Yassi Pressman denies rumors linking her to Derrick Monasterio

Yassi Pressman denies rumors that she and Derrick Monasterio are an item. Instead, she clarifies that it’s her sister Yssa whom Derrick dates regularly. Yassi says, “Ako, matagal ko nang kilala si Derrick and I think he’s a really nice guy.”


Isang Kapuso star si Yassi Pressman, pero dahil sa press conference ng bago niyang pelikula, ang Talk Back and You’re Dead na co-produced ng VIVA Films at Skylight Films, nasa bakuran ito ng ABS-CBN, sa 9501 Restaurant, ELJ Building, noong August 8.

Pero hindi na rin daw bago kay Yassi ang tumuntong sa Kapamilya network.

Aniya nang nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Noon, I played small roles like in Gulong ng Palad. Masaya! At nakalimutan ko, nag-Munting Miss U nga pala ’ko rito, siguro six years old pa lang ako.

“Pero noon kasi, hindi talaga ako nag-focus as artista. More on small roles lang talaga kasi nag-aaral ako.

“Parang dito rin ako nag-start, pero sa GMA ako na-launch as Yassi Pressman.”

NEW ROLE. Kapatid daw ni Yassi sa Talk Back and You’re Dead si Joseph Marco, at may bad side daw ang karakter niya.

Ang kuwento pa ng actress/dancer, “Well, actually, mabait naman yung character ko rito, pero galit lang siya lagi kay Samantha [Nadine Lustre].

"Si Samantha kasi, gusto niya, siya palagi ang number one, over-achiever siya. Ako rin...

“So parang kami yung pinaka-competitor.

MISSING ANDRE. Silang tatlo na lang nina Nadine at James Reid ang natira dahil hindi na nila kasama si Andre Paras, na kelangan daw i-pull out dahil bukod sa may taping ito para sa The Half Sisters, may school at basketball training pa ito.

Nalunsad ang apat sa pelikulang Diary ng Panget nitong Abril 2014.

Sabi ni Yassi, “Yung reason talaga kaya wala si Andre, para maiba siya dun sa Diary...

“Pero siyempre, sobrang nami-miss namin siya. And he makes sure na sobrang nagme-message pa rin siya sa amin and we have a group chat, at nagkikita pa rin kami sa MTV and nakakalungkot na hindi namin siya kasama.

“Hindi kami sanay na walang nakakatawang guy who’s always on the set."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero alam naman niyang hindi iyon ang huling pelikula na magkakasama sila.

Dagdag ng dalaga, "Masaya kasi meron pa ring darating na bagong projects.”

Siya ang nawalan ng ka-loveteam ngayon...

“Dito ang gusto ko naman, si James. So isa pa yun sa mga reason kung bakit ayoko kay Samantha kasi, gusto niya rin si James.

“So doon kami lalong nagkaroon ng competition,” patuloy pa niya.

LEADING LADY OR KONTRABIDA? Tinanong namin si Yassi kung ayos lang ba sa kanya na si Nadine ang pinu-push bilang leading lady?

“Of course, okay lang yun sa akin and sobrang happy ko naman kasi ang VIVA, may plans din for me and Andre.

“Pero hindi pa siya sure kaya ayoko munang magbitiw ng kahit na ano,” bitin niya.

Kaso, tila kontrabida ang karakter niya ngayon sa bago nilang pelikula. Hindi kaya ito ang maging forte niya?

“Ayaw nga nilang magkaroon ng negative side, kasi si Audrey, masungit siya, mataray siya. She has a strong personality kaya yun ang difference,” sabi pa ni Yas.

NO COMPETITION. Sa kanilang tatlo, mas konti bang pressure ang nararamdaman niya dahil sina Nadine at James ang magdadala ng pelikulang ididirehe ni Andoy Ranay?

Aniya, “No, kasi ang character ni Audrey, interesting siya. May twist ang character niya and it’s actually the most complicated role that I’ve played.

“Kasi marami siyang sub-text. Kung ano ang sinasabi ni Audrey, hindi palaging yun ang ibig niyang sabihin.

“So yun ang sinasabi ni Direk Andoy na kailangan, ma-transfer talaga sa mukha kung ano ang totoong gustong iparating ni Audrey.”

Sa Diary ng Panget, sina Nadine at James ang lumabas na bida, hindi ba naging isyu sa kanya yun?

“No naman, because people don’t really say that sa amin. Parang ang suporta ng buong fans, JaDine and Yandrei, and four of us together,” pahayag pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PRESSURED? Kaya naman, maging siya ay kinakabahan rin daw sa magiging outcome ng pelikula sa takilya.

“Well, mas pressure kami ngayon kesa sa Diary, because meron kaming napatunayan sa Diary. So, parang ini-expect din ng VIVA sa amin na pantay or more.”

Mapapantayan o mahihigitan kaya nila ang Diary ng Panget?

“Sana. Yun talaga ang ini-expect, inaasahan namin dahil parang ang following ng Diary, meron na, gusto pa naming madagdagan and siyempre, with the help of VIVA and Skylight, so parang ini-expect namin na it’s gonna be big.”

ON DERRICK. Itinanggi naman ni Yassi ang isyung nag-uugnay sa kanila ni Derrick Monasterio.

Sa halip, sinabi nitong ang talagang nakaka-date ni Derrick ay ang kapatid niyang si Yssa Pressman.

Sila na ba?

“Sila na ba? Hindi pa,” nakangiti niyang sabi.

Boto naman siya kay Derrick?

“Ako, matagal ko nang kilala si Derrick and I think he’s a really nice guy,” pagpuri niya.

Kumusta naman ang love life niya ngayon?

Tanggi niya, “Wala, wala pong love life. Aside from this movie, meron din pong MTV. At saka, right now, wala pa rin po talaga sa isip ko.

“Siguro, merong nag-a-attempt, pero wala akong ine-entertain."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN