Janno Gibbs says he has no reason to leave GMA Network

Janno Gibbs on fixing his marriage to Bing Loyzaga: “Tiyaga. Tiyaga talaga, kailangan tiyagain mo... Kailangan walang mag-give up. ’Pag merong isa lang na bumigay na ‘Ayoko na!’ wala na yun.”


Iniiwasan na raw ni Janno Gibbs na gawing biro ang kanyang pagiging late sa taping at iba pa niyang showbiz commitments.

Paliwanag ng singer-comedian, “Hindi ko na nga masyadong dyinu-joke, kasi dati, tinotoo ng mga tao.

“Kasi pinapalaki ko, e... ‘Janno Gibbs, late yan, e!’

“E, naniniwala na yung iba na, ‘Ay, late nga ‘yan, sobra!’

“Siyempre umu-OA na, ‘di ba? ‘Naku, sakit ng ulo ‘yan!’

“So, hindi ko na masyadong inaano.”

Bakit ba siya nale-late? Mabagal ba siyang kumilos?

“Medyo... mabagal talaga ako,” pag-amin ni Janno.

Hindi raw totoo na napupuyat siya sa computer games kaya lagi siyang late gumising at late sa mga commitments.

“Hindi, hindi!

“Hanggang ngayon ay malaki ang problema ko sa pagtulog, insomnia.

“Insomniac ako, e, as in malalang case,” sabi niya sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).



OGIE ALCASID. Bukod sa musical-variety show na Sunday All Stars at drama series na My BFF, abala rin ngayon si Janno sa pagre-record para sa kanyang ikasampung album.

Aniya, “All-original, pero karamihan, nilagay ko yung mga bagong theme songs na ginawa ko.

“Not necessarily kinanta ko, yung mga isinulat ko—Ang Dalawang Mrs. Real, Dading, My BFF, Kambal Sirena, Paraiso Ko’y Ikaw.

“’Tapos, may mga bago pa.”

Lahat ng awitin sa bago niyang album ay si Janno ang sumulat.

Ilan sa guests sa album niya ay sina Julie Anne San Jose at Rita de Guzman, na umawit ng theme song ng Kambal Sirena; sina Julie Anne at Jaya, na kasama ni Janno na umawit ng theme song ng Ang Dalawang Mrs. Real.

Hindi raw nakapag-guest sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez sa album ni Janno.

“Kasi, meron silang ibang recording company. GMA Records ako, e.”

Nakausap ba niya lately si Ogie?

“Ka-text, ka-text lang,” banggit ni Janno.

Sa tingin ba niya ay nagsisisi ang kaibigan niyang umalis ito sa GMA at lumipat sa TV5?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natawang sagot ni Janno, “Uy, hindi naman, hindi naman!

“Meron siyang ano ngayon, yung Let’s Ask Pilipinas, ‘di ba? Napapanood ko. Bagay siya dun.

“I think masaya siya sa naging takbo ng [Confessions of A] Torpe, happy ang 5 dun. Ayun!”

Kung offer-an siya ng malaking talent fee ng TV5, matutukso rin ba si Janno na lumipat?

Sagot niya, “Sa ngayon, hindi siguro.

“Sobrang alaga ako ngayon ng 7, wala akong dahilan para umalis.”

Hindi ba factor sa kanya ang malaking talent fee?

Aniya, “Ako, sa tama lang, e.

“Hindi ako talagang, kailangang ganito kalaki... sa tama lang.

“Mahirap din yung sobrang laki kasi, okay, ‘pag sobrang laki, ganun din kalaki yung responsibilidad mo, ganun din kalaki, e.

“Kumbaga, parang, ‘Ayan, ha, ang laki-laki ng bayad namin sa iyo, dapat ganito ang maibigay mo!’

“So, ako, dun sa tama lang, ‘di ba?”



MARRIED MAN. Kinumusta rin ng PEP kay Janno ang pagsasama nila ngayon ng misis niyang si Bing Loyzaga.

Aminado ang King of Soul na muntik nang masira ang pagsasama nila ni Bing, ngunit nagawa nilang ayusin ito.

Paano nila inayos?

“Tiyaga. Tiyaga talaga, kailangan tiyagain mo,” sagot niya.

Mahirap bang ayusin?

“Oo, mahirap! Kailangan walang mag-give up.

“’Pag merong isa lang na bumigay na ‘Ayoko na!’ wala na yun.”

Factor din ang kanilang dalawang anak na babae—sina Alyssa at Gabby.

“Oo naman, oo naman. Pero kahit noon pa man, sabi namin, hindi…

“Dapat factor yung mga bata, pero hindi dapat iyon ang maging rason, ‘di ba?

“Hindi puwedeng para lang sa mga bata, hindi puwedeng ganun.

“Kailangan talagang kayo ang... kayong dalawa ang magkaayos.”



PREGNANCY RUMOR. Pinagdaanan din ni Janno ang isyung nabuntis diumano ng kanyang panganay na anak na si Alyssa Gibbs, na 25 years old na ngayon.

Saad niya, “Alam mo, hindi lang last year, ‘tsaka recently na naman, e, meron na naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Meron na namang lumabas, hindi ko alam kung bakit, kung saan nanggagaling.

“Iyon ang talagang out of nowhere talaga. Hindi namin alam kung [saan galing].

“Nagagalit si Bing, nagagalit.”

May boyfriend daw si Alyysa, pero hindi ito buntis—o nabuntis—at open naman ito sa kanila.

“Kasama namin yung boyfriend, kumakain,” banggit pa ni Janno.

Maging si Alyssa ay nagugulat din daw sa intriga.

“Nagugulat siya. Pero hindi ko na tinanong, hindi naman talaga [buntis].

“Nagugulat lang siya… actually, nagagalit sila.

“Siyempre, hindi naman siya showbiz para mabalitang ganun.

“Kumbaga, we’d understand kung artista siya, e, hindi naman.”

Kung magpapaalam daw si Alyssa na mag-aasawa na ito ay papayagan naman nila.

“Oo naman, nasa edad na, e. Well, ideally, a little older,” sabi ni Janno.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN