Christian Bautista on Dingdong Dantes’s marriage proposal to Marian Rivera on national TV: “Grabe! Historic, historic moment!”

Christian Bautista was a co-host at Marian Rivera’s show, but had no inkling as to what Dingdong Dantes had planned last night, August 9. “Pero siyempre mapu-put two and two together mo na e na, ‘Bakit nandito lahat ng pamilya, bakit nandito lahat ng boss? Bakit nandito si Dingdong?’ Alam ko na birthday celebration ni Marian pero nag-iisip-isip na rin ako, ‘Magpu-propose kaya ito?’ So iyon nga ang nangyari.”


Sa ginawang wedding proposal ni Dingdong Dantes sa girlfriend nitong si Marian Rivera sa Marian dance show kagabi, August 9, tinanong namin si Christian Bautista, na isa sa mga naging guest.

May ideya ba siya sa proposal na magaganap?

“Hindi ko alam,” sagot ng singer na co-host ni Marian, kasama si Paolo Ballesteros, sa show.

Dugtong niya, “Pero siyempre mapu-put two and two together mo na e na, ‘Bakit nandito lahat ng pamilya, bakit nandito lahat ng boss? Bakit nandito si Dingdong?’

“Alam ko na birthday celebration ni Marian pero nag-iisip-isip na rin ako, ‘Magpu-propose kaya ito?’

“So iyon nga ang nangyari.

“Grabe! Historic, historic moment!”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Christian kagabi pagkatapos mismo ng Marian sa Studio 7 ng GMA Network Center.

ON DINGDONG’S PROPOSAL. Mixed emotions daw ang naramdaman ni Christian habang nagaganap ang proposal.

“Ako, halu-halo, parang, shock, ‘O, sigurado gagawin niya ito ngayon? On national TV?’

“’Tapos very happy for both of them, talagang anyone naman talaga na who gets married is a joyous occasion so I’m very, very happy,” deklara pa ni Christian.

Biniro namin siya kung wala ba siyang naramdamang inggit.

“Hindi, ayoko namang sabihing inggit pero gusto kong sabihin, sana dumating, dadating, kine-claim ko na dadating din ako sa ganun,” saad niya.

NAPAKATOTOO NIYANG TAO.” Bilang co-host ni Marian, ano ang masasabi niya tungkol sa aktres?

Ani Christian, “Ako, ang dami kong nakita sa kanya na nakakatuwa, na talagang nakilala ko siyang mas close and yun nga, napakatotoo niyang tao.

“Napakatotoo niyang tao. Iyon lagi ang sinasabi ng lahat ng tao at naranasan ko ’yan first hand.”

Anong masasabi niya tungkol sa mga intriga na kesyo suplada at mataray raw ang Kapuso Primetime Queen?

“Ako kasi, lahat ng tao, iba ang ugali.

“Sorry, lahat ng tao, ang personality iba-iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako tahimik, tahimik ako. Dahil tahimik ako, ang sabi ng tao sa akin suplado ako, mayabang ako. Nami-misinterpret.

“So sasabihin ko nami-misinterpret lang siya kasi hindi siya nakakasama nang ganito na malapit.

“So kahit sinong magsabi ng kahit ano, pag hindi n’yo siya nakakasama, walang basis iyon,” paliwanag niya.

At pareho silang taga-Cavite.

“At pareho kaming taga-Cavite,” sabay tawa ni Christian.

Pagpapatuloy pa ni Christian tungkol sa pakikipagtrabaho niya kay Marian.

“Ang sarap, ang sarap working! Pero it’s gonna be different now kasi I’m now co-hosting with a fiancee,” at muling tumawa si Christian.

“Alam mo yun? So medyo mag-iiba ng konti. Pero happiness talaga all around.”

MESSAGE FOR THE COUPLE. Ang mensahe niya para kay Marian:

“Marian, the fiancee, congratulations! I wish you and Dong a wonderful marriage, a wonderful family.”

At ang mensahe naman niya para kay Dingdong…

“Idol! Ang hirap ng ginawa niya. Sabi ko sa kanya kanina, ‘Wow, you did it, you did it!’

“Parang siyempre all that emotion, ’di ba? ’So you did it bro, congratulations!’

“So parang, ‘Idol!’”

PLANS. Kumakanta, umaarte, at naghu-host si Christian— alin ang pinakagusto niya?

“Siyempre singing muna, second is hosting actually, and then acting.

“Pero in between that or lahat yun, nakapatong sa teatro pa rin. So sa teatro pa rin ang pinakagusto ko talaga,” pag-amin niya.

May pinaplano raw ang GMA na bagong teleserye kung saan kasama siya.

“We’re gonna meet about it pero hindi pa namin puwedeng masabi for now. So we will see in the next few weeks. Sa teatro, wala pa."

“Singing, a new album by October po lalabas under Universal [Records].”

Dalawang taon pang nakakontrata sa GMA si Christian.

At sa isang taon na niyang pagiging exclusive contract artist ng GMA, masaya si Christian.

“They’ve taken care of me so much. I can really see a good future also with GMA and I’m excited for [the] next two years.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagsisimula pa lang tayo,” ang nakangiting sabi pa ni Christian.

ON MARK. Dati ring co-host ng Marian si Mark Bautista pero kinailangan nitong i-pursue ang stage acting career nito sa London.

“Mixed, e,” pagtukoy ni Christian sa naramdaman niya sa pag-alis ng kaibigan.

“I’m happy that he’s getting this opportunity, I am sad kasi another friend is, you know, leaving. So iintayin ko na lang silang dalawa.”

Si Rachelle Ann Go ang isa pang malapit sa kanya na umalis rin ng Pilipinas at kasalukuyang nasa London para sa Miss Saigon.

NO LOVE LIFE. Kinumusta naman namin ang personal life ni Christian.

Ayon sa kanya, wala siyang girlfriend at wala ring nililigawan sa kasalukuyan.

“”Ngayon trabaho lang talaga as of the moment. Wala akong nililigawan.

"Pero ang ginagawa ko is getting a lot of alone time, time with family, friends.

"Parang naghahanap ng ano, the next direction, whether personal or public, so nasa parang soul-searching ako ngayon, ganun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN