Thea Tolentino hands-on debutante; chooses butterfly as theme of her debut party

Thea Tolentino on butterfly theme of her debut party: “It means na haharap na ako sa mga bagong pagbabago sa buhay ko. Hindi na ako yung bata na kailangan pang alalayan. Puwede na po akong gumawa ng mga desisyon ko. Pero mas gusto ko pa rin po na kasama ang family ko sa mga gagawin kong desisyon sa buhay.”


Sa August 13 ay ipagdiriwang na ng Protégé female winner na si Thea Tolentino ang kanyang 18th birthday.

Abala na nga ngayon ang Kapuso young actress sa pag-aasikaso ng kanyang debut party na magaganap sa kanyang hometown sa Calamba, Laguna.

Nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Thea sa taping ng The Half Sisters, sa Urology Center of the Philippines, sa Quezon City, noong July 30, sinabi nitong excited na siya para sa kanyang nalalapit na debut.

“Nakakapagod po pala ang magplano ng ganitong party.

“Kahit na po may taping ako, nakikipag-coordinate ako sa ilang tao.

“Kahit na po sinabi nila sa akin na sila na ang bahala dahil alam nilang busy ako, gusto ko pa rin pong malaman ang mga nangyayari.

“Ayoko naman pong dumating na lang ako sa debut ko na wala akong alam sa mga naganap.

“Gusto ko po na kapag nagkuwento ako tungkol sa debut ko, detalyado at alam ko ang mga nangyari—mula sa pagplano hanggang sa mismong araw ng birthday ko.”



DETAILS. Ang gagawa raw ng kanyang debutante gown ay ang kilalang “Pinoy Superman” na si Herbert Chavez.

Butterfly ang theme ng debut ni Thea at pink and lavender naman ang color motif.

Sabi ni Thea, “Maganda po kasi ang symbol ng butterfly para sa isang debutante.

“It means na haharap na ako sa mga bagong pagbabago sa buhay ko.

“Hindi na ako yung bata na kailangan pang alalayan. Puwede na po akong gumawa ng mga desisyon ko.

“Pero mas gusto ko pa rin po na kasama ang family ko sa mga gagawin kong desisyon sa buhay.”

Naglabas daw si Thea ng sarili niyang ipon para sa kanyang debut party at tinulungan din siya sa gastos ng kanyang sponsors.

“Minsan lang po kasi mangyayari ito at gusto ko rin na mag-enjoy ang family and friends ko sa debut party natin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gusto ko rin sana ay simpleng party lang, pero may mga nag-offer naman na sila ang mag-shoulder ng ibang gastos kaya pumayag na rin ako na maging big celebration ito.

“Tutal minsan lang naman tayo maging 18 years old, ‘di ba?

“At para rin naman ito sa family at mga kaibigan ko na laging nandiyan para suportahan ako since sumali at manalo po ako sa Protégé.”



THEA’S ESCORT. Ang daddy raw ni Thea ang magiging escort niya sa kanyang debut. Ito rin daw ang magiging first dance niya.

“Wala naman po kasi akong boyfriend pa. Kaya tama lang na si Daddy ang maging escort ko.

“May mga suggestions naman kung sino ang maging escort ko, pero mas gusto ko po na si Daddy dahil siya yung mas nakakakilala sa akin at nakita niya ang paglaki at pagtanda ko.”

Mayroon ding 18 candles and 18 roses si Thea. Binubuo raw ito ng kanyang mga kaibigan, classmates, kamag-anak, at mga nakasama sa trabaho sa GMA-7.

Sabi pa niya, “Invited po lahat ng mga nakatrabaho ko sa GMA-7.

“Malaki po ang utang na loob ko sa Kapuso network dahil kung hindi dahil sa contest nila, hindi po ako mabibigyan ng pagkakataon na maging isang artista.

“Dahil po sa kanila, nagawa kong matulungan ang pamilya ko.

“’Tsaka malaki rin po ang tulong ng GMA-7 sa aking debut kaya hindi sila dapat mawala sa celebration natin.”



KONTRABIDA. Samantala, marami ang pumupuri kay Thea sa pagganap niya bilang kontrabida sa afternoon soap na The Half Sisters.

Bumagay raw sa kanya ang role kaya naman kina-career niya ito ngayon.

Saad ni Thea, “Sa mga nagawa ko nang ibang shows po, like Love & Lies, Teen Gen, mabait po ang roles ko.

“Dito nga raw po sa The Half Sisters, nakabuo ako ng character na very scheming.

“Ina-apply ko parati ang mga turo ni Direk Gina Alajar sa amin sa kahit na akong role na ibigay sa amin—big or small—kailangan one hundred percent ang commitment mo sa pag-perform.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya noong sinabi po sa akin na scheming at mataray ang role kong si Ashley, kapag nag-action na si Direk Mark [Reyes], nilalabas ko po yung character na iyon mula sa pagtaas ng kilay, pagtitig ko kay Barbie [Forteza], at sa pagkilos ng katawan ko.”

Dagdag niya, “Marami na po ang nag-akala na mataray talaga ako sa tunay na buhay.

“Hindi po ako ganun. Role ko lang po iyon as Ashley.

“In real life, mabait po ako—mahiyain pa rin po ako!”

Ito raw ang second time na naging kontrabida si Thea kay Barbie. Una siyang nagkontrabida sa Anna KareNina.

“Yung Anna KareNina ang unang teleserye na nagkontrabida ako kina Barbie, Joyce Ching, at Krystal Reyes.

“After nun ay nabigyan ako ng first bida ko na Pyra, Babaeng Apoy. At ‘tapos, ito na pong The Half Sisters at nakasama ko ulit si Barbie.”

Kapag may eksenang kailangan niyang saktan si Barbie, nag-uusap daw muna sila bago kunan ang eksena para masigurado na walang masasaktan sa kanilang dalawa.

“Ang madalas lang naman na gawin ko po kay Barbie ay yung sabunot at itinutulak ko siya. Yung sampal, hindi naman po masyado.

“Kapag hiniling ni Direk Mark na kailangan catfight talaga, may style na kami ni Barbie para walang nasasaktan sa amin.

“Kung sakaling matamaan ko si Barbie ng medyo malakas, nagsu-sorry ako agad sa kanya. Ganun din naman siya.

“Kaya okey kami parati ni Barbie.

“After ng ganung eksena, nagtatawanan na lang kami. Parang wala lang nangyari sa amin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN