Iza Calzado says Carla Abellana getting top billing is not an issue: “Wala naman akong reklamo.”

"Kasi nung in-offer sa amin ‘to, klarong-klaro naman sa amin that Carla is an exclusive contract star of Regal Films, therefore she deserves top billing. Kumbaga, Regal will produce a film for her," says Iza Calzado when asked about Carla Abellana’s top billing in Somebody To Love.


Nilinaw ni Iza Calzado na hindi isyu sa kanya ang pagiging una sa billing ni Carla Abellana sa pelikula nilang Somebody To Love.

May ilan kasing nagtataka kung bakit hindi nabigyan ng top billing si Iza, lalo pa’t ilang beses na ring gumanap na bida ang 31-year-old actress sa mga dati niyang pelikula.

Sa kabila nito, hindi kinakitaan ng anumang pagkadismaya si Iza nang tanungin siya tungkol sa isyu.

Paliwanag niya, “Kasi nung in-offer sa amin ‘to, klarong-klaro naman sa amin that Carla is an exclusive contract star of Regal Films, therefore, she deserves top billing.

“Kumbaga, Regal will produce a film for her.

“And ako, tinanggap ko talaga siya dahil, unang-una, [kay] Direk Joey [Jose Javier Reyes].

“Ikalawa, natuwa ako sa character kasi I’ve never done anything like that.”

Hindi man siya una sa billing, binigyan pa rin ng Regal Films ng importansiya ang ambag ni Iza sa pelikula pagdating sa opening credits.

“And to be fair naman po, binigyan ako ng magandang film ng Regal Films.

“I think Noel [Ferrer, her manager] requested na nilagay [sa opening credits] ‘and Iza Calzado,’ na napakasaya ko naman doon.

“Wala naman po akong reklamo. Siguro kung may reklamo ako, e, di wala ako dito ngayon.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang entertainment reporters si Iza sa presscon ng Somebody To Love kagabi, August 8.

Ginanap ito sa bahay ng Regal matriarch na si Lily Monteverde sa Valencia, Quezon City.

Tila wala talagang mairereklamo si Iza dahil agaw-pansin at kaabang-abang ang kanyang karakter base sa trailer ng naturang romantic-comedy film.

Bukod dito, ginarantiya ni Mother Lily na bibigyan niya si Iza ng panibagong pelikulang pagbibidahan ng aktres.

Sabi pa ni Mother Lily kay Iza, “Don’t worry. In your next film [pang-Best Actress ang role mo].”



TURNING DOWN ROBIN. Samantala, tinanong din si Iza kung bakit tinanggihan niyang maging leading lady ni Robin Padilla sa pelikulang Bonifacio, isa sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entries sa December.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa Kapamilya actress, hindi na kakayanin ng kanyang schedule dahil halos araw-araw ang taping niya ng teleseryeng Hawak Kamay.

Bukod dito ay abala rin si Iza sa shooting ng pelikulang Maria Leonora Teresa para sa Star Cinema.

Saad pa niya, “Nahihiya naman ako na baka ang maging problema pa nila sa pelikula nila na yun ay ako, at hindi pa si Andres Bonifacio na si Robin Padilla.

“So, we just said that we’re very grateful for the opportunity that they presented to us.

“Pero mas disrespectful po siguro kung bigla na lang ako hindi dumarating sa set dahil hindi ko na kinakaya or hindi ako papayagan.

“Ito [Bonifacio] po ay may definite play date na December 25. Hindi po ako hihintayin niyan.

“Nakakahiya naman po kung hindi ko magagampanan ang responsibilidad ko bilang artista.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN