Aiza Seguerra and Liza Diño reveal plan to undergo artificial insemination

Aiza Seguerra and partner Liza Diño reveal that they plan to get married this year in the U.S. and have a child through artificial insemination.


Sa susunod na taon plano nina Aiza Seguerra at Liza Diño na isagawa ang artificial insemination para magkaroon sila ng sarili nilang supling.

"Hopefully next year. Ang plano is insemination.

"Pero instead of me [ang magdadala], sa akin i-inseminate, we’ll use my egg, and she [Liza] will carry," sabi ni Aiza sa panayam ng "Chika Minute" segment ng 24 Oras, kagabi, August 7.

Matatandaang sinabi ni Aiza sa isang interview noong February na nagpaplano sila ni Liza na magkaroon ng anak sa pamamagitan ng in vitro fertilization.

Read: Aiza Seguerra and partner Liza Diño considering in vitro fertilization

Ngunit nagbago na ang plano nila.

Ang ikinukunsidera raw nila ngayon ay kung sino ang kukunin nilang sperm donor.

"We’re still thinking kung magiging kaibigan ba siya o unknown yung donor. Kasi may mga pros and cons din ’yon," sabi ni Liza.

Pero bago raw nila isagawa ang artificial insemination, mauuna muna ang kanilang pagpapakasal na plano nilang gawin ngayong taon.

Ayon kay Aiza, "Hindi siya legal dito [sa Pilipinas], that’s why we will do the legal ceremony sa States, and then here yung symbolic ceremony.

"Yung sa States, either September or October. Basta within the year.

"And then sa Pinas, sometime January [2015]."

Samantala, magkakaroon muna ng concert sina Aiza at Liza sa Music Museum sa August 22.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN