot ni JM, “Meron po, pero sinubukan kong tanggalin ang regrets.”

Hanggang kailan pa ang programa niya?

“Fifteen months po siya. Two months na lang.

“Kapag grumadweyt po ako, since yung sakit ko nga, lifelong recovery siya.”



JESSY MENDIOLA. Madalas na nababanggit ang pangalan ng ex-girlfriend niyang si Jessy Mendiola na diumano’y dahilan kung bakit nalulong sa droga si JM.

May kinalaman nga ba ang Kapamilya actress sa pagkakapasok niya sa rehab at bakit sila naghiwalay?

Pahayag ni JM, “Sa bisyo ko, sa mga ginawa ko sa sarili ko, wala pong kinalaman si Jessy dun.

“Desisyon ko yun, choices ko yun na ginawa ko.

“And naging rason yun kung bakit kami naghiwalay. Isa po yun sa maraming rason.”

Sa pagbabalik niya sa showbiz, tila bukas pa rin ang pinto ng Kapamilya network at ng Star Magic sa kanya. Ano ang masasabi niya rito?

Ayon kay JM, “Nagpapasalamat ako sa kanila.

“Kasi, hindi naman lahat ng tao nabibigyan ng ganitong pagkakataon at hindi naman lahat ng tao, nabibigyan ng pangalawang pagkakataon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN