Solenn Heussaff on live-in arrangement with boyfriend Nico Bolzico: "Parang husband and wife na."

Solenn Heussaff is not in a hurry to get married but when it happens, she wants it while she’s still young. "Gusto ko maging hot din sa wedding!" she says.


Number six sa listahan ng FHM Sexiest Women of 2014 si Solenn Heussaff, pero hindi siya rumampa sa victory party na ginanap noong isang buwan sa World Trade Center.

“Ayokong rumampa sa FHM!” natawang sabi ni Solenn nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol dito.

Bakit?

“Ayoko kasi, I mean, I’ve been on FHM cover dati, pero maraming lalaki.

“Nag-cover ako isang beses, pero hindi pa ako rumampa.”

Ano ang main reason sa hindi niya pagpayag na rumampa sa taunang event ng FHM?

Sabi niya, “I don’t know, feeling ko… also kasi, this year, I wanted to save it.

"Kasi yung Bench fashion show this year, yung Bench Body."

Marami ring lalaking nanonood doon, ’di ba?

“Oo, pero mas on fashion, mixed din yung crowd.

"I think din, mas maraming bading na gustong makakita sa mga boys!" tawa ni Solenn.

Dagdag pa niya, “Sa FHM, feeling ko, parang naging…baka ’pag number one, gagawin ko.

"I mean, to thank the people naman who spent their time voting, pero I don’t know...

“Siguro, alam mo yung mga lalaki ngayon, parang baka makikita lang, parang karne lang na rumampa!”

Ayaw niyang maging sex object?

“I don’t mind naman being a sex object, but para sa mga shows na ganun, mas gusto ko na may theme kesa sa just sexy girls walking.

“Gusto ko may theme.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Solenn sa launch niya bilang latest celebrity endorser ng Calayan Surgicentre—partikular sa mga services nito na Solenn French Facial at Solenn Sexy Laser—sa Cucina Ni Bunso, sa Quezon City, noong July 31.

LIVE-IN ARRANGEMENT. Napag-uusapan ba nila ng boyfriend niyang si Nico Bolzico ang tungkol sa pagrampa niya sa FHM?

Sabi ni Solenn, “A, siguro ayaw din niya akong rumampa sa FHM.

“We don’t [talk about it], I don’t consult him, pero alam ko naman yung personality niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"’Tapos, ’pag you turn the tables around, baka din, ’di ba, ayoko din na may mga girls na...

“Hindi naman selos, pero he’s mine!

“Yung ganun, ’di ba?

“Pareho kami, hindi kami seloso.

"Hindi kami seloso, that’s why we’re so good together."

Tatlong taon nang magka-live-in si Solenn at ang Argentinian boyfriend niya.

“Ako lang sa bahay, we live alone. Yung maid, pupunta once a week lang.

“Parang husband and wife na,” deskripsyon ni Solenn sa sitwasyon nilang magkasintahan.

“Siyempre naman, we know na kami sa isa’t isa, that we’re meant to be.

"If not, hindi kami magli-live-in.

"Pero yun, may work siya, may work ako.

"’Pag buong araw na work, we don’t text each other all day."

Paano ang gastusin nila?

“Half-half lahat, bale hati.”

May balak din ba silang pakasal?

“Sinasabi ko naman na I’ll just joke about it sometimes.

"Pero alam niyo, yung mga lalaki, ’pag na-pressure sila, ayaw nila, ’di ba?”

Pero dati ay nainterbyu namin si Solenn at sinabi niyang ang kasal “is just a piece of paper.”

“Yeah, it’s just a piece of paper,” sabi niya ulit.

Ganun pa rin ang stand niya?

“Oo, until now.

"Siyempre naman, I have a dream na sana bata pa ako when I get marrried, sana hindi ako sixty-five, ’di ba?

"Gusto ko maging hot din sa wedding!" tawa niya.

Ayaw muna niya ngayon?

“No... if it happens, it happens. But walang pressure.”

So, hindi na “piece of paper” na lang sa kanya ang kasal?

“No, I mean, kasi since live-in, we still love each other.

"Hindi naman magtse-change after nung wedding, the way we love each other, ’di ba?"

MEN’S FANTASY. Sa kabila ng pagiging open ni Solenn tungkol sa kanyang boyfriend, laman pa rin siya ng pantasya ng mga kalalakihan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Flattered ba siya o nababastos siya sa ganito?

“Depende. Anong fantasies?”

Maaaring laman siya ng wildest fantasies ng mga lalaki.

“As long as you don’t give me details, okay lang!” tawa ng Fil-French actress-singer.

“As long as you don’t do it to me, okay lang.”

Paano kung sexual fantasies?

“Well, kung iyon ang trip nila, okay lang sa akin... sa kanila lang!” tawa na naman niya.

Flattering din naman daw iyon.

“Oo, it’s flattering in a way na there’s something about me that they find attractive.

"If it’s personality, mas gusto ko personality kesa sa katawan, siyempre naman.

“Iyon, flattering in a way, pero dapat may respeto din.

“Kasi minsan, if you walk on the streets, let’s say kasama ko ang boyfriend ko, ’tapos may mga guys na naglalakad, minsan yung tingin nila...

"As in, minsan, parang they’re undressing you, iyon yung ayoko!

"’Tapos minsan, ’pag may picture-taking, may mga boys na since public figure ako, feeling nila public property din.

"So, minsan, kaagad-agad na sa bewang or malapit sa puwet [hahawak].

“Iyon yung mga ganun, I just move their arm. Hindi naman ako yung tipo na sasampalin ko yung guy.”

Hindi pa naman nangyari na may nantsansing sa kanya?

“Hindi pa nangyari ’pag super-bastos, pero yung ganun nga.

"Kasi ako, super-friendly ako pagdating din sa pictures, ayoko yung ganun. Hahawak talaga ako sa lalaki, sige.

“Pero minsan, ’pag hahawak ako sa lalaki, feeling nila, ‘Ay, okay na ito.’

“Okay lang ’pag shoulder, ganun, ayoko sa private part.

"Iyon lang, konting respeto naman."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN