Janella Salvador thankful for being part of Be Careful With My Heart: "It has changed my life in so many ways."

Janella Salvador on her Be Careful With My Heart family: "Sobrang close na namin—from the actors, to the staff, and crew. One big happy family kami, na laging kapit-bisig! Kahit super-hirap ng pagpupuyat namin, it’s all worth it ‘pag nakikita namin yung support ng people sa amin."


Sobra ang pasasalamat ng Kapamilya young actress na si Janella Salvador sa magandang takbo ng kanyang showbiz career ngayon.

Hindi maikakailang malaki ang naging kontribusyon ng kanilang ABS-CBN daytime series na Be Careful With My Heart (BCWMH) sa tinatamasa niya ngayong popularidad.

Nabanggit nga ni Janella na ang pangalan niya sa serye ang madalas itinatawag sa kanya ng ibang tao.

Sabi niya, “If not for BCWMH, siguro I wouldn’t be this blessed.

“Minsan nga, kapag lumalabas ako, Nikki, Ate Nikki or Niknik ang tawag sa akin.

“Kaya malaki talaga ang utang na loob ko sa Be Careful With My Heart.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Janella, sa pamamagitan ng Facebook, noong August 1, habang nagsu-shooting siya ng isang TV commercial.



LIFE-CHANGING. Sinabi pa ng 16-year-old actress na hindi niya inaasahang ganun kalakas ang magiging pagtanggap ng mga manonood sa TV series nilang pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap.

“I’m so overwhelmed, hindi ko in-expect na tatagal yung show namin ng ganito.

“It has changed my life in so many ways.

“I met so many people and, ngayon, I’m helping my mom put my four-year-old brother Russell through school.”

Nilinaw ni Janella na tumutulong lang siya sa kanyang ina na si Jenine Desiderio at hindi siya ang breadwinner ng kanilang pamilya.

“Hindi naman po breadwinner, I’m just helping.

“Kasi, I can see how hard it is to be a single mom raising two kids.”

Ano sa palagay niya ang dahilan kung bakit naging super hit ang Be Careful With My Heart?

Tugon niya, “Maybe it’s because of how light the story is, lalo na sa mga OFWs.

“It reminds them of the Filipino values here in the Philippines.

“’Tsaka walang kontrabida sa show, e. We just show the struggles of our everyday lives and how to get through them.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And kung ano’ng nakikita nila sa camera, ganoon din sa real life, e.”



FAST FORWARD. Nagkuwento rin si Janella sa malaking pagbabagong nangyari sa kanilang show, mula nang nag-fast forward ito ng dalawang taon.

“Nag-time lapse yung BCWMH about two weeks ago, so lahat ng characters namin ay nag-grow.

“Malaki na yung kambal. Si Nikki [her role], college na siya now and she’s discovering the outside world.

“Tina-try din niyang makapasok sa street theater because she loves theater.

“’Tapos now, best friends na lang sila ni Nicolo [Marlo Mortel].

“Pero abangan na lang po ninyo kung paano mag-a-unfold yung story naming dalawa ni Nicolo.

“And iyong story naming tatlo individually nina Luke and Abby,” saad pa ni Janella patungkol kina Jerome Ponce at Mutya Orquia, na gumaganap na mga kapatid niya sa serye na pinamamahalaan ni Jeffrey Jeturian.



LOVETEAM WITH MARLO. Ano ang masasabi niya sa ka-loveteam niyang si Marlo?

Sabi ni Janella, “Si Marlo... he’s very kind naman.

“Actually, magkakilala na kami since I was twelve, ‘tapos siya nasa college na.

“Nag-Star Magic glee kasi kami noon, parang group ng talents sa Star Magic.

“’Tapos, awkward stage pa ako noon, bungi pa!

“And then, siya, parang kuya ko lang.

“So, ‘di talaga namin in-expect na mape-pair up kami in the future.

“So now, nakakatuwa, kasi madaming nagsu-support ng team-up namin.”

Dagdag pa niya, “Marami nga pong nagagalit na fans because best friends na lang kami ni Marlo sa BCWMH. But, may mga dapat pa naman silang abangan!

“And napaka-active rin ng fans… lagi nila kaming pinupuntahan sa ASAP and binigyan pa nila ‘ko ng puppy na Siberian Husky [my dream dog!!!].

“’Tapos siya naman, binigyan ng PSP.

“So, yun, nakaka-overwhelm na napapasaya namin sila sa mga maliliit na bagay na ginagawa namin sa show.”

Masasabi niya bang ang fans nila ni Marlo ay “super fans”? Any message to them?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yes, super-sweet ng mga MarNella! And yes, super fans sila!

“Lagi nila kaming pinupuntahan kahit malayo yung event. ‘Tapos, they visit us often sa taping.

“Nakakatuwa, kasi yung iba nagwo-work or nag-i-school, ‘tapos they still make time talaga for us.

“When other fan clubs are fighting, sila hindi nang-aaway, sobrang bait nila….

“May mga supporters akong mga eight to twelve years old and it makes me so happy kasi that means, role model nila ako.

“So, thank you so much to all the people na sumusuporta sa akin and sa amin ni Marlo...

“I know how hardworking and kind-hearted you guys are.

“Lahat kayo, love ko, and sana ma-meet ko kayong lahat one day.

“Focus on work and school pa rin, ha! Mwah!”



LIKE A FAMILY. Paano niya ilalarawan ang samahan nila sa Be Careful With My Heart?

Ayon kay Janella, “We’re like a family.

“Hindi ko ma-imagine anong mapi-feel naming lahat kapag mag-e-end na yung show.

“Sobrang close na namin—from the actors, to the staff, and crew.

“One big happy family kami, na laging kapit-bisig!

“Kahit super-hirap ng pagpupuyat namin, it’s all worth it ‘pag nakikita namin yung support ng people sa amin.”

Anong klaseng katrabaho sina Jodi at Richard?

“They’re very kind and wala kang makikitang attitude sa kanila. I’m so happy na nakatrabaho ko sila.

“Share ko lang po, kapag may insect sa set na lumilipad, kaming dalawa ni Tita Jods yung titili and tatakbo!

"Ayun, they’re both funny!”

Totoo bang hanggang December 2014 pa ang show nila?

“I heard it’s extended nga to around that time of the year, pero wala pa pong definite,” sabi niya.



MOVIE. Nanghihinayang ba si Janella dahil hindi natuloy gawing movie ang Be Careful With My Heart?

Aniya, “Noong una, kasi of course first time ko sana magiging part ng MMFF [Metro Manila Film Festival].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But it’s fine with me, kasi hopefully, that will come naman din at the right time.

“I’m super happy na, na naging part ako ng teleserye!”

May ginagawa ba siyang pelikula ngayon, lalo na’t pumirma na siya ng movie contract sa Regal?

Sabi ni Janella, “About the movie sa Regal Films, inaayos pa po and we still haven’t started shooting it.

“Maybe next year pa siya ilalabas.

“I’m not sure yet kung sinong kasama ko sa movie. So, abangan na lang!

“It will be a horror movie called Retreat House, directed by Direk Jun Lana.”



HIMIG HANDOG. Samantala, isa si Janella sa 15 interpreters sa Himig Handog Pinoy Pop Love Songs 2014.

Ang iba pa ay sina Angeline Quinto, Daniel Padilla, Juris, Bugoy Drilon, Jovit Baldivino, Jessa Zaragoza, KZ Tandingan, Ebe Dancel at Abra, Jugs at Teddy, Marion Aunor, Morisette Amon, Hazel Faith dela Cruz, Michael Pangilinan, at Jed Madela.

Ano ang feeling niya sa pagkakakasali sa Himig Handog P-Pop?

Saad niya, “Siyempre I’m happy and it’s an honor, pero at the same time, it’s kinda nerve-wracking din.

“Kasi, I’m competing with more established singers, like Jed Madela, KZ Tandingan, and many others.”

Nasabi rin ni Janella na full-support naman sa kanya ang mommy niya.

“Yes, my mom was there sa studio to guide me with my song while I was recording it for the album.

“She always tells me to give my best.

“Unang singing competition ko ‘to, so I’m a bit nervous,” sabi pa ng ng Star Magic Circle 2013 member.

Saan ba siya mas nag-e-enjoy—sa singing or acting?

Sagot ni Janella, “I enjoy both.

"I’ve been singing na, bata pa lang ako, e.

“But now, na-realize ko rin na it’s also fun to act and I want to pursue it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero of course, gusto ko rin kumanta!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN