Yassi Pressman concedes to Nadine Lustre as "queen" of Viva princesses

Yassi Pressman has been named one of Viva Princesses together with Nadine Lustre and Shy Carlos. Who is likely to be elevated to Reyna ng Viva? "Si Nadine, syempre," she answers quickly, "Nai-launch na siya... siya yung may pinakamaraming project sa amin, and that’s okay."


Tatlong newbie actresses ng Viva Artists Agency (VAA) ang tinagurian nilang "Viva’s Princesses"—sina Nadine Lustre, Shy Carlos, at Yassi Pressman.

Sina Nadine at Yassi ay bahagi ng blockbuster hit na Diary ng Panget at nasa cast din ng bagong pelikulang Talk Back and You’re Dead.

Si Shy naman ay napapanood sa ABS-CBN daytime series na Be Careful With My Heart, bilang bagong ka-loveteam ni Jerome Ponce.

Nang makapanayam ng PEP. ph (Philippine Entertainment Portal) si Yassi sa pocket presscon na inorganisa para sa kanilang tatlo, sa Viva Entertainment office, noong Miyerkules, August 6, hindi masidlan ang kanyang kasiyahan sa mga nangyayari sa career niya pagkatapos maging hit ng Diary ng Panget.

Sabi niya, "Yeah, it was a life-changing experience.

"Sobrang drastic ng change... from Twitter followers and Instagram followers, to people you see on the streets, hindi lamang mg bata kundi pati titas.

"’Tapos, kapag nagsu-show kami sa provinces, grabe talaga ang salubong nila sa akin, so nakakatuwa.

"Sobrang thankful ako talaga sa Viva at sa supporters."

SOLO STARRER. Pinapangarap din ba niyang magkaroon ng solo launching movie, ’tulad ni Nadine na ni-launch sa Diary ng Panget?

Sagot ni Yassi, "It was her launching film and natutuwa kaming lahat for her.

"Yeah, sina Boss Vic [del Rosario, Viva big boss] has plans for me naman, but hindi ko sila minamadali.

"Kahit ako, naniniwala talaga ako sa sinasabing perfect timing.

"And if it’s not happening right now, its because... dot, dot, dot, ganun po ako ngayon.

"I’m taking my time para i-sharpen pa ang skills ko, that’s why I’m still attending workshops.

"Ayoko naman pong ma-launch nang biglaan. My gosh, ’di pa ako ready!"

EXPECTATION. Ngayong pinagsama ulit sila nina Nadine at James Reid sa follow-up movie nilang Talk Back and You’re Dead—na co-produced ng Skylight Films at Viva Films—nasa balikat daw nila ang isang malaking pressure dahil sa expectations sa kanilang bagong movie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ng Pinoy MTV DJ, "Oo nga, kasi kung doon sa Diary... ang pressure ay ang mga baguhang kailangang patunayan na kaya naming magkaroon ng isang hit movie.

"Heto namang Talk Back, sa sobrang hit ng Diary, at least, kailangan naming pantayan ang success ng Diary.

"Actually, I am very confident about this film, dahil hawak siya ni Direk Andoy [Ranay, direktor din ng Diary], and hawak siya ng same team ng Diary.

"And, of course, we still have James and Nadine... at si Joseph [Marco] lang ang bago sa amin."

YANDRE. Marami naman ang nagtataka kung bakit bukod-tanging si Andre Paras ang nawala sa original cast ng unang pelikulang pinagsamahan nilang apat.

Tuloy, ang akala ng lahat ay binubuwag na ang loveteam nina Yassi at Andre na binansagang YaNdre.

Paglilinaw ni Yassi, "No, it’s not naman like that.

"Ang pagkakaalam ko, sobrang tight ang schedule ngayon ni Andre.

"Aside from his school, meron pa siyang basketball and yung soap opera niya sa GMA-7.

"So, wala nang day para maisingit pa niya ang shooting sked na dapat sana ay para dito sa Talk Back.


"So, I think, Viva management decided to pull him out muna sa movie na ’to.

"But, anyway, for the supporters of YaNdre, ’wag po kayong mag-alala kasi may niluluto naman pong projects ang Viva para sa aming dalawa.

"Kung hindi man kami magkasama soon sa movie right now, magkasama naman kami sa Pinoy MTV.

"So, we don’t miss each other that much," pagbibiro pa niya.

Hindi kaya mawalan na ng gana sa loveteam nila ang kanilang supporters kung matagal silang hindi makita as screen partners?

Sabi ng 19-year-old actress-singer, "Well, I really can’t judge pa.

"Hangga’t wala pa talagang ano... ’di pa natin malalaman.

"Pero hopefully, hindi.

"Hopefully, they will still support us the way they supported us in the past.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi kung mangyari man next year or this year na i-push yung YaNdre team-up, mae-excite pa rin ako, e.

"It’s really all about the perfect story, perfect team, and perfect timing."

VIVA PRINCESSES. Tungkol naman sa bagong bansag sa kanila nina Nadine at Shy bilang mga prinsesa ng Viva, paano niya tinanggap ito?

Nakangiting sabi ni Yassi, "Sobrang tuwa ako... I mean, kaming tatlo.

"Kasi, I can’t imagine na kami ang tatawagin nilang mga ’princess ng Viva.’

"Ako, personally, I felt humbled.

"’Pag nagkakausap nga kaming tatlo, sabi namin sa isa’t isa, ’Hala, pressure ’to, pressure ’to, pero isang masayang pressure.’

"Kasi, it goes to show na malaki ang tiwala ng Viva sa kakayahan naming tatlo.

"Sobrang happy and thankful kami sa trust na ibinigay nila sa amin."

Sino naman kaya ang puwedeng maging "Reyna ng Viva" sa kanilang tatlo, kung sakali?

Sagot ni Yassi, "Sa amin, siyempre si Nadine.

"Kasi, kumbaga, nai-launch na siya and it was a very successful launching.

"’Tapos, right now, siya yung may pinakamaraming project sa amin and that’s okay.

"Yeah, siya talaga."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN