Carla Abellana coy about Tom Rodriguez wooing her: "There’s a possibility, but only time can tell."

Carla Abellana has just finished one movie and will do another. She stars in a primetime series and a weekly sitcom. On top of these are showbiz-related extracurricular activities. Is there room for love? Only time will tell, she says.


Kapansin-pansing una ang pangalan ni Carla Abellana sa billing ng pelikulang Somebody To Love, habang si Iza Calzado ay nasa hulihan ngunit may "and."

Reaksiyon ni Carla tungkol dito, “Hindi ko na ano yun... I don’t know how that works.”

Wala namang isyu sa kanila ni Iza pagdating sa billing?

“Wala, wala… hindi ko na alam kung paano nagwo-work ang ganyan.

“‘Pag ganyan, sa business side ng showbiz, hindi ko na touch.

"Artista lang ako, hindi ako businessman.”

Siya ba ang lumalabas na bida sa Somebody To Love?

“Hindi, hindi naman. Kung sino ang nakikita niyo sa poster, may kanya-kanya kaming story,” sabi niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Carla sa pocket presscon na inihanda para sa kanya ng Regal Entertainment noong July 31, sa Valencia Homes, Quezon City.



LOVE SONG? Base sa title ng movie, masasabi ba ni Carla na may "somebody to love" na siya ngayon?

Nakangiti niyang sagot, “Sabi ko, marami.

"Kasi kapag sinabi mong somebody to love, isang tao lang.

"Ang dami... people to love, parang ganun.”

Tinanong din ng PEP si Carla tungkol sa balitang nagsulat daw ng kanta para sa kanya ang ka-loveteam niya ngayon na si Tom Rodriguez.

Magkatambal ang dalawa sa primetime series ng GMA na My Destiny.

Paliwanag ng aktres, “Marami naman siyang kantang naisulat na o poem na naisulat o naikanta na para sa akin.

"‘Yan naman, inside joke ‘yan from a movie, sa isang pelikula na matagal na naming pinagtatawanan.

"Ang Nacho Libre [2006], si Jack Black yung artista dun, matagal na naming pinagtatawanan yun.

"This year, palagi naming pinag-uusapan, kasi okey yung pelikula, sobra. ’Tapos, tawang-tawa lang kami lagi.

“May isang kanta yung character ni Jack Black, isinulat niya para dun para sa isang madre.

"People think he [Tom] actually wrote it, but it’s actually from a movie.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung sumusulat ng kanta o tula para sa kanya si Tom, at sabi nga niya ay kinakantahan siya, parang hinaharana na rin siya nito?

Sagot ni Carla, “E, hindi ko alam… palagi naman siyang kumakanta, lalo na kapag 12 midnight na, inaantok na siya.

"Yun na, automatic, kakanta ‘yan. O kaya, nagiging makulit, nagbibiro.

“Pero hindi naman yung ’Carla, halika rito, kakantahan kita.’


"Hindi naman yung ganun. Palagi ‘yan kumakanta.”

COURTING CARLA. Nagbitiw ng salita si Tom sa isang interview nito na “trying to court her”—na ang tinutukoy ay si Carla.

Read: Tom Rodriguez hints at possible romance with Carla Abellana

Ano ang dating nito kay Carla?

“Trying, e, siguro may plano. Susubukan niya.

"Tinagalog ko lang, kasi iba pala ang meaning ng trying sa planning.

"I guess, sinusubukan niya, so makikita ko pa lang.”

Hindi pa niya nararamdaman yung “trying” na sabi ni Tom?

“Kasi, wala namang nagbago. Ganun pa rin siya.

"Hindi naman siya yung ’Carla, I love you. Carla, I like you.’

"Hindi siya ganun. Yung how we work, how we are together, ganun pa rin.

“At saka si Tom, magaan siyang katrabaho.

"Kasi, yung ibang tao, ang bigat katrabaho.”

Hindi na siya masosorpresa kung isang araw, mag-"I love you" si Tom sa kanya?

“E, yun naman ang sabi niya, na trying siya. So, I guess, we’ll see,” sabi ni Carla.

Napag-uusapan na ba nila ang tungkol dito?

“Hindi, hindi…”

Nakikita naman niya ang posibilidad na maging sila ni Tom?

Sabi ni Carla, “Wow, madali lang namang mag-imagine.

"Sabi ko naman, it’s possible.

"There’s a possibility, but only time can tell.

"At saka ipagdarasal ko ‘yan. Yun ang gagawin ko, magdarasal ako for sign.”

FANBASE. Tinanong ng PEP si Carla kung nakakatulong ba sa kanila ni Tom na may mga fans na gusto talagang silang magkatuluyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot niya, “Nakaka-pressure din, kasi parang ano ba... alam mong nabuo ‘yan, nagsama-sama silang mga fans dahil sa isang loveteam.

"Kung anuman ang mangyari, baka magwatak-watak din, nakaka-pressure din.”

Pero nakakadala rin ba yung loveteam na nabubuo sa isang relasyon?

“Depende, choice yun, kasi ang dami ko nang nakatrabahong leading men—Jake Cuenca, Richard Gutierrez, Dennis Trillo.

"Hindi rin naman magiging loveteam ‘yan kung hindi sunud-sunod ang projects niyo.

“I guess, it has a lot to do with timing, kung choice niyo na rin.

"Kung gugustuhin mo man and, I guess, yung personality niyo kung nagma-match.”

Ano ba ang magpapa-in love sa kanyang muli?

“Basta mabait, patatawanin ako palagi, at aalagaan nang mabuti,” sagot niya.

Si Tom ba ay napapatawa siya palagi?

“Oo, lagi, lagi. At mabait siya!”

Ayon kay Carla, may iba rin naman daw nanliligaw sa kanya.

“May mga nagpaparamdam. May balak din, trying din.”

Taga-ABS-CBN ba ito, GMA o TV5?

“Sosyal, all networks!” natawa niyang sabi.

“Hindi naman, may mga non-showbiz rin.”

TOO BUSY. Nang mag-break sila ni Geoff Eigenmann, naging open siya ba siya agad sa mga gustong manligaw sa kanya?

Saad ni Carla, “Yun nga, nasabi ko naman na wala rin akong maibibigay na oras. So, kawawa rin sila.

"Kung gusto man nila akong i-ask out for a date or what, sorry na lang.

"Siguro balikan na lang nila ako hanggang December, kasi libre na ako.

“Kasi hanggang November, booked ako.

"Actually, hindi rin pala ako free ng December, may filmfest ako.

"So, balikan na lang nila ako ng January.”

Kahit sila ni Tom, hindi pa rin lumalabas?

“No, not possible. Never.

"Wala kaming free time. Wala akong mabibigay na araw."

Sila naman ang magkasama sa trabaho.

“Yun lang, sa trabaho siyempre.

"So, kung trying man siya o may plans man siya, sige, balikan mo ako sa January!" natawa niyang sabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang maging sila ni Geoff, nagsimula rin sila bilang loveteam. Ngayon naman kay Tom, loveteam din ang pinanggagalingan nila.

Hindi naman siya nadadala na loveteam pa rin ang posibleng panggalingan ng relasyon niya?

Ayon kay Carla, “Na kay God na ‘yan.

"Although, it’s a choice. Siyempre choice mo rin ‘yan.

"Hindi ko alam, e. Parang hindi mo rin maku-control yung ganyan.

"Kung sino lang ang ibibigay sa ‘yo ng Diyos.

"Hindi ko rin alam kung may choice ka ba."



MOVING ON. Mabilis namang tumanggi si Carla nang tanungin namin tungkol kay Geoff at kung kumusta na silang dalawa ngayon.

“Ayokong pag-usapan si Geoff,” sabi niya.

Bukod sa trabaho at pamilya niya, hindi na niya kailangan ng iba pang inspirasyon?

Sagot ni Carla, “No, hindi ko kailangan ng ganun. Nakukuha naman sa ibang paraan or sa ibang bagay.”

Sa mga nakaraang interview niya, nasabi ni Carla na may “band-aid” pa rin kaya hindi pa siya lubusang nakaka-move on sa breakup nila ni Geoff.

Ngayon ba, may band-aid pa rin?

“Wala nang band-aid!” natawang sagot niya.

Naka-move on na siya?

“Yes,” mabilis niyang sagot.

Ayon kay Carla, may lima o anim na buwan na raw simula nang makapag-move on siya.

Isa ba ito sa mahirap o madaling proseso ng pagmu-move on niya?

“Madali, madali…”

Madali dahil may “nanghaharanang” iba?

Sabi niya, “Madali kasi you’re more mature, older, kaya mo nang tumayong mag-isa.”

Kung sakaling magkaroon siya ng boyfriend ulit, gugustuhin ba niyang ito na ang mapangasawa niya?

“Lahat naman tayo gusto yun. Hindi naman tayo nagsasayang ng oras.”

Hindi ba’t ganun na rin ang plano nila noon ni Geoff?

Iwas niyang muli, “Ayoko nang pag-usapan si Geoff.

"Ayoko na… pagagalitan na naman niya ako. Sasabihin na naman niya, promo.”

Pinagalitan ba siya ng ex-boyfriend niya noon?

“Oo, lagi naman,” pagkumpirma niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dugtong pa ni Carla, “Ikaw ba, gusto mong palaging nagagamit yung name mo, nasasabi, nababanggit?

"Baka sabihin promo. Ako pa naman, ang dami kong projects, ‘di ba?

"So, palaging, ’Ay, promo, promo ‘yan.’”

Nilinaw namin sa kanya kung si Geoff ba mismo ang nagagalit sa kanya kapag nababanggit niya ito sa interviews.

“Ay, ayoko nang pag-usapan yun. Ayoko na siyang pag-usapan,” iwas na naman niya.

Sumagot naman ang handler ni Carla na, “Hindi nakakatulong, ‘no... galing sa akin.”

May salitang “ampalaya” din na binanggit ang handler ni Carla na madalas naa-associate sa salitang “bitter.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN