Arjo Atayde on his alleged nude photo: "Katawan pa lang, hindi na ako."

Arjo Atayde on viral sex videos and nude photos of celebrities: "Hindi talaga dapat naglalabas o ‘di talaga dapat kumuha ng mga photos na ganun at all, period. Kung mag-spread, kasalanan nila yun, ginusto nila, e."


Itinanggi ng Kapamilya actor na si Arjo Atayde na siya ang lalaki sa nude photo na kumakalat ngayon sa Internet.

Malaki raw kasi ang pagkakahawig ni Arjo sa lalaking nakahubad sa larawan kaya inakala ng iba na siya ito.

Ngunit saad ng Pure Love actor tungkol dito, “Hindi ako yun, pero kung sinuman ang nagkalat nun, maraming-maraming salamat, kasi ang ganda ng katawan ko.

“Nakita ko… nung nakita ko, “Wow!’ Katawan pa lang, hindi na ako.”

Diin niya, “Wala talaga. Picture, never. Videos, never.

“So, nung nilabas nila, natatawa na lang ako.

“Kamukha ko raw kasi mestizo... siguro may hawig.

“Pero salamat talaga sa naglabas, kasi yun nga, ang ganda ng katawan ko.”

Ano ang masasabi ni Arjo tungkol sa pagkalat ng sex vidoes o nude photos—totoo man o hindi—ng ilang showbiz personalities?

Saad niya, “Hindi talaga dapat naglalabas o ‘di talaga dapat kumuha ng mga photos na ganun at all, period.

“Kung mag-spread, kasalanan nila yun, ginusto nila, e.

“Wala, kanya-kanyang trip ‘yan, e.

“Gusto nila yun, e, di gawin nila. Ako, hindi ko kasi trip.”

Sa kaso raw ni Arjo ay hindi niya kailanman naisip na gumawa ng ganitong mga bagay.

“Never. Respeto… respect for other people, respect for yourself.

“Dignity yun, e, mawawala ang dignidad mo sa ganun.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Arjo sa set ng Pure Love sa Bell Mansion, Quezon City, noong Martes, August 5.



ACTING WITH HIS MOM. Kumakalat din ngayon sa social media ang mga larawan ni Arjo kasama ang kanyang ina na si Sylvia Sanchez.

Kuha ang mga larawang ito mula sa eksena nila sa Pure Love, kung saan bagong dagdag na karakter ang ginagampanang role ni Sylvia.

Ano ang pakiramdam na nakasama ni Arjo sa isang madramang eksena ang kanyang ina?

Saad niya, “Masaya, kasi yun naman talaga ang one of my goals, one of my dreams na mangyari is makaeksena ang nanay ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, normally, kapag may kausap akong ibang aktor, sinasabi sa akin na magaling siya, pero never ko pa siyang nakaeksena.

“Siguro bilang anak, nasanay lang ako na nandiyan siya lagi or lagi ko siyang nakakausap, pero hindi ko nakikita yung pagiging artista niya.

“After this, nung nagkaeksena kami, humanga na ako pagkatapos.

“It was intense, intense drama, napakahusay niya.

“Dun ko nakita, ‘Ay, aktres talaga!’ Dun ko na-realize na tama ang sinasabi nila.

“Of course, galing naman talaga sa kanya, mana-mana ‘yan.

“Pero napakagaling niya talaga, especially yung mata niya, nakakadala.

“Magaling siya talaga, sobrang galing.”

Hindi ba natakot si Arjo na sa galing ng mommy niya ay kainin siya nito sa eksena nila?

Sagot niya, “Hind naman.

“’Pag magaling naman ang kaeksena mo, hahatakin ka nun pataas, e.

“Hindi naman… siguro that’s for you guys to judge.

“Ako, I don’t mind na sabihin na nilamon ako ng nanay ko.

“Isa siya sa itinuturing na isa sa pinakamagaling na aktres sa industriya, so I have nothing against that.

“Pero ang goal ko lang sa eksena na yun is at least makasabay man lang ako sa kanya.”

Kuwento pa ni Arjo, “After the take, ang sabi niya lang, ‘Magaling ka, magaling ka talaga.’

“Nag-text siya after, sobrang natuwa ako, kasi siya ang mentor ko, critic.

“Kung may problema sa acting ko, kung may ayaw siya, kung may nakita siyang mali, magte-text agad ‘yan ‘pag may nakita siyang isang episode ng Pure Love

“Tutok ‘yan, e. ‘Pag na-miss niya ang isang episode, I Want TV, so tinitingan niya kung ano ang mali ko talaga.”



ALEX GONZAGA. Sobra naman ang pasasalamat ni Arjo dahil consistent na mataas ang rating ng kinabibilangan niyang teleserye, base sa datos ng Kantar Media.

“Of course, masaya, masaya… Kumbaga, experiment siya, underdog ang iba sa amin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi namin in-expect na magiging ganun ang kalalabasan nung ratings, so overwhelming talaga.”

Kuntento naman daw si Arjo sa magandang itinatakbo ng kanyang career ngayon.

Pero kung may isa man daw siyang gustong gawin, ito ay isang romantic-comedy film kapareha muli si Alex Gonzaga.

Hindi naman itinatago ni Arjo na may espesyal siyang nararamdaman kay Alex, kaya tinanong namin siya kung kumusta na sila ngayon.

Sagot niya, “Okay naman, kaibigan naman.

“For now kasi, yung pressure, nasu-shoulder sa kanya, e—Pure Love.

“Pero yun nga, for now, friend, getting-to-know, kasi never ko naman siyang nakilala.

“I’m here on a stage na kikilanin ko muna siya bilang kaibigan.

“Mabait siya, family-oriented, religious pa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN