Melissa Ricks recalls ordeal of telling her parents about pregnancy; optimistic about career after giving birth

The baby of the Ricks family is having a baby herself and she couldn’t be any happier. Melissa Ricks feels blessed that she is getting all the support she needs from her family and friends in the most important event in her life right now.


Kamakailan ay nakumpirmang buntis ang Kapamilya actress na si Melissa Ricks sa anak nila ng kanyang non-showbiz boyfriend.

Sa panayam ni Boy Abunda kay Melissa para sa The Buzz 15 kahapon, August 3, ay muling ipinahayag ng aktres ang kanyang damdamin tungkol sa pagdadalantao niya.

Sabi ng Star Circle Quest alumna, “It’s such a different feeling. It’s a huge responsibility.

"Nakakatakot, nakakanerbiyos, but I’m very happy.”

Paano niya nalaman na buntis siya?

Lahad ni Melissa, “Actually, I was in Boracay with my friends for Labor Day/.

"And then, the last two days that we were there, I was starting to feel sick.

"And then, noong bumalik po kami sa Manila, sabi ng friend ko, mag-pregnancy test daw po ako.”

Bakit niya nasabi yun?

“I felt na parang palagi akong nagsusuka, nahihilo, inaantok, ayokong lumabas.

"So, noong tineyk namin yung pregnancy test, I went to the bathroom and then I saw it.

"Sabi nila, ’Hindi ‘yan, hindi ‘yan, ano ka ba?’

"So, [I] took another one, positive pareho, pero hindi pa rin ako naniwala.

“Sabi ko, it must be wrong. I have to go to the doctor talaga.

"And when we went to the doctor, yun, they saw the heartbeat.

"Seven weeks. I found out noong seven weeks ako.”

Ano ang naging pakiramdam ni Melissa nang malaman niyang may heartbeat na ang baby sa loob ng kanyang sinapupunan?

“I was just praying na, ’Oh, my god, guide me. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari.’

"Deep inside, I wanted to cry so bad, pero pinigil ko,” emosyunal niyang pahayag.

Bakit niya pinigil?

“Kasi, you know me, Tito Boy, I always wanted to be tough. I try to be strong all the time.

"And in that moment, I know I had to be strong for the baby.

"Ayoko na maramdaman niya na nagwo-worry ako or anything.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But I was happy, I was just scared of what would happen.”

Saan siya natatakot?

Sagot ni Melissa, “Telling my family, how will I tell my friends.


"Sa mga taong sumusuporta sa akin, sa management.

"Parang it was just really scary.”


Natakot ba siyang baka hindi siya maiintindihan?

“Yes, and I was scared because kung ano ang sasabihin ng mga tao.

"No one really knew that I was in a relationship and parang, feeling ko, nasira ang mga plano para sa akin.

"Baka ma-disappoint sila... it turned out, everyone was happy for me.”

TELLING HER DAD. Ang ama ng dinadala ni Melissa ay ang non-showbiz boyfriend nitong si Charles.

Unang nakilala ni Melissa ang boyfriend sa eskuwelahan nila dati.

Sinabi ba agad ni Melissa sa kanyang boyfriend ang sitwasyon niya?

Sagot niya, “Yeah, tinext ko, right then, after ng ultrasound.

"Sabi ko, meron ngang baby. Hindi rin naman siya nag-hesitate.

"Sabi niya, ’Ilang weeks na?’

"And I sent to him the picture of the ultrasound.”

Ang mga kaibigan ni Melissa ay masaya rin para sa kanya, pero nag-alala rin daw ang mga ito kung ano ang magiging reaksiyon ng mga magulang ng aktres sa pagbubuntis niya.

“They were happy but they were shocked also. They were worried din on how my parents will react.”

Ikaw ang baby ng pamilya, ‘di ba?

“Yes,” nakangiting pag-amin ni Melissa.

“Kasi sobrang sheltered ako, sobrang binabantayan ako ng parents ko, kahit dito sa showbiz, ‘di ba?

"So, noong lumakas na po ang loob ko, ’I’m gonna tell my dad muna.’”

Bakit ang daddy niya?

“Kasi, mas takot ako sa mommy ko.

"My dad is American, so medyo mas maluwag siya. Mas open siya sa mga possibilities.

"So, I went to his room. Meron kasi akong teddy bear, si Coco. It’s 24 years old also.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yun ang parang security blanket ko. I was really... namamanhid na ang arms ko.

“So, hawak ko siyang ganyan. I went in the room and then lumabas ulit ako.

"Siguro mga several times pabalik-balik ako and then I went out.

"I started shaking kasi I didn’t know how to tell him.

"I didn’t want to cry, but right when I went to his room, I sat down and hugged him and started crying na.

“And then he said, ’What’s wrong?’

"I said, ’I have to tell you something.’

"And he said, ’You okay?’

"’Yeah, I’m okay.’

"And then, siya mismo ang nagsabi na, ’You’re pregnant?’

"And then, I just started crying.

“I expected him to get angry and disappointed but all he said was, ’What’s your plan? You have to take care of yourself. You have to think about what you’ll gonna do from now.’

"Dahil it’s not just me, dalawa na kami, ‘di ba?

“I really expected a different reaction, and I’m very thankful na tinanggap nila.”

TELLING HER MOM. Lumipas muna ang dalawang linggo bago nagawa ni Melissa na ipagtapat sa kanyang ina na nasa Amerika, kasama ang kanyang kapatid na lalaki, ang tungkol sa kanyang kalagayan.

Kuwento niya, “I decided to write her an email.

"Kasi, kung tatawagan ko siya, mahihirapan akong magsalita.

"Baka hindi ko masabi ang gusto kong sabihin. Hindi ko kasi alam ang magiging reaction niya.

"Baka mamaya, magalit o kaya himatayin.

“Siyempre, mahirap para sa akin kasi hindi pa nila kilala si Charles noong time na yun.

"So, after nun, I was praying that she would reply. Just reply to my email.

"Baka hindi siya mag-reply, hindi niya ako kausapin.

“And then, she sent me a long email and she said na, ’It’s a blessing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"She’s very happy for me. She wishes me the best kung ano raw ang magiging plano ko.

"Uuwi raw siya. Excited siyang makita ang bata.”

Nagtanong ba ang mommy niya tungkol kay Charles?

“Yes, of course, she wants to meet him as soon as possible.”

Yung daddy niya, nakita na ba si Charles?

“Yeah, nagkita na sila. We had dinner sa bahay.

"First time kong nakitang super-tahimik si Charles. Kasi siyempre, sobrang nahihiya siya.

"That was the first time na magharap-harap kami.

"Siyempre, hindi naman birong humarap sa isang ama, lalo na ang daddy ko, and it turned out well.

“He was just asking kung ano ba ang balak niya para sa akin.

“He asked if we’re getting married. Sabi namin, we talked about it.

"But right now, the priority is the baby and how we’re gonna take care of the baby.”



PLANS. Sila ni Charles, ano ang mga pag-uusap nila?

Sabi ni Melissa, “Where we gonna stay. Tumitingin na kami ng pangalan ng bata kung girl man o boy.

"Right now, we really want a girl. Pero kung boy man, okey lang din.”

Inamin ni Melissa na isa sa naramdaman niyang takot nang malaman niyang buntis siya ay kung may career pa ba siya sa showbiz pagkapanganak niya.

“I was scared dahil siyempre, it will take probably almost a year and a half, having the baby, losing weight.

"Pero ako, I believe na I work really hard to get this far and I have the talent.

"Hindi man ako pinakamagaling, but I always do my best.

“Sana, sana pagkatapos kong manganak, I will be back.”

Posibleng pagdating ng araw, mapapanood ng anak niya ang naturang interview. Ano ang gusto niyang sabihin?

“I just want the baby to be very proud. Very proud of me, very proud of his dad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I’m excited to see the baby. I just want the baby to grow up a good person.

"To be a happy baby. Sana ma-provide namin lahat ng kailangan niya.

“Sobrang laking responsibility talaga, but I’m happy that I’m blessed with the baby.

"Maybe, this is exactly what I need.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN