James Reid admits being closer to Nadine Lustre but prioritizes career first

James Reid on Nadine Lustre: “Yeah, we got pretty close, mas close kami ngayon kaysa noong we’re doing Diary ng Panget. Pero we both know kung ano ang priorities namin ngayon, so...”


Kahit mahiyain si James Reid sa totoong buhay, pagdating naman daw sa trabaho ay bigay-todo naman siya.

Kaya nga kahit nahihiya siyang mag-topless sa kanyang mall and provincial shows, kapag hiniling ito sa kanya ay hindi niya matanggihan.

Ganoon din daw sa ilang eksena niya sa pinakabagong pelikula niyang Talk Back and You’re Dead, kunsaan makailang beses siyang may eksenang nakahubad ang T-shirt.

Unti-unti na rin ba niya itong nakakasanayan?

Nakangiting sabi ng Viva heartthrob, “That’s what people like to see and I’ ve got to give it to them.

“I’m maturing also.

“Yeah, I’m becoming comfortable with it na.

“I’m really a shy person, pero pagdating sa camera, sa video, I become a different person.”

Wala pa naman daw siyang naranasang siya nabastos dahil sa pagpapakita niya ng kanyang maskuladong katawan.

Aniya, “So far, wala pa naman po.

“All the time, parang ang napapansin ko ay yung kinikilig sila at parang they’re all shouting.

“Even sa social media, their comments were almost positive naman.

"Well, yeah, there are some who bash me, pero parang konti lang.

“I’m working so hard to keep myself in shape.

“It’s not all for the movies or shows, it’s also para sa sarili ko—for my health and stuff like that.

“Kaya nga, I try to sleep early when I can, kasi yun ang kulang sa akin ngayon ’coz right now, very busy talaga ako.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si James sa presscon ng pelikulang muli nilang pinagtatambalan ni Nadine Lustre, kagabi, August 8.

HANDLING SUCCESS. Dahil nga sa magandang takbo ng career niya ngayon, marami ang nagtatanong kung paano hina-handle ni James ang kasikatan na ito?

Saad ng 21-year-old Fil-Aussie actor-singer, “Well, really, masaya ako.

“How do I handle it? Okay lang naman ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I just take it the way it is. I still don’t have much expectations.

“I’m happy na gusto ako ng tao and I hope I can be able to sustain it.

“Right now, I’m really busy, kaya sabi ko nga, yung other side ng success na ito ay kulang ako sa sleep.

“But, yeah, I’m thankful sa mga taong sumusuporta sa akin.”



NO TIME FOR LOVE. Maging ang tungkol sa lovelife ay isinantabi raw muna ni James para hindi mawala ang focus niya sa trabaho at sa maraming opportunities na dumaratng sa kanya.

Matagal din daw siyang naghintay para sa kanyang big break sa showbiz, kaya ayaw niya na ang lovelife ang maging dahilan upang mawala ang lahat ng pagkakataong ito.

Pagkumpirma ni James, “I really don’t want to be in a relationship right now.

“The last time was really destructive to my career.

“I really want to make it this time.

“We’ll, even when people ask me about Nadine, ang sabi ko lagi ay, ’We’re both busy and if we have free time, let’s see.’”

ON NADINE. Buong akala ng lahat ay nag-level up na ang estado ng relasyon nila ni Nadine—mula sa pagiging magkaibigan hanggang sa nagkakaibigan na.

Unang nagkatambal ang dalawa sa surprise blockbuster hit na Diary Ng Panget earlier this year.

Napangiting sabi ni James, “Yeah, we got pretty close, mas close kami ngayon kaysa noong we’re doing Diary ng Panget.

“Pero, we both know kung ano ang priorities namin ngayon, so...”

Sinasakprisyo ba niya ang personal niyang feelings para kay Nadine dahil sa tagumpay ng career nilang dalawa na ayaw nilang maudlot?

Pagtanggi ng former PBB Teens winner, “I’m not really sacrificing my personal feelings.

“I’m having fun and I really enjoy our time together.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m not sacrificing any.

“Since we’ve met a year ago, it definitely transcended into...”

Ibig din bang sabihin ngayon ay wala siyang dine-date kahit non-showbz girl?

“No,” sagot ni James.

“Definitely, no.

“Wala pang... for now, wala, let’s see.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN