Matt Evans gives himself an 8 as father to daughter Hayley Marley

Matt Evans on being a hands-on dad to baby daughter Hayley Marley: “Ang sarap din maging hands-on, kaya lang siyempre minsan nakakapagod, puyat. Alam ko na lahat, paligo, kumpleto.”


“Mini-me” ang deskripsyon ni Matt Evans sa bunsong anak niyang si Hayley Marley Favis Evans.

Ikinasal si Matt kay Katrina Fariñas nung October 3, 2013, at agad na biniyayaaan ng anak na babae ang mag-asawa noong nakaraang buwan.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Matt sa set visit ng Pure Love noong Miyerkules, August 6, masayang nagkuwento ang aktor tungkol sa bunsong anak at kung paano nito binago ang buhay niya ngayon.

Sabi niya, “Mabuti naman, masaya, sulit lahat ng pagod, puyat, mga naranasan dati.

"Ngayon ako nakakabawi nang sobra.

“Sabi ng mga tao, ako raw [ang kamukha]. Mini-me raw.

“Sabi nila, pero siyempre wala pang one month yung baby kaya puwede pang mabago yung hitsura.”

Patuloy ni Matt, “Ay, sobrang laki ng binago kasi yung mga priorities natin, alam na natin, kasya sa mga dating pinaggagawa ko na ako lang ang maaapektuhan.

“Ngayon kasi, ang iniisip ko, ’pag may ginawa akong isang bagay, may mga maaapektuhan.

"May mga anak na ako. ’Pag tumanda sila, tatanungin nila ang mga nangyari.”

HANDS-ON DAD. Hindi ba naging problema sa kanila ng kanyang misis ang pagseselos kapag ipinapareha siya sa iba’t ibang aktres?

Ayon kay Matt, “Hindi, halos lahat ng kaibigan ko, kaibigan niya.

"Usually sa bahay lang talaga ako, hands-on ako sa anak ko.

“Ang sarap din maging hands-on, kaya lang siyempre minsan nakakapagod, puyat.

"Alam ko na lahat, paligo... kumpleto.”

Nang ipa-rate namin kung ano ang rating niya bilang isang ama, “8” ang ibinigay ni Matt sa kanyang sarili.

“Siguro nasa 8 na ako, hindi perfect, pero nasa 8 na.”

ON FORMER PARTNER. Kinumusta rin namin kay Matt ang relasyon nila ngayon ng dating partner niyang si Johnelline Hickins, kung saan may anak din ang aktor.

Matatandaang noong 2012 ay masalimuot ang naging paghihiwalay nila, na nauwi pa sa paghahain ng reklamo ni Johnelline laban kay Matt at pagkakakulong ng Kapamilya actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Matt, “Mabuti naman, okay naman, at least naayos na, na-settle na. Wala nang kaso.

“Yung suporta sa bata, tuluy-tuloy. Nadadalaw naman, pinayagan naman akong dalawin, puntahan.

“Puwede namang hiramin, pero siyempre dapat may kasama.

"Pero ’di pa ganun kasi magtu-two years pa lang yung bata."

“Sobrang masaya na rin siya, naka-move on na.”



ON MELISSA’S PREGNANCY. Kumpirmado na rin na maglilimang buwan nang buntis ang dating kapareha ni Matt na si Melissa Ricks sa non-showbiz boyfriend nito.

Masaya naman si Matt para sa dating ka-loveteam.n nito.

“Sobrang saya.

"Si Enchong [Dee] nga, sabi sa akin, ’Talagang loveteam kayo ni Melissa, ’no?

"Sabi ko, ’Oo nga e, nakakatuwa.’

“Nung dati, iniisip lang namin, pinagkukuwentuhan namin, ’Ano kaya hitsura ng mga babies namin?’ Pero ngayon, excited na ako.

"Sabi ko nga, sana lalaki [anak ni Melissa], para loveteam. E, gusto niya raw babae.

“Nag-text siya sa akin, sabi niya, ’Oy, Ninong ka, ha?’

“Inisip ko muna, sino bang barkada ba namin ang may anak? Ang tagal, in-absorb ko muna.

"Yung text niya, may smiling face. Tumawag na ako.

"Pagtawag ko sa kanya, sinabi na niya sa akin," kuwento ni Matt.

Maligaya na ngayon pareho sina Matt at Melissa sa kanilang natagpuang partners sa buhay, pero hindi ba pumasok sa isip ni Matt na ligawan noon ang aktres nung pareho pa silang walang karelasyon?

Sagot niya, “Dati, gusto ko, kaya lang may mga pinanghihinayangan din na oras, kasi trabaho. Uunahin namin talaga yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN