Vin Abrenica admits relationship with Sophie Albert: "Yes, kami na."

Vin Abrenica on being a recording artist: "It’s my passion, yung pagkanta, talaga. Nag-stop yun after ng Artista Academy [TV5 artista search]. So, ‘eto, nagkaroon ulit ako ng opportunity na makakanta ulit at makapaglabas ng single. So, sobrang saya ko talaga ngayon, hindi ko talaga ine-expect ito."


Pakiramdam ng TV5 Talent Center artist na si Vin Abrenica ay unti-unti nang natutupad ang isa pa sa mga pangarap niya na maging recording artist bukod sa pagiging artista.

Siya kasi ang napili ng director-composer-book author na si Joven Tan para kumanta ng nilikha nitong awit kaugnay ng isinulat nitong libro na Wala Namang Forever, published by Mindmaster Publishing.

Ini-record ni Vin ang naturang kanta at ginawan ng CD single na ini-launch kasabay ng launching ng libro na ginanap noong Agosto 2, Sabado, sa National Bookstore, sa SM North Edsa.

Sabi ng young actor, “It’s my passion, yung pagkanta, talaga.

“Nag-stop yun after ng Artista Academy [TV5 artista search].

"So, ‘eto, nagkaroon ulit ako ng opportunity na makakanta ulit at makapaglabas ng single.

“So, sobrang saya ko talaga ngayon, hindi ko talaga ine-expect ito.

“Thankful ako kay Direk Joven sa opportunity na ito.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vin pagkatapos ng CD at book launch.

Ayon sa Kapatid actor, may music video rin ang “Wala Namang Forever,” na si Joven din ang nagdirehe.

Wish naman ni Vin na sana sa susunod ay makagawa naman siya ng full album.



SOPHIE ALBERT. Naniniwala ba si Vin sa title ng kanta na “Wala Namang Forever”?

“Depende sa mga bagay-bagay. Ako kasi, naniniwala naman ako sa forever when it comes to love!” sabay tawa niya.

Hindi naman kaagad nakasagot si Vin nang matanong kung mayroon na ba siyang "forever love" ngayon.

Nang huli kasing makausap ng PEP ang babaeng malapit sa puso ni Vin na si Sophie Albert, sinabi ng young actress na tanungin na lang daw sa nakababatang kapatid ni Aljur Abrenica kung ano na ba ang relasyon nila ngayon.

Kaya ang tinanong ng PEP kay Vin ay kung girlfriend na ba niya si Sophie?

Umamin naman ang binata.

Sabiniya, “Naging kami noong… months ago nung naging kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yes, kami na.

“Siguro yung exact date, I want to keep it private na lang.”

Dati-rati kasi, sa tuwing tinatanong sila kung may relasyon na ba sila ay lagi lang nilang sinasabi na “best friends” sila.

Nakabuti ba na naging mag-best friends muna sila bago ito naging mas malalim na relasyon?

Ayon kay Vin, “Ang maganda kasi sa amin, matagal kaming naging mag-best friends.

“Best friends po kami talaga ever since AA [Artista Academy].”

So, si Sophie na ba ang forever niya?

Sagot niya, “Para sa akin, we’re enjoying our company now.

“So far, so good, we’re happy.

“Pero siyempre, kailangan ko munang maging stable, to have my own house, my own car.”

Kahapon, Agosto 3, ay kaarawan ni Sophie at may sorpresa raw siyang inihanda para sa kasintahan bukod pa sa regalo.



HAPPY FOR GIRLFRIEND’S CAREER. Masaya rin si Vin para kay Sophie sa pagkakaroon nito ng unang pelikula, ang #Y (Hashtag Y), na entry sa ginaganap na 2014 Cinemalaya Philippine Independent Film Festival.

Aware ba siya sa daring scenes ni Sophie with Elmo Magalona sa pelikula?

Sabi ni Vin, “Actually, nakita ko na.

“Nakasama ako one time [sa shooting], naka-bonding ko sina Elmo.

“I was there also sa dubbing, so halos napanood ko talaga.”

Ano ang naging reaksiyon niya noong mapanood ito?

“Wala. Actually, congratulations sa kanila kasi okay yung mga scenes nila doon.

“At least, bago itong way para mabuksan sa mga kabataan yung mga gimik-gimik ngayon, yung totoong nangyayari talaga.

“I’m proud of Sophie sa first movie niya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN