Marian Rivera tears up over birthday messages of best friends Ana Feleo and Roxee B

Naging emosyunal si Marian Rivera dahil sa mensahe ng itinuturing niyang best friends na sina Ana Feleo at Roxee B sa birthday celebration ng Kapuso Primetime Queen sa Marian ngayong gabi, August 9.


Bukod sa proposal ni Dingdong Dantes sa kanya, naging emosyunal din si Marian Rivera sa birthday celebration niya sa programang Marian ngayong gabi, August 9, dahil sa mensahe ng mga pinakamalalapit na tao sa kanyang buhay.

Kabilang na rito ang kanyang ina na si Amelia Rivera, ang lola niyang si Francisca Rivera, at ang best friends niyang sina Ana Feleo at Roxee B (dating Roxanne Barcelo).

Si Roxee B ay nakasama ni Marian sa mga teleseryeng Darna (2009) at Amaya (2011).

Si Ana, anak ng direktor na si Laurice Guillen at ng yumaong aktor na si Johnny Delgado, ay naging kaibigan ni Marian nang magkasama sila sa Amaya.

Mensahe ni Roxee para kay Marian, “Kasi siya yung tao na, literal, literal, nasa ‘yo na ang lahat—literal ‘yon.

“Mula sobrang loyal na kaibigan, sobrang bait na kaibigan talaga, mabait na anak, mabait na Christian, napaka…

“Siya ang nagdala sa akin na magsimba ulit, ‘yon.

“Ang gimik namin dati, magsimba talaga.

“Hindi ko siya nakasama sa gimikan talaga na umiinom or anything…

“Ang wish ko sa ‘yo, makuha mo pa ang mga isinulat mo dati sa notebook nung bago ka magsimula maging artista.

“Yung clubhouse mo, wish ko matuloy na ‘yan dahil ikaw lang ang bukod-tanging kaibigan ko na magkakaroon ng clubhouse!”

Pahabol pa niya, “At saka gusto maging ninang ng twins! Twins, ha, not one, but two!”

Sabi naman ni Ana sa kaibigan, “Sana peace, ‘tsaka lahat nung hurt, kasi alam kong ang dami mong pinagdaanan.

“Alam ko na ang tibay-tibay mo, napakatibay mong tao.

"Kasi kahit ano ang ibato sa ‘yo, kahit nag-iisa ka lang, or kahit dalawa lang kaming kaibigan mo, nandiyan kami para sa ‘yo, pero kinaya mo lahat.

“And nandito ka ngayon, bumabalik sa iyo yung sinasabing, ‘Quiet lang tayo, quiet ka lang, kasi good karma, good karma, mahal tayo ng Diyos.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ibinigay sa iyo ngayon.

“So, peace, more love, and gusto ko sanang maging ninang… ninang ng babies mo, ha!” hirit pa niya.

Napaluha naman si Marian sa mensahe ng mga kaibigan niya.

Dagdag niya sa sinabi ni Ana, “Nakakatuwa, kasi ang dami ko talagang pinagdaanan.

“Marami akong pinagkatiwalaan, marami akong itinuring na kaibigan na hindi pala.

“Pero alam mo yung nandun silang dalawa.

"Parang sabi nila sa akin, lalo na si Ana na, ‘Yanyan, kahit dalawa lang kami dito palagi, ang importante, totoo kami sa ‘yo at mamahalin ka namin hanggang dulo.”

Dagdag pa ni Marian, “Wala akong pakialam kahit isang libo silang magkakaibigan, basta kayong dalawa, nasa akin kayo!”

Sagot naman nina Ana at Roxee, “Mahal ka namin… forever.”

Sa mga nakalipas na taon ay ilang beses napabalitang nagkaroon ng iringan o alitan sa pagitan ni Marian at mga kapwa niya artista.

Kabilang na rito sina Heart Evangelista, Bela Padilla, Sam Pinto, at ang pinakabago ay si Lovi Poe.

Magdiriwang ng kanyang 30th birthday si Marian sa August 12.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN