Mylene Dizon hopes relationship with Jason Webb will be for the long haul

Mylene Dizon and Jason Webb have been going out for 10 months now, but the actress clarifies that they have yet to talk about tying the knot.


Inamin ni Mylene Dizon na sampung buwan na ang relasyon nila ni Jason Webb, dating Philippine Basketball Association (PBA) player at ngayon ay TV analyst.

“Very good,” maiksing sagot ni Mylene nang kamustahin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang relasyon nila ni Jason.

Nakausap namin si Mylene sa gala night ng pinagbibidahan niyang Cinemalaya entry, ang Mariquina, sa Cultural Center of the Philippines, Lunes ng gabi, August 4.

Kasamang dumating ni Mylene si Jason sa event, ganun din ang anak ng aktres.

Bilang isang artista, mahirap ba para kay Mylene na magkaroon ng relasyon dahil maraming dapat ikunsidera?

Pahayag ng aktres, “Matanda na ako, 40 [anyos] na ako.

“A relationship is a relationship, whether artista ako… hindi ‘yon issue or something na kailangang itago.

“I’m not a teeny-bopper nor am I bata… wala naman akong itinatagong image.”

Hindi naman daw isyu kay Jason kung isa siyang artista dahil ang ama nitong si Freddie Webb ay bahagi rin ng showbiz. Newscaster naman ang nakatatandang kapatid nitong si Pinky Webb.

“Anak ni Freddie Webb ‘yan, mas malaking celebrity kesa sa akin, so he’s very sanay.”

Umaasa ba siyang pangmatagalan na ang relasyon nila ni Jason?

“I hope so... don’t we all hope for that?” tugon ni Mylene.

May mga plano na ba kagaya ng pagpapakasal?

“No, no,” sabi ng aktres.

Maayos naman daw ang relasyon ni Jason sa dalawang anak ni Mylene kay Paolo Paraiso.



INDIE MOVIE. Bida si Mylene sa Cinemalaya entry na Mariquina, na idinirek ni Milo Sogueco.

Sabi ni Mylene tungkol sa pelikula, “I feel very lucky to have bagged the role.

"I really wanted to do something for Cinemalaya again, and I wanted to do another independent film, a script that I really like.

"So, yun, when I read the script for the first time, when Imelda [her role] was being offered to me, I already fell in love with it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And I already congratulated Jerrold [Tarog] for writing the script."

Naunang in-offer ang role kay Judy Ann Santos subalit nag-backout ang Teleserye Queen, at ipinalit nga si Mylene.

Read: Judy Ann Santos pulled out from Cinemalaya entry Mariquina

“It was supposed to be Judy Ann, but she had to back out from it, so ‘yon, sinalo ko… that’s why I feel lucky that I got the role.”

Hinahangad ba niyang masungkit ang Best Actress trophy para sa kanyang pagganap sa pelikula?

“No, no... I’m just rooting for a best Cinemalaya year for everybody.

“I’ve gotten an award before, it really doesn’t compare to having been part of a good project,” sabi ni Mylene.

Nanalong Best Actress si Mylene sa Cinemalaya noong 2008 para sa pagganap niya sa 100.

Patuloy niya, “An award is just there, but the knowledge, the feeling that you were chosen and then you were part of something great is far, far more worthwhile… or something to look forward to.”

Ano ang personal fulfillment niya na mapabilang sa isang Cinemalaya film entry?

“Ako, personal fulfillment ko lang naman is just to know that I’m cast or at least considered for a good role, is enough for me.

"It’s enough satisfaction for me," sagot ni Mylene.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN