PEP EXCLUSIVE. Claudine Barretto appeals to spare nieces Julia and Claudia from bashing over change-of-name issue

Umaapela si Claudine Barretto na intindihin ng publiko ang pagnanais ng mga pamangkin niyang sina Julia at Claudia Barretto na magpalit ng apelyido. May mga bagay raw kasing hindi alam ang mga tao tungkol sa mga pinagdadaanan nila sa loob ng pamilya. Makikita sa larawan si Claudine kasama ang mga anak na sina Sabina at Santino sa nakaraang 7th birthday celebration ng huli.


Sa pagpapatuloy ng eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Claudine Barretto sa telepono kahapon, August 8, inusisa namin ang aktres kaugnay sa umiinit na usapin tungkol sa kanyang pamangking sina Julia at Claudia Barretto.

Sina Julia at Claudia ay dalawa sa tatlong anak ng kapatid ni Claudine na si Marjorie Barretto sa dati nitong asawa na si Dennis Padilla.

Naghain ng petisyon sa korte ang magkapatid na palitan, legally, ang kanilang apelyido—mula sa pagiging Baldivia (ang totoong apelyido ng kanilang ama) sa Barretto.

Read: Julia Barretto camp explains filing of change of name; Dennis Padilla files Motion To Intervene

Read: Dennis Padilla vows to fight for his paternal rights amid daughters Julia and Claudia’s petition to change name

Ayon kay Claudine, hangga’t maaari ay ayaw niyang manghimasok sa usaping ito.

“I don’t wanna comment about that.

"Mahirap mag-comment tungkol sa mga pamangkin ko, kasi anything I say, they will take it against me.

“And hindi naman nila hinihingi ang opinion ko.

“So, ayokong makialam diyan.”

Hindi maganda ang relasyon ngayon sa pagitan nina Claudine at Marjorie.

Ngunit bilang kapatid ni Marjorie at dating hipag ni Dennis, naiintindihan daw ni Claudine ang panig ng bawat kampo sa kanilang ipinaglalaban.

Sabi ng aktres, “[N]aiintindihan ko ang parehong side ni Kuya Dennis at naintindihan ko rin yung part ni Marjorie.

“Kaya lang kasi, ang natitira lang kasi lagi, ang ate ko, e.

"Sana kasi, bago mangyari yun... hindi lang kasi ma-explain, e, sa tao, pero may…

"Kumbaga, may basis din si Marjorie kung bakit kailangan niyang gawin yun.

“But it doesn’t mean na I’m all for it, okay.

“But, ako, I believe that my sister will do everything in her power to protect and secure yung ano ng mga anak niya. Because she’s a good mom naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kuya Dennis is a very good father, too.”



APPEAL TO BASHERS. Alam daw ni Claudine ang usapin tungkol sa legal battle na ito sa pagitan ng kanyang mga pamangkin at ni Dennis.

May mga nababasa raw siyang bira at puna sa mga pamangkin kaya nakikiusap ang aktres sa bashers na huwag husgahan agad ang mga ito.

Saad niya, “Minsan nakikita ko kasi na ang dami ring negative, e, kay Julia.

“Sana, ako, nakikiusap sa mga bashers na kung anuman man ang desisyon ni Julia... I think bata pa siya masyado to explain kung ano.

“There are some things na nasa pamilya lang na hindi puwede i-explain.

"At si Marjorie din... ang nangyayari, ang naaano ay yung mga bata.

“Na parang sinasabing walang utang na loob, ganyan-ganyan. Sinasabi nilang bastos, ganyan-ganyan, yung pamangkin ko.

“Alamin muna sana nila, kasi hindi rin naman nila alam kung ano’ng pinagdaanan ni Marjorie at ng mga bata.

“So, baka kung malaman nila kung ano yung mga pinagdaanan, maiintindihan nila.

“But, at the same time, I still understand talaga na masakit na masakit yun para kay Kuya Dennis, kasi talagang naging napakabuting tatay naman talaga siya.

“At ganun naman si Marjorie rin, naging napakabuting ina rin siya hanggang ngayon.”

Muli pa niyang pakiusap, “Sana huwag lang… huwag naman sana sila Julia, kasi minor pa ‘yan sila.

"Hindi naman sila makapagdesisyon lagi nang sila lang.

“So, huwag naman natin lahat isisi sa kanila.

"So, puwede lang, makikiusap, kasi masakit.

"Ako, nasasaktan ako kahit para kay Marjorie, nasasaktan ako, at kay Kuya Dennis.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN