Cedric Lee, Zimmer Raz arrive at Taguig City Jail

Taguig Regional Trial Court junked Cedric Lee, Zimmer Raz, and Deniece Cornejo’s appeal not to be transferred to Taguig City Jail, yesterday, August 5.


Nailipat na sina Cedric Lee at Zimmer Raz sa Taguig City Jail mula sa pagkakaditena ng mga ito sa detention cell ng National Bureau of Investigation (NBI) ngayong tanghali, August 6.

Base ito sa ulat ng dzBB pasado ala-una ng tanghali kanina.

Kahapon, August 5, lumabas ang utos ni Judge Paz Ezperanza Cortes ng Taguig Regional Trial Court Branch 271, kung saan ibinasura ang apela nina Cedric at Zimmer na manatili sa NBI detention cell.

Maging ang apela ni Deniece Cornejo na manatili sa detention cell ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ay hindi rin pinayagan ng korte.

Ito ay sa kadahilanang walang sapat na dahilan upang hindi sila ilipat sa regular na kulungan.

Sa ulat ng ABS-CBN News Online kahapon, August 5, nabanggit na ayaw sanang lumipat ni Zimmer sa Taguig City Jail, dahil umano sa posibilidad na “kuyugin” siya ng ibang detainees na mga solid fans ni Vhong.

Ayon pa kay Zimmer, hindi patas na malagay sa alangin ang kanilang buhay, gayong biktima lang umano sila ng mga maling paratang ng Kapamilya actor.

Ngunit tiniyak ng Taguig RTC na ligtas at maayos ang detention cell na paglulugaran ng tatlong akusado sa Taguig City Jail, na matatagpuan sa loob ng Camp Bagong Diwa, Taguig City.

Inaantabayanan pa kung maililipat na rin si Deniece sa Taguig City Jail mula sa CIDG detention cell sa Camp Crame ngayong araw.

Sina Cedric, Zimmer, at Deniece ay nahaharap sa kasong serious illegal detention at grave coercion.

Kaugnay ito ng pambubugbog sa aktor na si Vhong Navarro sa loob ng condo unit ni Deniece sa Forbeswood Heights Taguig City, noong gabi ng January 22, 2014.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN