Marjorie Barretto refutes claim that Dennis Padilla is not allowed to enter subdivision where they live

“Where did you get the story na Hindi pinapasok si Dennis sa subdivision? This is not a teleserye. Hindi na uso ang ganyang gawang kwento,” says Marjorie Barretto in response to the negative comments against daughter Julia Barretto on Instagram.


Umalma si Marjorie Barretto sa diumano’y pinapakalat na maling impormasyon ng isang basher ng anak niyang si Julia Barretto.

Ito ay matapos batikusin ng isang online user—na may handle name na @wright107—ang petisyon ni Julia na palitan ang kanyang tunay na apelyidong Baldivia at legal na gawin itong Barretto.

Baldivia ang tunay na apelyido ng ama ni Julia na si Dennis Padilla.


DENNIS’S PLEA. Bukod dito, inihayag ng anonymous online user ang kanyang disgusto sa napabalitang inasal ni Julia nang huling magkausap ang Kapamilya actress at si Dennis.

Tila base ito sa panayam ni Dennis, kung saan ibinahagi ng aktor ang tungkol sa ‘di pagkakaunawaan nila ni Julia noong nakaraang buwan.

Kuwento ni Dennis, hindi niya inaasahang igigiit ni Julia na ayon sa batas ay karapatan ng young actress na palitan ang kanyang apelyido.

“Alam mo yung mga paliwanag niya, may mga sinasabi siyang mga legal terms.

“Kaya sabi ko, ‘Julia, you don’t know what you’re talking about. Hindi mo pa alam ‘yan, ang bata-bata mo pa.’

“Ang binabanggit lang niya paulit-ulit, ‘By law, I can change my name, by law…’

“Sabi ko, ‘What do you understand about the law? You’re so young to talk about that.’

“Sabi ko, ‘I’m fighting for my family name because I am your father.

“’You are already using Barretto as your screen name, so puwede na ‘yang ganung arrangement.

“’Saka hindi naman ako nakakabawas sa pagkatao niyo dahil mga anak ko kayo,’” emosyunal na lahad ni Dennis sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong August 1.

Read: Dennis Padilla vows to fight for paternal rights amid daughters Julia and Claudia’s petition to change name

MARJORIE BLASTS JULIA’S BASHER. August 2 nang mag-post ng sunud-sunod na comments si "@wright107" tungkol sa tila pagtatwa ni Julia sa kanyang sariling ama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Makikita ang comments na ito sa larawan ng mag-inang Julia at Marjorie na ipinost ng Star Magic talent sa kanyang Instagram “two weeks ago.”

Sa isang hiwalay na comment, nag-request ang isang fan (@jcka_puma) ni Julia na mag-post din ang young actress ng larawan kasama si Dennis.

Singit na sagot ni @wright107 kay @jcka_puma: “How can she post pictures with her dad ni hndi man lang nga sila nag bobonding na mag ama., binawalan nga nila pumasok c sor dennis sa subdivision nila ei.”

Sa puntong ito, ipinagtanggol ni Marjorie si Julia at mariing pinabulaanan ang alegasyon ni @wright107.

Wala raw nangyaring insidente kung saan pinagbawalan si Dennis na pumasok sa subdivision na tinitirahan nina Marjorie at Julia.

“Where did you get the story na Hindi pinapasok si Dennis sa subdivision? This is not a teleserye. Hindi na uso ang ganyang gawang kwento,” ganting-sagot ni Marjorie sa basher ni Julia.

Sa panayam ni Dennis sa Startalk, na lumabas noong August 2, sinabi nitong wala na siyang contact sa mga anak niya dahil nagpalit na raw ang mga ito ng numero.

"Hindi ko na sila matawagan, wala akong contact sa kanila."

Hindi rin daw siya "allowed" na pumunta sa bahay ng kanyang mga anak.

Ani Dennis, "I’m not allowed din na pumunta sa bahay nila.

"Kasi subdivision yun, e. Pagka ayaw ng may-ari ng bahay sa subdivision, ayaw kang papasukin, hindi ka puwedeng pumasok."

July 12, 2014 unang nagpahayag ng saloobin si Dennis tungkol sa inihaing “Petitition to Change Name” ng kampo ni Julia.

Mula noon ay hindi pa personal na nagbigay ng pahayag si Marjorie hinggil sa isyu.

Tanging ang legal counsel nina Marjorie at Julia ang nagpaliwanag na nais palitan ng kampo ni Julia ang apelyido ng batang aktres, sanhi ng ilang legal grounds.

Una na rito ay hindi pa umano kasal sina Marjorie at Dennis nang ipinanganak si Julia noong March 1997.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

November 14, 1997 nang magpakasal sina Marjorie at Dennis, ngunit pinawalang-bisa ito noong October 2009.

Ito ay dahil napag-alamang hindi pa pala legally separated si Dennis sa naunang asawa ng aktor.

Read: Julia Barretto camp explains filing of change of name; Dennis Padilla files motion to intervene


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN