Eugene Domingo on tandem with Jose Manalo in Celebrity Bluff: “Puro chemistry, walang physics.”

Eugene Domingo clarifies that the success of her pairing wth Jose Manalo as game show hosts lies in their ability to ad lib their lively exchanges. Can they go any deeper? "Meron kaming... may love pero may respeto. Hindi kailangang... hindi kailangan ng relasyon,” she stresses.


Nagpaliwanag si Eugene Domingo kung bakit ikinukunsidera niyang huling pelikula na niya ang Barber’s Tales at mag-lie low muna sa showbiz.

Sabi niya, “Kasi, parang mas gusto kong gumawa ng ibang bagay na hindi masyadong sa showbiz lang nakasentro."

Pero ipagpapatuloy pa raw niya ang paghu-host sa kanyang game show sa GMA Network, ang Celebrity Bluff , tuwing Sabado.

"Siguro dahil masyadong masaya yung Celebrity Bluff.”

LOVETEAM WITH JOSE. Sa game show ay kasama niya si Jose Manalo.

Dahil sa batuhan nila ng biruan at “sweetness” ay may mga naniniwalang may relasyon nga sila.

“Oo nga, nake-carrried away!” natatawang sabi ni Eugene.

Ano ba ang katotohanan dito? Ayon pa nga sa opinyon ng marami ay may chemistry raw sina Eugene at Jose.

“Puro chemistry, walang physics!” biro ng actress-TV host.

Iyon ba ay sa harap lamang ng kamera?

“Oo naman! Pambihira naman, oo naman!”

May mga nagdududa na may relasyon sila, pero inililihim lamang nilang dalawa.

Reaksiyon dito ni Eugene, “Siguro… ang galing-galing niyo talaga, ano?

"Hindi talaga kayo titigil hangga’t hindi… oo, sige na, meron na!

“Hindi talaga kayo titigil! Dyusko, ’day!

“Hindi, kaya siya nagiging effective, kasi alam namin kung paano mag-enjoy, e.

"Hindi talaga siya yung... hindi naman kami bata na puwedeng madala at ano.

“Hindi, ano na lang, talagang nag-e-enjoy kami.

"Siguro umabot yung professionalism namin sa point na hindi na namin kailangan ng script. Nakakasakay kami kaagad.

"Pero off-camera, dahil magkakilala na kami dati pa sa Valiente, meron kaming... may love, pero may respeto.

“Hindi kailangang... hindi kailangan ng relasyon.”

THE GIFT. Nag-birthday kamakailan si Eugene, may regalo ba sa kanya si Jose?

“Wala!

“May regalo siya sa akin last year, napakaganda ng regalo niya.

“Niregaluhan niya ako ng Buddha para lagi akong susuwertehin... last year.”

This year ay walang birthday gift sa kanya si Jose?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala, parang iyon na yun!” tawa ni Eugene.

Pangmatagalang suwerte nga naman ang iniregalo sa kanya ni Jose.

“’Tsaka ako, actually, ang naging masuwerte. Ako ang masuwerte kay Jose kasi binigyan niya ng bagong kulay yung career ko, e.

“Hindi ba? Sa totoo lang. Dumami yung fans ko sa demographic ng lalaki.”

Ngayon daw, bukod sa gay and female fans, ay dumami rin ang mga fans niyang lalaki.

Ayon pa kay Eugene, “Ang galing-galing-galing ni Jose! Ako ang masuwerte.”



JOSE’S SON. Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Eugene noong Huwebes, July 31, sa presscon ng pelikula niyang Barber’s Tales.


Kasama ni Eugene sa Barber’s Tales, na ipapalabas na sa mga sinehan sa August 13, ang anak ni Jose na si Nicco Manalo.

Hindi ba sila nagkailangan ni Nicco habang ginagawa ng pelikula, to think na nali-link sina Eugene at Jose?

Sagot ng aktres, “Hindi, hindi! Paborito ko si Nicco.

"In fact, lagi ko siyang sina-suggest o lagi ko siyang ibinibida sa mga direktor, sa mga writers, sa mga co-actors, kasi napakahusay ng bata.

“Napakahusay niyang artista.”

Kasama rin nina Eugene at Nicco sa Barber’s Tales sina Iza Calzado, Gladys Reyes, Shamaine Buencamino, Nonie Buencamino, Daniel Fernando, at si Mr. Eddie Garcia.

May cameo role din sa pelikula ang Superstar na si Miss Nora Aunor.



DIREK EUGENE? Samantala, may nabanggit ang kaibigan niyang si Ai-Ai delas Alas na ine-encourage niyang magdirek si Eugene ng pelikula at kumuha ng kursong may kinalaman sa film directing.

Nabanggit pa nga raw ni Ai Ai na ie-enroll nito si Eugene sa Juilliard School.

Ang Juilliard, sa New York City, ang pinakatanyag na performing arts school sa U.S.

Pero balewala raw ito kay Eugene.

Aniya, “Pangarap niya, pero hindi, wala ako sa huwisyo ko.

"Mahirap maging direktor. Hindi ako isang Jun Lana,” pagbanggit ni Eugene sa direktor ng Barber’s Tales.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala raw interes si Eugene maging isang direktor, “Hindi ko type, ayaw ko.”

So, si Ai-Ai lang ang may gusto?

“Siya lang. Pangarap niya na sana magkaroon kami ng project together na ididirek ko siya, ganun.

"Parang nakikita niya, pero hindi ko nakikita.

“Siguro co-actors ulit, in the future, but not in the near future,” pagdidiin pa ni Eugene sa plano niyang “semi-sabbatical” sa pag-aartista.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN