PEP EXCLUSIVE. Claudine Barretto opens communication line with Raymart Santiago for their children’s sake

Ayon kay Claudine Barretto, patuloy silang nag-uusap ng estranged husband niyang si Raymart Santiago para sa kapakaanan ng kanilang dalawang anak. Pero may mga puwersa raw na gustong harangin ang kanilang pag-aayos.


Muling nagkasama ang estranged couple na sina Claudine Barretto at Raymart Santiago noong August 3, Linggo, sa post-birthday celebration ng kanilang bunsong anak na si Santino.

Ginanap ang 7thbirthday celebration ni Santino sa Blue Leaf Events Pavilion, sa McKinley Hill, Taguig City.

View: Claudine Barretto, Raymart Santiago together to celebrate son Santino’s 7th birthday



THE PARTY. Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainmenty Portal) si Claudine sa telepono kaninang hapon, August 8, tungkol sa muli nilang pagkikita ni Raymart.

Sabi ng aktres, “At least, finally… once again, kasi nung birthday ni Sabina nung June 21, magkasama kaming pamilya.

“Si Santino talaga ay July 19 talaga, pero palagi naming sini-celebrate ang mga birthdays nila… later.

"Kasi nga, bagong pasok... ‘Di ba nga, pasukan, tag-ulan ang June and July.

"So, bagong classmates, so para maging comfortable muna sila sa mga bagong classmates nila.

“Para ’pag in-invite sila sa party, pupunta yung mga bagong classmates nila, dahil comfortable na sila.

“So, yun, we’ve decided to make it this August.

"Kasi kakatapos lang nung kay Sab na party, which is late also, late July naman ginawa.

“Happy naman. It was a happy celebration, it was okay.

"But at least, for our kids, na-appreciate nila yung the fact na kaya naming mag-stay in one room, in once place together without fighting."

Dagdag pa ni Claudine, siya mismo ang nag-imbita kay Raymart para maging kumpleto ang pamilya nila alang-alang sa kaarawan ni Santino.

Saad niya, “Yes, actually, yes.

"During the last JDR [judicial dispute resolution], sinabi ko.

“I still invited him, of course siya yung tatay, e.

"Last year, ganun din naman, e, hindi ko naman tatanggalin yun.

“Ang akin lang ay sana’y maging consistent siya, yun lang.

"Kasi mahirap yung minsan nandiyan, minsan wala.

“So, yun lang gusto ko.

"Yun lang ang ipinaglalaban ko talaga, na yung parang hindi na ma-trauma yung bata or mag-expect.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And, hopefully, itong second time around na chance… na chances na ibinibigay ko, na ako na yung mismong gumagawa ng paraan para mapalapit na sa kanya yung mga bata ulit, e, gina-grab niya yung opportunity."

IN CONSTANT COMMUNICATION. Bago ito, huling nagkasama sina Claudine at Raymart, pati na ang mga anak nila, sa isang restaurant sa Eastwood noong huling linggo ng Hunyo.

Pero ilang araw matapos nito ay nagkaroon muli ng bangayan ang dalawa dahil naman sa batuhan ng mga isyu ng kani-kanilang abugado.

Lalo pa itong lumala nang naging viral ang mga larawan ni Claudine na kitang kita sa kanyang mga hita ang diumano’y mga sugat at peklat na kagagawan daw ng isang taong hindi naman niya pinangalanan.

Pero natumbok ng ilang si Raymart ang pinatatamaan nito dahil sa katagang “battered wife” na binitawan ni Claudine.

Read: Claudine Barretto shows deep wounds, scars in photo shoot; ready to resume court battle against Raymart Santiago

So, hindi nila napag-uusapan noong birthday ng anak ang away nila kamakailan lang?

Kuwento niya, “Ay, hindi. Wala, wala.

"We don’t talk about that.

"Nag-uusap naman kami ni Raymart, e, actually kanina magkasama kami, e, nagkausap kami.

"Last night, nagkausap kami.

"The other night, magka-text kami, and ipinapakita ko sa kanya through may P.A. yung kung ano na yung nangyayari sa school nina Sabina at Santino.”

Dagdag pa niya, palagi raw nagbo-volunteer si Santino sa class discussions at palagi rin daw matataas ang nakukuha nitong grado sa kanilang exams.

Kadalasan pa nga raw ay nakakakuha ito ng perfect score sa mga examination nito.

“Nagpatawa pa nga siya [Raymart], e, na nagmana daw sa kanya.

“Sabi ko, ’Okay, agree, basta sa looks, ako.’

"’Tapos sabi niya, hindi na daw siya aapela.

"Oo naman daw, fair enough."



PEACE FOR ALL? Tanong ng PEP sa aktres: Mas okay ba ang kanilang pag-uusap ni Raymart kung wala ang kanilang mga abugado?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Claudine, “It’s clearer without our lawyers.

"Atty. Peter [Sanchez] and Atty. [Ferdinand] Topacio, they really can talk, e."

Pero may patutsada ang aktres sa legal counsel ni Raymart na si Atty. Ruth Castelo.

"Talagang it’s Atty. Ruth…siya yung ano, e, biruin mo yung JDR na hindi na matutuloy, dahil sa kanya. Ganun.

"So, we have to still go to court even if, you know, medyo at peace na nga ng kaunti.

“Like ngayon, pinayagan ko na mag-spend time siya [Raymart] with the kids, kasi tinanong niya kung anong prize ang gusto ni Santino.

"Sabi ko, ’Mag-spend time ka na lang sa mga bata, kasi ilang weeks ka nang hindi nakikita, more than a month na, ni tawag wala.’

“Siguro mas maganda yun. E, Linggo ng Wika today, so yun, pumunta siya.

"Pumunta siya dun [Sabina’s school].

"’Buti naabutan pa niya yung sayaw ni Sabina, although patapos na, dahil sobrang traffic daw kasi.

“Ngayon, sinabi ko, pinasamahan ko na, dalhin niya si Sabina, kung puwede, at si Santino na mag-enrol sa G-Force for sem-break.

“Umokey naman siya. Last night, napag-usapan namin yun.

“Last night also, supposedly magmi-meet yung lawyers namin, si Atty. Peter lang at Atty. Topacio...

"Kasi ano, e, masyado nang matagal ‘to, hindi na nakakatuwa ang mga pangyayari.

“Na kailangan na sanang magkaroon ng peace sa bawat camp.

“Pero pinapatanong ko ulit sa lawyer ko.

"Like, ngayon, papunta na naman ako dun, kasi nalaman ko lang na pinaku-contempt na naman ako ni Atty. Ruth...

"Nagne-negotiate, under mediation and negotiation, so why… how can she say na she’s not sabotaging yung relationship na puwede pang salbahin bilang tatay, bilang father si Raymart ng mga anak niya, ‘di ba?

“If you want it fixed, why do you want to… why do you still want war?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad pa niya, “Hindi ko pa na-bring up kay Raymart, but I’m gonna tell him later na if she does that, magdedemanda din naman kami.

“So, padamihan ‘to ng demanda.

"Pinapatapos na nga namin sana yung demanda, but Ruth is ruthless... I think that’s where she got her name so...

"I really don’t know… there will never be peace as long as she’s there.”

Suspetsa ni Claudine, baka may mga taong nasa likod ng mga hakbang na ito ng abugado ni Raymart.

“Na ayaw talaga kaming magkaayos ni Raymart, at isa si Atty. Ruth sa mga taong yun.”

Bukas ang PEP sa panig ni Atty. Ruth kaugnay ng mga pahayag na ito ni Claudine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN