Vin Abrenica defends brother Aljur against bashers

Vin Abrenica is affected by the flaks his brother Aljur has been getting due to his issue with GMA, "Sinasabi ng mga tao na hindi raw siya marunong, siyempre masakit sa akin yun. Siya ang idol ko... kadugo ko pa, kapatid ko, parang naging ama na rin sa akin ‘yan. Inalagaan ako niyan high school pa lang ako hanggang ngayon.”


Suportado ng TV5 actor na si Vin Abrenica ang kuya niyang si Aljur Abrenica sa desisyon nitong kumalas mula sa GMA Network.

Noong nakaraang buwan ay naghain si Aljur ng petisyon para sa Judicial Confirmation of Rescission of Contract laban sa GMA, sa Quezon City Hall of Justice.

Saad ni Vin tungkol sa kinasasangkutang isyu ng kapatid, "Nandito lang naman ako para sa kanya.

"Kung anuman ang mangyari sa kanya, nandito lang ako.

“Sa issue niya sa GMA, sinasabi niya na he wants to handle it on his own.

"Nakikita ko siya na more mature than ever talaga.

"Ang lalaki ng mga problemang dumarating sa kanya, pero gusto niyang matuto.

“Sabi ko, ’Sino ang kasama mo?’ Sabi niya, ’Si Lord.’”

Sign ng maturity ng kapatid ang mga desisyon nito ngayon?

Pagsang-ayon ni Vin, “I think so, kasi if he’s happy naman, for me, hindi naman mangyayari yun.

"Siguro, marami rin namang pagkukulang na nangyari for him to decide kung ano ang ginagawa niya ngayon."

Nabanggit ba sa kanya ni Aljur ang mga "pagkukulang" na ito?

“Hindi, kasi ang ikinukuwento niya sa akin… like noong isang gabi na umuwi ako, sabi ko sa kanya, ’Kuya, okey ka lang? Kasi laman ka na ng balita.’

"Sabi niya, ’Okey na okey ako. At least, nakakapagsalita ako ngayon. Nasasabi ko kung ano ang nararamdaman ko.’

"Nakikita ko yun sa kanya, so masaya ako para sa kanya."

Bilang kapatid, sang-ayon ba siya sa naging hakbang ng Kuya Aljur niya?

Sagot ni Vin, “Uma-agree ako sa kanya sa ginawa niya, I trust him.

"Sa lahat ng desisyon ko, iniisip ko na isa siya sa magbibigay sa akin ng sagot na, alam ko, hindi ko ikasisisi sa buong buhay ko.”

Kahit mas nakababata siyang kapatid nito, nagtatanong din ba sa kanya si Aljur?

“Mga brotherly advice lang,” sagot niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang mga payo niya kay Aljur?

“Well, advice ko kay Kuya, no matter what happens, I’m here.

"Nandito lang naman ako, isang text lang, isang tawag.

"And buo pa rin ang bonding namin, buo pa rin ang brotherhood namin kahit nasaan man siya."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vin sa book signing at CD launch ng Wala Namang Forever, ni Joven Tan, noong Sabado, August 2, sa National Bookstore SM North Edsa.

NEGATIVE REACTION. Nanggaling na rin kay Vin na laman ng balita si Aljur ngayon.

Kaliwa’t kanan na batikos at pangba-bash ang natatanggap ng kapatid dahil tila nagmamalaki pa ito, gayong hindi naman daw ito marunong umarte.

Ano ang reaksiyon ni Vin dito?

Saad niya, “Para sa akin, kung sa trabaho niyang yun, nakikita ko naman ang effort niya.

"Sinasabi ng mga tao na hindi raw siya marunong, siyempre masakit sa akin yun. Siya ang idol ko, e.

"Idol ko, kadugo ko pa, kapatid ko, parang naging ama na rin sa akin ‘yan.

"Inalagaan ako niyan high school pa lang ako hanggang ngayon.”

May nagsasabi rin na sa kanilang dalawa, mas magaling daw umarte at kumanta si Vin kaysa kay Aljur.

Reaksiyon ni Vin dito, “Sa mga taong nagsasabi niyan, thank you. I take it as a compliment.

"Sa kuya ko naman, nakikita ko naman na alam niya ang problem niya, he’s not blind.

"Hindi naman siya yung parang hindi niya alam ang nangyayari, alam niya.”

Dahil sa paghahain ng reklamo ni Aljur laban sa GMA para mapawalang-bisa ang kontrata niya hanggang 2017, sinasabihan din si Aljur na "walang utang na loob."

Si Aljur ay produkto ng reality-based artista search ng GMA na StarStruck, kung saan siya ang itinanghal na Ultimate Hunk noong Season 4.

Ayon naman kay Vin, “Yung sa walang utang na loob, para sa akin, meron naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Para sa akin, I know from the start na nag-artista siya, ibinigay niya yung best shot.

"I think, ginawa naman niya ang part niya very well."

LIKE HIS KUYA? Katulad ni Aljur, si Vin ay produkto rin ng artista search ng network.

Kung si Aljur ay produkto at winner ng StarStruck ng GMA, si Vin naman ang kauna-unahang male winner ng Artista Academy ng TV5.

Kung sakaling dumating din siya sa puntong magkaroon ng problema, disgusto o hinaing sa posibleng palakad ng kanyang career sa Kapatid network, gagawin din ba niya ang ginawa ni Aljur?

Sagot ni Vin, “As much as possible, if I were in his case, gusto ko peaceful.

"Gusto ko, hindi ako mambubulabog, hindi ako manggugulo."

Ang sa kanya raw kung sakali, “maayos na usapan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN