Jennylyn Mercado denies reconciliation with Dennis Trillo

Jennylyn Mercado denies getting back together with ex-boyfriend Dennis Trillo: “Naku hindi totoo ’yan! Hindi ba puwedeng maging magkaibigan kami ni Dennis? Hindi naman porke’t nakikita mo ako at yung tao na magkasama ibig sabihin na nagkabalikan na.”


Isa raw sa qualifications para mabighani ang puso ni Jennylyn Mercado ng mga lalaking nagkakagusto sa kanya ay ang tanggapin si Alex Jazz, ang kanyang four-year-old son.

Panimula ni Jennylyn nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng bago niyang endorsement, ang ZH&K Mobile, noong August 8, “Actually, sa ngayon hindi talaga ako nag-e-entertain ng manliligaw.

“Hindi pa kasi ako handa! ’Wag muna.”

May mga nagpaparamdam sa kanya pero no time for love daw siya sa ngayon.

Kuwento niya, “May nagti-text-text, may tumatawag-tawag at nagpapa-cute, pero sinasabi ko naman sa kanila straightforward na hindi pa talaga ako handa, at alam ko na naiintindihan naman nila.

“’Tsaka siguro if ever na ready na ako, kailangan kung sino man yung manliligaw sa akin, dapat tanggapin nila kung ano ako, kung anong meron ako ngayon, dapat tanggapin nila yun.

“At dapat tanggapin nila yung pamilya ko. Yun yung mahalaga sa akin. Package yun, package deal!

“Alam ko rin naman na alam nila na bago sila manligaw, alam nila yung sitwasyon ko, mahirap pero dapat tanggap nila.

“Pero sa ngayon kasi hindi kasi lovelife yung priority ko, mas marami pa akong priority sa buhay at hindi kasama ang lovelife dun.

“Mas maganda kasi if naka-focus muna ako sa anak ko, sa pamilya ko, at sa trabaho ko."

BLESSINGS. Masaya si Jennylyn dahil marami siyang proyekto na pinagkakaabalahan.

Sa pagpapatuloy ng Kapuso actress, “Like ngayon, masuwerte ako kasi sunud-sunod ang trabaho ko—maraming endorsements ang dumarating like ito ngang ZH&K—na after ng pictorial namin kanina diretso na ako dito sa presscon.

“Thankful ako sa may ari ng ZH&K kasi sa dami ng mga artista ngayon, pinagkatiwalaan nila akong maging endorser ng kanilang produkto together with Manny Pacquiao.

“And may mga movies akong ginawa at ang alam ko, may bago akong teleserye sa GMA [Second Chances] with Raymart Santiago, Rafael Rosell, Luis Alandy, and Camille Prats.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Meron din akong concert this October 10 pero inaayos pa yung venue.

“Abangan na lang nila yung mga magiging guests ko kasi inaayos pa rin namin pero puro pasabog.

“Kakaibang Jennylyn ang mapapanood nila rito, kaya dapat nilang abangan.

“May lalabas din akong album under GMA Records, combination of original composition at revival songs.

“Pero mostly love songs, kasi alam naman natin ang mga Pilipino mahilig sa mga masasakit na kanta.

"Lahat halos ng kanta ko sa album, puro about heartbreaks.

“Yung three original songs, si Vehnee Saturno yung nag-compose."

DREAM ROLE. Isa pa sa ikinatutuwa ni Jennylyn ay ang upcoming movie nila ni Derek Ramsay, ang English Only Please.

“Ito na yung dream role ko, yung sa pelikula namin ni Derekna intended for Metro Manila Film Festival 2014.

“Comedy kasi siya, bale ito ang first comedy ko sa sampung taon na nasa showbiz ako.

“So happy ako kasi yung dream role ko ito na yung sagot.”

NO RECONCILIATION WITH DENNIS. Samantala, pinabulaanan ni Jennylyn ang balitang nagkabalikan sila ni Dennis Trillo.

Diin niya, “Naku hindi totoo ’yan! Hindi ba puwedeng maging magkaibigan kami ni Dennis?

“Hindi naman porke’t nakikita mo ako at yung tao na magkasama, ibig sabihin na nagkabalikan na!

“Hindi pa ako ready ma-in love muli, zero ang love life ko, magkaibigan lang kami ni Dennis.

“Porke ba’t magkaibigan kami ni Dennis kailangan nagkabalikan na? Puwede namang magkaibigan, ’di ba, kahit hindi nagkabalikan. Like si Mark [Herras] magkaibigan lang kami."

Muli, inulit ng unang StarStruck female survivor ang tila ay mantra niya sa ngayon.

“Ayoko munang ma-in love. Mas gusto ko na single ako at mas nakatutok sa trabaho."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN