Paulo Avelino in wait-and-see relationship status with KC Concepcion

Does Paulo Avelino see KC Concepcion as a perfect-wife material? The actor replies, "Kahit sino naman siguro, puwedeng maging perfect wife... You can help each other to be perfect partners. Or work things out.”


Maraming magagandang feedback at comments ang natatanggap ni Paulo Avelino hinggil sa acting niya sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon, ang primsetime series nila ni Bea Alonzo sa ABS-CBN.

Pakiramdam ba niya ay made na siya, hindi lang bilang isang mahusay na aktor kundi bilang "big star" na rin?

Tugon ng Kapamilya actor, “Hindi pa. Pakiramdam ko, parang… you’ll never be complete as an actor.

“Dahil as an actor, parang may hinahanap ka lagi. May gusto ka laging gawin, may bago ka laging gustong hanapin.”

Anong roles pa ang gusto niyang i-explore sa pelikula o TV?

“Parang sa ngayon, I wanna do love or romance theme.

"Puwede ring romance-comedy or a tragic love story.”

Sino namang aktres ang gusto niyang makapareha kung siya ang bibigyan ng pagkakataonng pumili o mag-suggest?

“Kahit sino!” tawa niya.

Si KC Concepcion?

“Okey lang. Let’s see kung may magagawa kaming project.

“Nagkasama na kami sa MMK [Maalaala Mo Kaya] three years ago,” sabi niya.

Sa tingin ni Paulo, ano ang plus factor kapag sila ni KC ang naging magkapareha sa isang project?

“Well, si Kristina, she’s very dedicated also to her craft.

"Aside from the fact that she’s really pretty and beautiful.

“Ngayon, she’s been getting awards rin. She’s been winning awards, dire-diretso since last year.

“And, I think, siguro the plus factor… [it’s not] just her looks but also her talent.”

Isa si Paulo sa celebrities na nanoodsa special screening ng Edna, sa Little Theater ng Cultural Center of the Philippines, kahapon, August 7, kung saan nakausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).



RUMORED ROMANCE. Simula nang ma-link sina Paulo at KC, lagi ay may nakaabang kung ano ang susunod na kaganapan sa pagiging malapit nila sa isa’t isa.

Nasaan na nga ba ang estado ng pagtitinginan nila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Paulo, “Sa ngayon, we’re both busy with work.

"Mag-start na rin yata siya sa bagong movie niya. Ako, I’ve been doing so many things din.

“Pero… we’ll see. We’ll see kung saan pupunta or kung ano ang mangyayari.

"As of now, priority namin both yung trabaho namin.”

Marami na ring lumabas na negatibong mga isyu dulot ng pagkakaugnay ni Paulo kay KC. Umabot pa sa puntong nabalitang buntis daw ang anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

Sabi ni Paulo tungkol dito, “Well, sa trabaho naman namin, hindi mo naman maiiwasan na maraming rumors talaga. Maraming gossip na lumalabas.

“Pero lumalabas din naman kung ano ang totoo at the end of the day.

"Kumbaga, wala namang katotohanan dun sa mga negative na rumors about her, so… yun lang.”

Perfect-wife material ba sa paningin niya si KC in the near future?

Natawa at hindi agad nakasagot si Paulo.

Pero aniya, “I mean, kahit sino naman siguro puwedeng maging perfect wife, I think.

"Kahit sa anumang relasyon naman siguro, you can work things out.

“I mean, you can help each other to be perfect partners or work things out.”



SON AKI. Kinumusta rin ng PEP kay Paulo si Aki, ang anak niya sa dating kasintahang si LJ Reyes.

“Okey naman... he just turned four,” banggit ng aktor.

Ano ang nakikita niyang katangian ng anak na namana o nakuha nito sa kanya?

“Siguro nakuha niya sa akin yung hilig ko rin sa pelikula.

"Minsan, kapag nanonood ako, nakikinood siya.

“’Tapos ang dami na rin niyang pinapanood na cartoons.”

Ano ang sinasabi ni Aki kapag nakikita siya nito sa TV?

“He says, ’Daddy ko ‘yan!’ Nagugulat din siya!” tawa ni Paulo.

Paano kung gustuhin din ni Aki na mag-artista?

“Choice niya ‘yan, e. Pero siguro, mag-aaral muna siya ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At kapag nasa tamang edad na siya, puwede na siyang magdesisyon para sa sarili niya.”



CAREER. Suportado ni Paulo ang first directorial job ni Ronnie Lazaro na Edna, ang indie film na pinagbibidahan ni Irma Adlawan at nagkaroon ng special screening sa isinasagawang Cinemalaya Philippine Independent Film Festival.

Pahayag ng aktor, “Isa si Tito Ron sa mga naging mentors ko.

“Nagkasama kami sa isang afternoon series before sa GMA, ’tapos may ilan pang projects na pinagsamahan namin.

“Nagulat nga ako na may pelikula na siya dito, e!

“Kaya nandito ako, kumbaga, to congratulate him. Masaya ako na director na rin siya.”

Dalawang beses na ring nakagawa ng pelikula si Paulo para sa Cinemalaya.

Ang una ay ang Ang Sayaw Ng Dalawang Kaliwang Paa (2011), kung saan nakasama niya sina Rocco Nacino at Jean Garcia; at ang sumunod ay ang Sana Dati (2013), na kapareha niya si Lovi Poe.

Aniya, “Busy rin kaya hindi ako nakagawa ng bago para sa Cinemalaya.

"Tuluy-tuloy ang taping namin para sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon.

“May mga pelikula rin akong ginagawa.

"One for Regal na horror na kakasimula pa lang namin ng shooting. Kasama ko rito sina Jasmine Curtis and Isabelle Daza.

“So far, happy naman ako sa takbo ng career ko.

"’Tapos natutuwa rin ako na yung soap namin, nananalo naman parati sa ratings."

Kuwento pa ni Paulo, “Natuto nga akong gumawa ng chocolate dahil dun sa role ko sa Sana Bukas Ang Kahapon.

“Nag-workshop kami kung paano gumawa ng tsokolate. May nagsu-supervise sa set sa amin kung paano gumawa.”

Sa soap na ito, marami na silang magagandang eksenang nagawa ni Bea Alonzo.

Sabi ni Paulo ukol dito, “Siguro dahil tinatrabaho namin, at saka magaling naman talaga si Bea.

“At alam naman natin na hindi lang box-office hits yung mga body of works na ginawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam nating lahat na mahusay siyang artista.

“Sinuwerte ako na magkasama kami sa isang soap.

"And I’m very thankful din kay Bea na, ayun, she considered me to be her leading man."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN