Kris Lawrence on Hayden Kho getting his medical license back: "Sana he uses it for the good."

Kris Lawrence is enjoying a harmonious relationship with girlfriend Katrina Halili, saying, "You look at the goal and head towards the goal.” Does he mean marriage? “Sana po, sana po.”


Kinuha ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang reaksiyon ni Kris Lawrence tungkol sa pagbalik ng medical license ni Hayden Kho Jr.

Matatandaang na-revoke ang lisensiya ni Hayden noong 2009 dahil sa pagkakasangkot nito sa sex video scandal.

Nadawit sa kontrobersiya ang aktres na si Katrina Halili, na kasalukuyang girlfriend ni Kris.

Pagkatapos ng limang taon ay naibalik na nga ang lisensiya ni Hayden bilang doktor at napatawad na rin siya ni Katrina.

Read: Katrina Halili not expecting any apology from Hayden Kho: “Wala naman pong kulang. Tinanggap ko rin naman na may mali rin ako.”

Ano ang naramdaman ni Kris sa ginawang pagpapatawad at pagpapakumbaba ni Katrina?

Pahayag ng singer, “You know, we’re at a point in our lives na we don’t like to hold grudges.

"Because in life, we believe you have to forgive and forget.

"It’s for the other person, pero para sa sarili mo rin yun.

“So, we don’t wanna wish anybody bad. She doesn’t wanna wish him bad.

“If his license is back, we’re happy for him. Sana he uses it for the good.”

Natanggap ba niya agad noon ang pagkakamaling nagawa ni Hayden?

Sabi ni Kris, “Ako, tanggap ko na.

"Unang-una, hindi ko naman laban ’yon.

"I was really just supporting Kat throughout the whole thing. Kung saan siya, doon ako.

“Like what I said, we just wanna be positive as much as we can and in our outlook. No negative.”

Dagdag niya, “One thing we realized, for you to move on in life, you cannot hold on to the past.

“What good it’s gonna do if we hold on to the past?

"Let it go, just like Frozen [theme song] said, let it go and move on with your life.”

Mahirap bang patawarin ang taong nagkasala sa taong minamahal niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Kris, “Siyempre po, may konting sama ng loob.

"Pero at the end of the day, you don’t wanna wish anybody bad."

Inaamin naman ni Kris na nakatulong nang malaki sa kanya ang pagpapatawad niya kay Hayden.

Saad niya, “Yeah, it really helps me as man, as a father, as an individual.

“We read in the book... I don’t wanna get in too deep, pero we’re all destined to go to heaven.

"How can you go to heaven ’pag may baggage ka? ’Pag may sama ng loob kang naiwan sa Earth?

“Paano ka lilipad, paano ka aakyat sa heaven?

"So, just let it go.

"Leave everything and think positive.”



FAMILY. Pagdating naman sa kanyang itinuturing na pamilya—si Katrina at ang anak nilang si Katrence—Linggo raw ang kanilang family day.

Ibinalita rin ni Kris ang nalalapit na birthday party ng kanilang anak ngayong November.

“We’re gonna do Jollibee!” natatawang sabi niya.

“Para ma-experience din. We’re debating between Shakey’s and Jollibee.

"Kasi last year, super-bongga, kaya sabi namin pahinga muna.”

Tungkol naman sa citizenship ng anak nila, si Katrence ay isang American citizen kahit dito siya sa Pilipinas ipanganak dahil nga sa estado ni Kris.

Kinakailangan lang nilang pumunta ng U.S. Embassy para i-formalize ang pag-a-acknowledge sa citizenship ng anak niya.

Ayon pa kay Kris, magaan naman ang buhay nila ni Katrina ngayon.

Kung noon ay madalang silang makatampuhan, mas lalo raw ngayon na hindi sila nagkakaroon ng argumentong dalawa.

“We’re boring!”

"Mga love quarrels na normal things, normal relationship fights.

"You know, you have your test, you have your trials. Sometimes, meron kayong pinagdadaanan.

“But you look at the goal and head towards the goal.”

Kasama sa goal nila ang pagpapakasal?

“Sana po, sana po,” sambit ni Kris.



PHILPOP 2014. Kahit may dalawang linggo na ang nakakaraan mula nang matapos ang PhilPop 2014, hindi pa rin maalis ang kasiyahan ni Kris dahil nanalong second place ang awitin nilang “Torpe.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Kris ang nag-interpret ng kanta na nilikha ni Daryl Ong.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Kris sa GMA Studios, nagpasalamat si Kris sa tagumpay na natamo nila sa nasabing songwriting contest.

Sabi niya, “I was so honored.

"It felt really good to be in the winning circle, lalo na yung mga ibang interpreters.

"Sobrang galing rin nila, so it’s such an honor, it’s a blessing talaga."

Ang nakakuha ng first place ay ang awiting "Salbadida" na nilikha ni Jungee Marcelo at in-interpret ni Kyla.

Wala raw formula si Kris na ginawa para interpretasyon niya sa awitin.

"That’s why we were so surprised... hindi namin in-expect na mananalo."

Saad pa ng R&B singer, "It’s a blessing from God... glory to God talaga."

Isa rin sa interpreters sa PhilPop 2014 ang matalik na kaibigan ni Kris na si Jay-R, kasama si Elmo Magalona, ngunit hindi sila pinalad na manalo.

Sina Jay-R at Elmo ang umawit ng "Qrush On You" na nilikha nina James Palma at Cedric Bonjoc.

Sabi ni Kris tungkol dito, “Well, I feel good and I feel bad.

"It would have been fun for us kung parehas kaming nasa winning circle.

"Maybe may hinahanap yung mga judges na songs this year."

Hindi raw makakalimutan ni Kris ang naging pakiramdam niya sa kumpetisyon.

Kuwento niya, “I was so nervous, I couldn’t breathe properly.

"’Tapos feeling ko, I was in the contest again, bumalik uli ako sa pagiging contestant.

"The last time was Star In A Million with ABS-CBN, noong 2006 pa."

Sinubukan din daw ni Kris na magpadala ng sarili niyang compositions sa unang taon ng PhilPop, pero hindi ito pinalad na mapili.

Natutuwa naman siya dahil naranasan niyang maging finalist bilang isang interpreter.

Paano nakatulong ang pagwawagi niya sa PhilPop bilang isang recording artist?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Unang-una po, meron po uli akong instant hit song... perfect timing kasi wala akong ni-release.

“So, nung tinanong ako ng PhilPop, ’Oh, yes!’

"Ayun, may instant song na ako at original pa."

Sa ngayon ay tinatapos na raw ni Kris ang kanyang album para ma-promote niya ito agad.

“I’m doing my album right now and ’Torpe’ will be parang bonus song.”

Last year huling nag-release ng album si Kris na pinamagatang Spread the Love.

May naka-lineup din silang U.S. tour ni Jay-R mula October hanggang December.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN