Kapuso child actor Miggs Cuaderno shines in indie films

Miggs Cuaderno has just turned 10 and looking at a bright future in showbiz based on the demand for his talent in both the movies and television.


Last year ay kasali ang child actor si Miggs Cuaderno sa indie movies na Purok 7 at Quick Change, na parehong entries sa 9th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival.

Ngayong taon ay dalawang pelikula na naman na kalahok sa Cinemalaya X ay kasama si Miggs—Asintado at Children’s Show.

Paglalarawan niya sa kanyang role sa Asintado, “Isa po akong autistic. Hindi po ako nagsasalita, na magaling pong mag-asinta ng tirador po.”

Unang beses daw ito ni Miggs na gumanap bilang isang autistic, at unang beses ding wala siyang anumang dayalog sa pelikula.

Aminado ang child actor na nahirapan siya, “Kasi nga po, first time kong mag-autistic.”

May pinanood daw siya para maging peg sa kanyang role.

“Marami pong pinapanood sa akin si Direk Louie [Ignacio], mga Tagalog na pelikula rin po. Yung kay Cesar Montano po, yung Bullet.”

Young boxer naman daw ang role niya sa Children’s Show.

“Bale ganun na rin po, na pedicab driver po. Kapatid ko po dun si Kuya Buboy Villar.”



INDIE PRINCE? Dahil sunud-sunod ang pelikula niya sa Cinemalaya, biniro ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na siya na ang "Indie Prince."

“Hindi naman po!” tawa niya.

Ang manager ni Miggs ay ang direktor na si Maryo J. de los Reyes, at “kapatid” niya sa manager ang kapwa Kapuso stars na sina Miguel Tanfelix (ng Niño) at Ruru Madrid (ng My Destiny).

May mga nagsasabing kahit mas bata si Miggs ay mas magaling siyang artista kaysa sa dalawang nabanggit na “kuya” niya.

“Hindi naman po. Siguro parang... medyo!” natawang reaksiyon ni Miggs, na nagdiwang ng kanyang ika-sampung kaarawan kahapon, August 8.

Close daw sila nina Miguel at Ruru, pero mas ka-close niya si Ruru.

“Kasi parang lagi ko pong nakakasama si Kuya Ruru. Kasi may movie po kaming ginawa ni Kuya Ruru, dun sa Bamboo Flowers po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Bale si Kuya Miguel po, bihira ko lang po siya makasama, kaya mas close po kami ni Kuya Ruru.”

TV PROJECTS. Sa telebisyon ay napapanood naman si Miggs sa GMA shows na My BFF at Tropang Potchi.


Isang bully ang papel ni Miggs sa My BFF.

“Kasi yung role ko daw po dun, bale napabayaan po ako ng mommy ko kaya medyo may pagka-bully po ako dun.”

Sa tunay na buhay ay na-bully na raw noon si Miggs sa school nila.

“Minsan po, tinutulak ako.

"Minsan, sa school din po namin, nakalmot na din po ang mukha ko.

“Bata pa po ako nun ’tapos umiyak lang po ako nang umiyak.

"Kaka-start ko lang po nun na mag-artista."

Hindi na nabu-bully ngayon si Miggs.

“Home study na po ako ngayon, e,” sabi niya.

Nag-home study siya dahil nabu-bully siya?

“Hindi po, dahil po sa schedule.”

Sa pagitan nina Jillian Ward at Mona Louise Rey, na co-stars niya sa My BFF, sino ang mas ka-close niya?

Sabi ni Miggs, “Siguro po si Mona, si Mona po.

"Kasi po, nakasama ko na po siya dati sa Munting Heredera.

"Si Jillian po, first time ko pa lang po makasama sa My BFF."

Naaawa raw si Miggs kapag nakikita niyang nahihirapan si Mona Louise sa sakit nitong diabetes.

Pero wala raw siyang magawa dahil katulad ni Mona Louise ay bata pa rin siya, kaya ipinagdarasal niya raw na gumaling ang kaibigan at huwag mahirapan sa sakit nito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN