LJ Reyes still wants a "complete family" for son Aki despite her separation from Paulo Avelino

LJ Reyes on wanting to have a complete family for son Aki: "Gusto ko pa rin na maramdaman ni Aki na pamilya kami. Kahit na anong mangyari, ako ang nanay niya, si Paulo ang tatay niya, at hindi magbabago yun. Kasi, lumaki naman ako na broken family. Siyempre, kung puwedeng iwasan, hangga’t kaya, maiwasan yung maulit muli yung nangyari sa akin."


Kamakailan ay nagpunta ng Hong Kong si LJ Reyes kasama ang anak niyang si Aki.

Ito ay ilang araw pagkatapos ng ika-apat na birthday ng anak ng Kapuso actress sa dating boyfriend niyang si Paulo Avelino.

Masayang kuwento ni LJ sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Tinanong ko siya kung sino ang gusto niyang makita sa Disneyland.

“Sabi niya, si Woody [from Toy Story] saka si Simba [from Lion King].

“Noong pumipila na kami, hinaharangan na kung saan darating si Woody.

“E, kung minsan, hindi si Woody ang dumarating, ibang character.

“Sabi ko lang sa babae, ‘Miss, Miss, who’s coming? Is it Woody?’

“So, sabi ko, ‘Anak, pila na tayo! Pila na tayo!’

“So, kami ang nauuna sa pila.

“Sabi niya, ‘Why Mommy, why?’

“Sabi ko, ‘Si Woody!’ Parang mas na-excite pa ako sa kanya!

“Pero, ganoon pala, kapag excited ang anak, mas excited ang nanay.

“Pero sobrang saya niya at natutulala siya noong nakikita niya si Woody.”

Kasama raw nila ni Aki ang ibang childhood friends ni LJ.

“Na-book namin yun matagal na, pero parang dumami lang kami nang dumami, at lahat ng barkada ko, sumama.”

Ikalawang beses na raw ng anak sa Hong Kong at sa Disneyland, pero dalawang taon pa lang daw noon si Aki at nanakawan pa raw ng camera si LJ.

Kaya parang gusto niyang ma-experience muli ng anak ngayong may isip na ito.

Kuwento pa niya, “Tuwang-tuwa siya noong nanood siya ng Lion King.

“Sabi niya, gusto raw niyang i-touch si Simba.

“Sabi ko lang, ‘Anak, hindi puwede.’ E, ‘pag nanggigil yun...”

Pinabaunan ba si Aki ng daddy niya?

“Meron naman, pero regalo ko kasi sa kanya ‘to, itong Hong Kong trip.”

Kung sakaling si Aki naman at ang daddy nito ang mag-bonding sa ibang bansa, papayag ba siya?

“Oo, siguro naman, bakit naman hindi? Okey lang naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero sabihin niya lang sa akin saan sila pupunta. Nanay… praning, e!” natawang sabi ni LJ.

Baka naman sumunod din siya sa dalawa?

“Hindi, kung gusto nilang mag-bonding, why not?”



STILL A FAMILY. Matagal-tagal na ring hiwalay sina LJ at Paulo.

Pero kung may maganda man sa kanilang dalawa, hindi sila nagbatuhan ng masasakit na salita laban sa isa’t isa mula nang maghiwalay sila.

At sa mga importanteng okasyon sa buhay ng anak nila, tulad nga ng kaarawan nito, pareho silang present.

Ayon kay LJ, “Oo, as much as possible, especially kapag birthday ni Aki, gusto ko pa rin na maramdaman ni Aki na pamilya kami.

“Kahit na anong mangyari, ako ang nanay niya, si Paulo ang tatay niya, at hindi magbabago yun.

“Kasi, lumaki naman ako na broken family.

“Siyempre, kung puwedeng iwasan, hangga’t kaya, maiwasan yung maulit muli yung nangyari sa akin.

“Kasi ang dad ko, kailan ko lang siya na-meet, nakasama.

“Gusto ko, si Aki, habang lumalaki siya, kung puwede naman present ang tatay niya, siyempre ganun dapat.”

STILL LOVELESS. Dahil din ba sa anak niya kung kaya’t wala pa rin siyang bagong karelasyon o hindi pa siya nag-e-entertain ng manliligaw?

Saad ni LJ, “Siyempre, kailangan careful ka kung may ipapasok akong bagong tao sa buhay ko o sa buhay ng bata.

“Dapat very careful na, siyempre, baka maging confusing din sa bata.

“Pero, hindi ko naman isinasara ang pinto ko.

“Hindi ko naman sinasabi na ayoko. Siyempre, I’m just being careful.”

May ipinakilala na ba siya sa anak?

“Wala pa yata,” tugon ng Kapuso actress.

“Kasi dapat, kung may ipapakilala ako sa bata, dapat yung sigurado ako.

“Nothing is certain. Pero alam mo yung medyo tingin mo, yung puwede.

“Hindi yung magpapakilala at magpapakilala ka sa bata. Baka ma-confuse naman yung bata.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May pagkakataon bang may binalikan na siyang dating relasyon?

“Parang wala pa… teka, iisipin ko, ha… parang wala pa.

“Kasi, kapag nasa isang relationship naman ako, talagang todo naman akong magmahal.

“Alam mo yung lahat, bigay. Hanggang sa yun, ganun…”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN