Nadine Lustre "not affected" by bashers saying she’s "copycat" of Kathryn Bernardo

Does Nadine Lustre feel offended whenever people approach her for a photo op with "Kathryn Bernardo"? The VIVA princess replies, “No, naman. I just feel bad lang for the person kasi baka ma-disappoint siya.”


Nakakaramdam daw ng pressure si Nadine Lustre para sa upcoming team-up movie nila ni James Reid—ang Talk Back and You’re Dead.

Kumita kasi ang una nilang pelikula na Diary ng Panget kaya mas mataas ang expectation ngayon pagdating sa takilya.

Umaasa si Nadine na sana’y tangkilin ang bago nilang pelikula lalo’t kakaiba raw ito sa una nilang team-up, at kasama pa rito si Joseph Marco.

Marami ang natuwa sa pagsikat ng kanilang team-up pero marami rin ang natatakot na baka bigla rin itong mawala sa bilis ng success nila.

Ang komento ni Nadine tungkol dito, “I’m very careful naman with everything I do. I gave my 101 percent. I think magtatagal naman.

"And I’m taking care of my career. Like, I do everything. Ginagalingan ko sa lahat ng ginagawa ko. I take it seriously.

“Ginagawa ko kung ano yung magiging healthy sa career ko. I don’t do things that will break it or kahit magkaroon lang ng stain sa career ko.

“I do everything to make it better.”

Dugtong pa ni Nadine, bago raw sila sumalang ni James sa pelikula, sumailalim muna sila sa iba’t ibang workshops na inorganisa ng VIVA Talent Agency.

Maliban dito, lumabas rin siya sa ilang TV projects gaya ng Bagets at P.S. I Love You sa TV5.

Kaya masasabi raw niyang nag-improve naman ang acting skills niya.

Sabi pa ni Nadine, “I’ve had a lot of practice na unlike before. Noon kasi baguhan pa lang ako. Wala pang masyadong experience. Parang as my career goes, nadadagdagan yung mga experiences ko.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Nadine matapos ang presscon proper para sa Talk Back and You’re Dead nitong nakaraang Biyernes, August 8, sa 9501 Restaurant, ELJ Building, ABS-CBN compound.

BLESSED CAREER. Ano ang masasabi niya na sa dami ng mga artistang puwedeng bigyan ng break, siya ang napili?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I feel blessed po kasi maraming iba, mas maraming magaganda, mas maraming magaling umarte and yet I’m here.

"I have another movie, ang daming projects na dumarating."

Ano ang nami-miss gawin ni Nadine noong hindi pa siya gaanong busy?

“Before po kasi, I’m careless. Like, I go out lang with my friends na walang iisiping image ko.

“Wala naman kasing image that time. We just go there, sa mall. I’m a mall rat po kasi. I’m always at the mall.

“Ngayon po, nasa bahay lang ako all the time. Although lumalabas pa rin naman ako pero pili yung lugar,” pakli niya.


REAL SCORE WITH JAMES. Isa sa mga naging sentro ng tanungan sa presscon proper ay ang tungkol sa tunay na estado ng ka-loveteam niyang si James.

Napangiti muna si Nadine at saka nagsalita, “Wala, really. It’s just that we’re really close to each other.

“I don’t know, I don’t wanna assume anything. It won’t work naman kung wala,” na ang tinutukoy niya ang pagkakaroon nila ng understanding ng kanyang leading man.

Nagpaparamdam ba si James sa kanya? Nagsimula raw kasi yung sweetness nila sa unang movie nila?

“Well, ako po kasi kung meron, hindi ko siya... I’m not the type of person na ia-acknowledge ko siya na, ’Uy, ganyan siya, ganito siya sa akin.’ I’m the type of person who doesn’t assume talaga.”

Ano ba ang kailangang gawin ni James para maramdaman nitong may intensyon ang guy sa kanya?

Detalye ni Nadine, “Well, he’s maalaga siya. I mean, when we have a scene, he makes sure na yung flow maayos. He takes care of me. Like, he asked me if I’m comfortable with the scene.”

Hindi pa raw sila nag-date ni James dahil naka-focus sila sa kanilang mga careers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag pa ni Nadine, “Right now po kasi, we’re just really working on with our career. Gusto namin talagang mag-focus.

“Kasi I lost the height before yung career ko. I think he did also. We don’t want to lose it na.”

Naniniwala ba si Nadine na para maging maingay ang team-up, kailangan itong totohanin?

Sagot niya, “Ahm, no. Kasi I’m very happy na nakikita nila na may chemistry talaga.

“Kasi bihira kang makakita ng loveteam na bigla silang pagsasamahin and then it will work ’tapos maraming kikiligin. Bihira pa yung ganon.

“I’m happy na gano’n sila sa amin.”

Kinulit siya ng reporters kung nagpaparamdam nga ba si James, aniya, “Ah, yun nga po, I don’t like to acknowledge kasi. That’s my problem. I don’t like to assume. Hindi ako asyumera.”

Malaking tulong ba sa individual careers nila ni James ang pagkakaroon ng team-up?

Mabilis niyang sagot, “Yes po. It is. Being in the loveteam, it’s team work, e. You help each other out.

“Parang because of James, nahatak rin akong pataas. Parang without him, parang I wouldn’t be here po.”

JADINE LOVETEAM. Sikat ang love team nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na binansagang KathNiel.

Paano ikukumpara ni Nadine ang tambalan nila ni James na JaDine?

“Ang advantages po, people are comparing, like what we said kanina sa presscon proper, yung level ng KathNiel, mataas na.

“And for us to be compared to that kind of ano [level], very flattering for us. Kasi we’re beginning, e.”

"COPYCAT" OF KATHRYN? Dati nang pinansin ang pagkakahawig niya kay Kathryn.

Ani Nadine, “Opo. Sinasabi nila copycat. Pero I don’t get affected naman.”

Sinasabi rin ng marami na kamukha niya si Kathryn at magkasingtunog pa sila ng boses?

“Well, I can’t do anything about it. I guess, yung tipo ni Kath at yung sa akin, pansinin, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero a lot of people naman are telling me I don’t [look exactly like her]. Siguro in some angles, I don’t. I really don’t bother naman.”

Paglilinaw pa ni Nadine, “It’s okay. Actually, it’s not really bad. Kasi people notice me kahit bashers ’yan, kahit ayaw nila sa akin at least, they notice me.”

May mga pagkakataon bang napagkakamalan siyang si Kathryn sa public place?

“Oo, like sa mall. ’Ay, Kath pa-picture naman!’

“Hindi po ako si Kath.”

Nao-offend ba siya sa ganitong sitwasyon?

Saad niya, “No, naman. I just feel bad lang for the person kasi baka ma-disappoint siya.”

May conscious effort ba na baguhin niya ang image niya dahil dito?

“Yes po. There is with the hair, with the styling. Pero I think sa features kasi, parang halos pareho,” pahayag pa niya.

Sabi pa ni Nadine, wala pa raw pagkakataon na nagkita at nagkausap sila nang harapan ni Kathryn.

Pero pinanood daw ni Nadine ang mga pelikula ng KathNiel.

“Yeah, nakakakilig naman talaga sila. Even my friends kinikilig naman talaga sa kanila, like yung mga 20 years old, 21, 22? I’m supposed to watch She’s Dating a Gangster but I don’t have time."

Inaasahan na raw ni Nadine na makukumpara ang pelikula nila sa kakalabas pa lang na movie nina Daniel at Kathryn.

Sabi pa ng VIVA princess, “I’m sure maku-compare pero I think I’m not pressured naman by it.”

Kaya ba nilagyan ng maraming kissing scenes ang pelikula nila para maiba sa tema ng mga pelikulang ginagawa ng ABS-CBN stars?

“Actually, the book po kasi, the story is really like that. And I think since I’m 20 [years old] at hindi na ako bata. Hindi na ako pa-teenybopper, yun po. Okey lang naman [sa kissing scenes].”

Ano sa tingin niya ang pagkakaiba nila ni Kathryn?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“With me naman kasi, I’m more mature than Kath. With this movie, mas mature yung ginagawa ko."


BASHERS. Ano yung pinakamatinding bashing na ipinukol sa kanya ng social media?

“Like yung hurtful when someone threatened me and my family. There were some things in the message...I didn’t really read it na. Kasi I saw sa message na, ’Yung parents mo, ganyan-ganyan...’”

Natatakot ba siya?

“No, why would I be scared? I mean, I know naman na hindi talaga. I don’t really copy her. It’s just that we have the same features,” depensa niya.

Bukod pa rito, nasabihan na rin daw si Nadine sa social media na hindi siya maganda.


GOOD KISSER? Samantala, nang matanong si James sa presscon tungkol sa kissing scene nila ni Nadine, sinabi nitong “good kisser” daw ang dalaga.

Ano ang reaksyon ni Nadine dito? Kitang-kita kasi na nagulat si Nadine sa pahayag nito ni James.

Saad niya, “Actually, ang naisip ko why would he say that in front of a lot of people? So, nagulat ako sa sinabi niya. Ok lang po.”

THANKFUL TO FANS. Back to their loveteam, gaano kahalaga ang mga JaDine fans ninyo ni James?

“Kami po ni James, we really love our fans namin.

“Sa amin kasi, kung hindi rin lang naman dahil sa kanila, wala rin naman po kami.

“I mean, Talk Back and You’re Dead TV-wide is always trending, even the shooting, which is really amazing na napapa-trend nila nang gano’n,” pagpapasalamat niya.

Paano niya hina-handle kapag napapaaway ang mga fans nila para lang ipagtanggol sila?

“Well, it’s normal for them na makipag-away kasi kung ako sila, I’m a supporter ’tapos yung mga idols nila bina-bash, I will defend them also.”

Nakipag-away na ba ang fans nila sa KathNiel fans?

“I don’t know. I think so. Kasi hindi naman malayo kasi naku-compare nga kami. Hindi naman malayo na makipag-away sila,” pagwawakas niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN