Aiza Seguerra on explaining "special relationship" with Liza Diño to Liza’s daughter: “We’re opening her mind that love isn’t about male and female, it’s not about gender.”

Aiza Seguerra on explaining her "special relationship" with Liza Diño to Liza’s six-year old daughter, Amara: “We’re opening her mind that love isn’t about male and female, it’s not about gender. It’s about loving, it’s about giving yourself to someone, kesehoda ano pa siya at sino pa siya.”


Si Liza Diño ang special guest ni Aiza Seguerra sa concert ng acoustic singer na High On Love, na magaganap sa August 22 sa Music Museum.

Sabi ni Liza, “It’s a whole concert of Aiza singing songs about our story.

“Actually siya yung... hindi ko nga alam na magiging ganun yung tema nung concert until that night.

"Kasi si Aiza, when she comes up with... when ’he’ comes up with songs, hindi ’yan gumagawa ng set list, ni wala pang rehearsals masyado, it’s really mostly on the fly.

“So whatever inspires ’him’ to sing that particular moment, yun yung kinakanta niya.

“And beautifully, that night, maka-come up siya ng isang buong journey on sa story naming dalawa on how we met, paano kami naghiwalay, paano nagkita ulit.”

Very smooth ang relasyon nina Aiza at Liza. Nag-aaway ba sila?

Sagot ni Aiza, “Diskusyon.

“Kasi siguro kami ni Liza, we’re very passionate nga, and when we’re very passionate about something, sometimes nagkakaroon kayo ng pagtatalo.

“What’s beautiful naman about our relationship is pinag-uusapan namin.

“Hindi namin hinahayaan na... kahit maliit na bagay lang, pinag-uusapan namin, we talk about our problems.

“We talk about mga sitwasyon na ganyan.

"And we make it a point na ayusin namin because para sa amin, it doesn’t matter who’s right, what matters is us being happy always."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Aiza at Liza sa Dulcinea noong Miyerkules, August 6.



FAMILY’S ACCEPTANCE. Kahit ang mga pamilya nila ay mahal ang bawat isa.

“Yun naman ang nakakatuwa,” sabi ni Aiza.

“Kumbaga, very open. Siya sa family ko, my family loves her very much and ang family din niya, ganun din sa akin.

“Never kaming nagkaproblema pagdating dun. Nakakatuwa na walang isyu.”

Ayon naman kay Liza, “I think iyon yung isa sa mga nakaka-encourage sa akin to just be open and just be real

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi yung mga taong ini-expect ko na unang-unang kukuwestyunin ako or yung unang magsasabi sa akin, ’Teka muna, iha, alam mo ba yang pinapasukan mo?’

“Sila yung all for my happiness.

“And I remember it was the night of the Urian when I was nominated last year, nag-dinner kami when I first told my dad na, ‘Pa, I just want to let you know, in case hindi niyo pa alam na kami na ni Aiza and I hope that you will support us.’

“And ang sabi ng dad ko na he feels safer that I am with Aiza, and para sa kanya, nakikita niya kung gaano ako kamahal ni Aiza.

“So, para sa kanya, happy siya para sa aming dalawa.

“I think one of the... iyon yung isa sa pinakanatutuwa kami sa relasyon namin.

"Kasi the things na iniisip ko na will get in the way, or kahit papaano magbibigay sa amin ng rason para magdalawang-isip tungkol dito sa relasyon namin...

“On how to move forward with this every single day, nakikita namin from the people na, like especially my daughter, on how she, yung understanding niya and yung comprehension niya sa relationship namin, ganun na lang.

“Kasi from the very beginning, we never hid it from her. Hindi namin ginawa na parang, ‘O, magkaibigan kami or best friends.’

“Hindi, e. From the very start, she knew that it was a romantic relationship. She sees us kissing, yung ganun, kumbaga hindi namin itinago sa kanya.

“She would ask questions and dun mo makikita na ang mga bata pala, sa paningin nila, there is confusion, there are questions, but there is no prejudice. There is no judgment.”

LIZA’S DAUGHTER. May six-year old daughter si Liza from a previous relationship, si Amara.

Ayon naman kay Aiza, “So, yun nga, kumbaga, feeling nila, with the situation that we have, our unique family set-up, nakita namin with Amara na talagang it’s just society na nagsasabing, ’Masama, demonyo, kayo ang susunod na dahilan ng bagyo...’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, dun namin nakita kasi, sa totoo lang, with Amara, konting explain pa lang namin sa kanya, may mga tanong lang siya na... Ate Aiza pa tawag niya sa akin noon, ‘Ate Aiza, why are you so nice to me and my mommy?’

“Nagulat ako, hindi ko alam kung paano ko sasagutin yun. Sabi ko, ‘Why not?’

“Naisip ko nga nun, next time I have to prepare myself with those questions!” tawa pa niya.

Patuloy ni Aiza, “So, ang maganda with Amara, hindi siya napapagod magtanong. Hangga’t hindi siya satisfied sa isang bagay, hindi ka niya titigilan.

“So, tinanong na naman niya ako, ‘Why are you so nice with me and my mom?’

“Sabi ko, ‘Because I love you, guys!’

“Sabi niya, ‘Why do you love us?’

“Sabi ko, ‘You don’t need a reason to love people. When you feel that you love someone, you just have to show it, ’di ba?’

“So, hanggang sa iyon, kumbaga it started from there.

“And then, sinabi niya sa akin out of the blue, ‘You know what, you should have a daughter! You should get married, you should get a husband.’

“Sabi ko, ‘I don’t wanna get a husband.’

"‘Why not?’

“Sabi ko, ‘Well, I’m gonna get married, pero I don’t wanna have a husband.’

“So, I explained to her, sabi ko, ’You know there are different kinds of marriages’.

“Sabi ko, ‘You know there’s a marriage between a mommy and a daddy. But there’s also a marriage between two daddies, two mommies.

“’And you know what, that’s fine. As long as they love each other truthfully, they can be with whoever they want.’

“So, yun pa lang, we’re opening her mind that love isn’t about male and female, it’s not about gender.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It’s about loving, it’s about giving yourself to someone, kesehoda ano pa siya at sino pa siya.

“At happy rin ako na our school, her school is very open and supportive and, kumbaga, wala kaming problema.

"We’re very lucky.”

ARTIFICIAL INSEMINATION. Pinag-uusapan na rin daw nina Aiza at Liza ang pagkakaroon ng sariling anak.

Sabi ni Liza, “Next year, hopefully, if medyo capable na kami.”

Sa pamamagitan ng artificial insemination plano nina Aiza at Liza magkaroon ng anak.

Si Liza ang surrogate at eggs ni Aiza.

Maghahanap pa sila ng male sperm donor para makabuo ng baby.

Pinag-iisipan pa nila kung isang kakilala o isang anonymous sperm donor ang pipiliin nila.

WEDDING THIS YEAR? Ngayong taong ito ay ikakasal na rin ang dalawa.

Sabi ni Aiza, “Tinataon namin, gusto namin as much as possible to save for the big one here [sa Pilipinas].

"Kahit yung dito, ceremony lang, for us it’s the more important.

“Kasi yung sa States yung legal, legality lang yung talagang habol namin, e.

“But dito kasi, nandito yung family namin, nandito yung mga kaibigan.

“Kaya tinataon namin that itong either September or October dun [sa States] namin gagawin para we can save up also sa airfare, kasi may mga shows ako dun!” tawa niya.

Patuloy ni Aiza, “Sa L.A... kasi kapag New York, gagastusan pa namin yung mga barkada namin. E, halos ang mga barkada namin, nasa California.

“Hindi biro ang L.A. to New York, ha? Magkano, halos one thousand dollars din. E, di gastusin na lang namin dito, ’di ba?”

Isang malapit na kaibigang babae nila sa L.A. ang nagpa-ordain para ito ang minister na magkakasal kina Aiza at Liza.

Ang ceremony nila dito sa Pilipinas ay next year idaraos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN