Derrick Monasterio dreams of lead role in primetime; open to entering politics

Derrick Monasterio on his showbiz career: “Siguro masasabi ko nang naabot ko yung dream ko kung makakapag-concert na ako ng sold out sa Araneta. Yun yung sa singing career ko po. Sa acting career ko naman, gusto ko mabigyan ako ng lead role sa primetime.”


Nakasama ng Kapuso teen star na si Derrick Monasterio ang ilang typhoon Yolanda survivors para sa selebrasyon ng kanyang 19thbirthday, na ginanap sa Sto. Niño Chapel, sa Tagupo Street, Barangay Tatalon, Quezon City.

Kabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mga naimbitahan sa ikalawang birthday charity event ni Derrick sa tulong ng GMA Artist Center.

Kuwento ng young actor, isang simpleng kainan lang ang ginanap upang ipagdiwang ang kanyang kaarawan.

“Sinelebreyt ko na po kasi yung birthday ko sa bahay, kain-kain lang.

“Ang ginagawa ko na lang po ’pag birthday ko, kumakain na lang po kami nang simple.

“May budget po sa mga ganun.”

Nais din daw ni Derrick na ibahagi ang blessings na kanyang natatanggap, at ang survivors ng typhoon Yolanda ang nais naman niyang mapangiti sa kanyang kaarawan.

Aniya, “Dito naman kasi, ’di ba, mga survivors ng Yolanda na bagyo.

“Siyempre, sobrang recent pa lang na nangyari yun, ’di ba, and mas maganda kung may maitutulong din ako sa kanila.

"Kasi sobrang malaking disaster siya, e, national disaster siya.

“Yung tipong makita mo sila… mapapangiti mo sila kahit na may nangyari sa kanilang ganun, talagang sobrang masarap sa feeling, e."

Taun-taon na ba niyang gagawin ang ganitong klaseng selebrasyon?

Sabi ng young actor, “Opo, every year, every year, sana po, kasi siyempre ang birthday naman mas masarap kung isine-share mo, e.

“Hindi lang naman sa sarili mo, ganun.”



BIRTHDAY WISH. Dahil ipinagdiriwang ng Half Sisters star ang kanyang 19th birthday, ano naman kaya ang kanyang hiling sa kaarawan niyang ito?

Sagot ni Derrick, “Gusto ko magkaroon ng peace on Earth, wala nang malnutrition, wala nang poverty.

“Siguro para sa sarili ko naman, mas gumanda yung takbo ng career ko and siyempre good health sa family.

“Ayun, sana marami pa akong mapasayang tao at ma-inspire.”

Mayroon na bang nagpapatibok ng kanyang puso ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pabirong sagot ni Derrick, “Meron naman, meron naman talagang nagpapatibok ng puso natin. Kahit kayo po, ’di ba?”

Hindi pinangalanan ni Derrick, ngunit may non-showbiz girl na mas nagiging malapit daw sa kanya ngayon.

“Happy ako kasi kahit na busy ako, maintindihin siya.”

Isa sa mga pinasalamatan ni Derrick sa kanyang birthday ay ang kanyang home network at ang fans na patuloy na sumusuporta sa kanya.

Saad niya, “Siyempre nagpapasalamat ako sa GMA kasi hindi nila ako pinapabayaan, e.

“Laging every year, binibigyan nila ako ng chance para i-prove yung sarili.

“Siyempre, nagpapasalamat ako sa mga boss natin ‘tsaka sa mga fans ko, kasi sila din po yung dahilan kung bakit may show ako, kung bakit nandito ako, kung bakit may tiwala sa akin yung network—dahil sa inyo yun.

“Nagpapasalamat ako kasi kayo yung isa sa malalaking factors na talagang kung bakit ako nandito sa showbiz at kung bakit ako umaarte ngayon."

Ano pa ba ang gusto niyang ma-achieve sa kanyang career?

Tugon ni Derrick, “Siguro masasabi ko nang naabot ko yung dream ko kung makakapag-concert na ako ng sold out sa Araneta.

“Yun yung sa singing career ko po.

“Sa acting career ko naman, gusto ko mabigyan ako ng lead role sa primetime.”

Dagdag niya, “I’m patient naman po and very thankful din kasi siyempre step by step ’yan po, e.

“Napi-feel ko naman po yung pag-aalaga ng network sa akin at tatanawin ko po yun na malaking utang na loob sa kanila.”



MATURE ROLES. Samantala, mapapansin sa Instagram account ni Derrick na patuloy siyang nagwo-workout at nagpapalaki ng katawan.

Tinanong ng press kung mayroon ba siyang pinaghahandaan at kung tatanggap na siya ng sexy roles?

Sagot ni Derrick, “Hindi pa po sa masyado sa ngayon, nahihiya pa ako.

“Halimbawa, magbibihis lang ako sa set, huhubad lang ako ng top, kailangan may itatakip pa ganyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nahihiya pa ako, hindi pa ako ganun ka [confident].”

Dagdag pa niya, “Siguro hintayin ko po muna na mag-mature pa yung face ko at yung katawan ko, kasi mukha pa siyang bata.”

Sa ngayon, patuloy raw munang magwu-workout si Derrick habang nag-aantay ng tamang panahon na magpalit ng mas mature na image.

“Kasi ano naman po ’yan, e, matagal bago makuha yung result.”

Kailan naman niya balak tumanggap ng mas mature na roles?

Tugon ng Kapuso talent, “Siguro mga ano po, one year.”



POLITICS. Kasama ni Derrick ang kanyang ina, ang dating aktres na si Tina Monasterio, sa kanyang birthday charity event.

Nabanggit ni Tina na dati siyang kagawad at muntik na ring maging konsehala.

Kaya naman tinanong ng press si Derrick kung nais din ba niyang pasukin ang pulitika.

Sagot niya, "Actually, gusto ko nga po, e, kasi hindi po ako naku-convince sa mga nakikita ko ngayon, e.

“Like, kung ako kasi ang magiging public servant, ang una kong iisipin is yung kapakanan ng tao.

“Kasi yun naman talaga yung dahilan, e, kung malinis talaga yung puso mo, yung konsensiya mo, malalaman mo talaga kung ano yung gusto mong gawin, e.

“Hindi yung may ano ka lang, may hidden agenda ka lang or ano.”

Sa tingin ni Derrick, magiging mabuting halimbawa siya sa mga tao kung sakaling maging isang public servant din siya gaya ng ina.

“Puwede, puwede, kasi sa tingin ko po, maimpluwensiya po kasi ako sa tao, e.

“Halimbawa, kasama mo yung taong ’to sa isang linggo, makukuha niyo na yung mga ugali ko, mga atittude ko.

“So, sa tingin ko, kung sa kaibigan ko nagagawa ko yun, malamang sa ibang tao, kaya ko rin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN