Edu Manzano considering stem-cell treatment for his back problem

Edu Manzano says he has no business with his children’s affairs, “Bahala sila sa buhay nila. You know, I think, wala akong karapatang mag-comment sa lovelife ng aking mga anak.”


Kasalukuyan daw uma-attend si Edu Manzano ng mga seminar tungkol sa stem cell therapy.

Nagbabalak kasi ang TV host na sumailalim sa nasabing treatment.

Subalit hindi ’tulad ng iba, kung saan pag-iwas sa mabilisang pagtanda ang dahilan, gagawin daw ito ni Edu para sa kanyang problema sa likod.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang reporters kanina, August 7, sinabi ni Edu, “In my case, it’s for my back because of the accidents that I’ve suffered during mga stunts in my 30 years in the movie.”

Nagbigay rin siya ng ilang patunay na hindi lamang para sa vanity ang stem-cell treatment.

Aniya, “Actually, people are talking about stem cells now.

“But there are still misconceptions about stem cells.

“You know, it’s not always about youth.

"I’ve seen a friend who had a heart attack.

“I have a friend who has failing vision, declared legally blind, in-inject talaga sa mata, nakakakita na siya, nagmamaneho na siya.

“Unlike what people see about stem cell, instead of retaining your youthful look, it actually addresses certain ailments.”

Ilan sa mga personalidad na umaming sumailalim na sa stem cell treatment ay ang aktres na si Lorna Tolentino, ang StarTalk host na si Lolit Solis, at si Senator Juan Ponce Enrile.



GIVING FREEDOM TO HIS CHILDREN. Samantala, sinabi ni Edu na dahil sa pagbabago niya ng lifestyle, mas kaya na niya ngayong makipagsabayan sa kanyang mga anak na sina Luis, Addie, at Enzo.

Si Luis ay anak ni Edu sa una niyang asawa na si Vilma Santos; habang sina Addie at Enzo ay anak naman niya kay Rina Samson.

Sabi niya, “I’m actually very happy now that I’ve adapted a very different lifestyle.

“Now, with my children, we can travel together.

“Next year, magta-travel na naman kami nina Luis at Enzo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dati-rati, hindi ko sila nasasabayan because they’re 19, 21, and 33.

“But now, I’ve become more fit, we went to Istanbul, Lebanon...”

Kung sakali, kaya na rin kaya ni Edu makipagsabayan sa mga magiging apo niya?

“The more, the merrier, ‘no?” sagot ni Edu.

“Maganda nga na habang sila nag-e-enjoy, iiwan ang mga apo sa kalinga ng kanilang mga lolo at lola?”

Sa ngayon, hindi naman daw minamadali ni Edu ang mga anak para bigyan siya ng apo, lalo na si Luis na napapabalitang magpapakasal na sa kasintahan nitong si Angel Locsin.

Pahayag ni Edu, “You know, they’re at the peak of their careers, they’re doing very, very well.

“I don’t think they need any pressure.

“So, I let them decide when that big day will come. It comes when it comes.”

Hindi rin daw nakikialam si Edu sa lovelife ng kanyang mga anak.

Katuwiran niya, “Bahala sila sa buhay nila.

“You know, I think, wala akong karapatang mag-comment sa lovelife ng aking mga anak.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN