Dingdong Dantes starts birthday month with socio-civic activities; forgoes salary as NYC commissioner-at-large

Dingdong Dantes on his socio-civic activities: if you know that there’s a need and that needs can be provided wholeheartedly, na hindi naman mako-compromise ang kahit anong bagay, especially sa akin man o sa mga tao sa paligid ko, I’ll take that opportunity. And for me, I see that opportunity na something na makakatulong lalo.”


Sinimulan ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes ang kanyang birthday month sa pamamagitan ng pagbisita niyang muli sa Iloilo noong August 1, Biyernes.

Pinagsabay na ni Dingdong noong araw na iyon ang mga programa niya para sa National Youth Commission (NYC) at Yes Pinoy Foundation (YPF).

Bagamat bisperas ng kanyang kaarawan, ipinakiusap ni Dingdong sa kanyang management team na PPL Entertainment, Inc. na i-block muna ang showbiz commitments niya sa araw na iyon.

Nagdiwang ng kanyang 34th birthday si Dingdong noong August 2.

Bakit sa mga ganitong gawain niya napiling simulan ang unang araw ng kanyang birthday month?

Saad ni Dingdong sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Well, kasi siyempre, for something that’s special and dear to you, you would want…

“Kumbaga, time it also on a very special occasion.

“And serving the youth is very dear to me, very special.

“Particularly yung commitment ng Yes Pinoy Foundation of delivering all the donations, the chairs, and the two-story building. And yung program and activities of National Youth Commission.

“Isang magandang panahon, isang magandang adhikain, isang magandang adbokasiya ay nararapat talagang mapagsama-sama sa isang magandang araw.

“At para sa akin, isa sa magandang paraan kung paano mag-celebrate ng kaarawan, whereas yung mga traditional na pagpapa-party, instead of receiving, I’d rather work.”



WHOLE-DAY AFFAIR. Buong araw ginawa ni Dingdong ang lahat ng mga aktibidades niya sa Iloilo noong bisperas ng kanyang kaarawan.

Sinimulan niya ang araw sa paglipad papuntang Iloilo City ng alas-tres ng madaling-araw.

Pagdating na pagdating niya, dumiretso na siya sa GMA-7 Iloilo para sa guest appearance niya sa morning show na Arangkada.

Nag-almusal naman si Dingdong sa Pavia Elementary School, kung saan ginanap ang launching ng “Abot-Alam,” isang proyekto ng NYC sa pakikipagtulungan ng Department of Education, at re-launching ng Teens Center.

Bagamat inabot ng malakas na ulan ang programa, hindi ito naging hadlang para ipagpatuloy ni Dingdong ang kanyang gawain.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Anin na oras naman ang ibiniyahe ni Dingdong mula Iloilo City hanggang sa Estancia.

Marami nang mga estudyante at taga-STEPS Foundation ang naghihintay sa aktor sa Balasan Elementary School, kunsaan namahagi naman sila ng mga tsinelas at para mai-promote ang tamang kalusugan lalo na sa mga estudyante rito.



ESTANCIA ELEMENTARY SCHOOL. Kung kasikatan ng araw sa Balasan Elementary School, pagdating naman sa kalagitnaan ng inihandang programa ng mga taga-Estancia Elementary School ay biglang bumuhos ang napakalakas na ulan.

Pero hindi ito naging hadlang para hindi ipagpatuloy ng mga estudyante at mga guro ang inihanda nilang sayaw bilang handog sa kaarawan ni Dingdong.

Nagulat naman ang marami nang bumaba sa stage si Dingdong at lumapit sa mga estudyante at guro na naghandog ng sayaw sa kanya sa gitna ng napakalakas na ulan at maputik na lupa.

Dito ay ipinahayag ng aktor na “miss na miss ko na kayo” sa mga estudyante at guro.

Malapit ang loob ng mga taga-Estancia sa Kapuso actor dahil noong sinalanta ng bagyong Yolanda ang kanilang lugar, ito ang napili ng YPF na bigyan ng maagap na tulong.

Bukod pa ito sa two-story classroom building na kasalukuyang itinatayo ng YPF.

Sa araw ring iyon ang naging turnover ng ipinangakong mga upuan para sa kanilang silid-aralan.

Tatlong libong upuan ang ite-turnover sa programang “One Child, One Chair.”

Bukod pa rito ang mga buto at ilang halaman para sa tree planting sa pakikipagtulungan naman ng Lifeline Foundation sa YPF.

Mula sa Estancia, dumiretso si Dingdong sa SM Iloilo, kung saan ginanap ang programa ng NYC na “Make YOUth Count,” na naglalayong magbigay ng awareness sa lahat na kailangang magparehistro at mapabilang sa Biometrics at ma-exercise ang karapatan nilang bumoto.

Ayon kay Dingdong, lumalabas sa statistics na nasa 9 milyon pa ang hindi rehistrado sa buong bansa.

Dito ay sinorpresa rin si Dingdong ng ilang kasamahan niya sa Kapuso network na sina Rochelle Pangilinan, Rocco Nacino, Sef Cadayona, Dominic Roco, Diva Montelaba, at Rodjun Cruz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pasado 10 P.M, na nang makabalik si Dingdong sa Manila.

Sinundo siya ng girlfriend niyang si Marian Rivera para sa inihanda naman nitong surprise birthday party sa Manila Peninsula.



PUBLIC SERVICE. Bago umalis ng Iloilo at pagkatapos ng dinner, nakausap ng PEP ang aktor.

Kinumusta namin kung ano ang pakiramdam niya sa buong araw na aktibidades niya sa Iloilo. Nakaramdam ba siya ng pagod pagkatapos ng lahat?

Sagot ni Dingdong, “Sa totoo lang, hindi masyado, kasi number one, gusto ko ang ginagawa ko.

“At nararamdaman ko ang appreciation ng tao at nakikita mo na maraming nagbe-benefit.

“Maraming nagpapasalamat at maraming napupuntahang maganda ang lahat ng pagod na nagagawa.

“Yun talaga ay nakakatanggal ng pagod sa kahit na anong larangan.”

Naging mainit ang pagtanggap sa kanya ng mga taga-Iloilo at natural na natural ang pakikipaghalubilo niya sa mga tagaroon.

Sabi niya tungkol dito, “Of course, nagkataon din na what we’re serving are the same constituency, which is, yung kabataan, at para-pareho kami halos ng ginagawa.

“Maaaring iba-ibang pamamaraan lang dahil sila, they are already local official, at kami naman ay sa national level.

“We have policies, we have programs. And also, as NGOs, meron din kaming mga advocacy na maaaring ma-contribute.

“But at the end of the day, pareho ang equation niyan—it’s all public service.”

Malaki at marami na rin ang naabot na tulong niya sa pamamagitan ng Yes Pinoy Foundation.

Pero kamakailan lang ay pumayag siyang tumanggap ng kauna-unahang posisyon sa gobyerno, bilang commissioner-at-large ng National Youth Commission.

Bakit niya tinanggap ang naturang posisyon?

Pahayag ni Dingdong, “Kasi, malaking bahagi ng pag-develop ko bilang artist din, as an actor, yung involvement ko sa National Youth Commission.

“Kasi, yung NYC noong araw, active na ako diyan as early as 2001.

“Marami silang mga programs and projects na kunsaan ako ay nag-benefit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Meaning, bukod sa pagiging volunteer, ako mismo ay nagiging beneficiary, kasi natututo ako sa mga ginagawa nila.

“Nakikita ko how much na binibigyan ng value ng kabataan yung kanilang role sa society, na hindi binabalewala.

“From then on, that’s one thing that I harness and I really use sa pang-araw-araw na gawain ko.

“Hindi lang siyempre masa-satisfy ka at makukuntento ka sa pagiging artista, but at the same time, you’re also looking for something more substantial, which I think, yun ang malaking na-contribute sa akin ng NYC.

“Now that I’m 34, soon I will be 35, mawawala na rin ako sa bracket.

“And ngayon, nagkaroon ng opportunity for me to serve the institution.”

Bilang isang government official ay may suweldo si Dingdong, ngunit napag-alaman namin mula sa isang taga-National Youth Commission na hindi tumatanggap ang aktor ng suweldo niya.

Kinumpirma naman ito ni Dingdong sa amin.

Aniya, “Yes, well, in fact, it’s currently a resolution sa aming commission.

“Pinipirmahan na siya that I will not receive any salary and I will dedicate it and use it for the program of National Youth Commission, for other purposes na I’d rather not say muna.

“But definitely, hindi ako tumatanggap.”

Bakit siya ganoon ka-passionate sa paglilingkod at sa pagtulong?

Paliwanag ni Dingdong, “Well, if you know that there’s a need and that needs can be provided wholeheartedly, na hindi naman mako-compromise ang kahit anong bagay, especially sa akin man o sa mga tao sa paligid ko, I’ll take that opportunity.

“And for me, I see that opportunity na something na makakatulong lalo.

“Kasi, kapag nag-involve ako sa isang bagay, all-out, walang half-hearted. Hindi ako half-hearted, hindi ako half-baked.

“So, ganun din dito.”



SEIZE THE MOMENT. Paano niya nagagawang makihalubilo sa lahat ng antas ng lipunan?

“You know, yung mga life experiences, napakalaking bagay niyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako kasi, sinusulit kong lahat.

“Palagi kong iniintindi na sa bawat araw ng buhay ko, alam ko naman na hindi permanente lahat ng ibinibigay sa atin.

“Sinusulit ko talaga lahat ng opportunities na maibigay sa akin.

“Lahat ng mga tao na nakikilala ko… and I make sure that I treasure relationship, I treasure everything.

“Especially, hindi mo rin naman siyempre dapat ibalewala ang kaligayahan mo.

“It has to make you happy, ‘di ba?”

Muli namang nilinaw ni Dingdong na sa kabila ng pagiging aktibo niya sa pagkakawanggawa ay wala siyang intensiyong tumakbo sa pulitika.

“Gaya naman ng palagi kong sinasabi, maaaring may mga iniisip, but at the end of the day naman, nasa willingness naman ng tao ‘yan.

“Without any intention at the back of your mind, wholeheartedly, gagawin mo ‘yan.

“At yun naman ang pinakaimportante, yung sincerity sa gawa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN