Dennis Padilla continues fight for his parental rights

Dennis Padilla on legal battle with his own children: "Ako, I have to be strong, kasi tatay ako, e. I have to show to my children na I have strength para ma-inspire mo sila. Kumbaga, sabi ko nga, medyo sariwa pa ang sugat, hayaan na muna nating maghilom."


Kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Dennis Padilla ang mga bagong kaganapan kaugnay ng mga petisyong isinumite ng kanyang mga anak na sina Julia at Claudia sa Quezon City Regional Trial Court para palitan ang kanilang apelyido mula Baldivia sa Barretto.

Matatandaang sa hearing ng Petition of Change of Name ni Julia noong July 18 ay tinanggap ng korte ang motion to intervene na isinumite ni Dennis.

Nito namang August 1 ay nagsumite si Dennis ng Petition for Relief from Judgment dahil nito lamang niya nalaman na noong August 2013 pa pala nagsumite si Claudia ng petisyon para mapalitan ang apelyido nito at nadesisyunan na kaagad ito ng korte.

Read: Dennis Padilla vows to fight for his paternal rights amid daughters Julia and Claudia’s petition to change name

Nakausap ng PEP si Dennis sa awards night ng 10th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival, sa Cultural Center of the Philippines, kagabi, August 10.

Saad niya, "Okay naman ako, basta hayaan na muna natin.

"Ako, I have to be strong, kasi tatay ako, e.

"I have to show to my children na I have strength para ma-inspire mo sila.

"Kumbaga, sabi ko nga, medyo sariwa pa ang sugat, hayaan na muna nating maghilom.

"Basta, ako, nag-file na ako ng motion, hintayin na lang natin kung ano ang magiging resulta.

"Hanggang ngayon, naghihintay pa rin kami ng schedule ng hearing."

Sa tingin ba ni Dennis ay papanig sa kanya ang korte?

Nag-aalangang sagot niya, "Fifty-fifty. Hindi ko rin alam.

"Basta ako, ginawa ko lang kung ano sa tingin ko ang karapatan ko, so nasa kanila na ang desisyon."



STILL POSITIVE. Positibo pa rin daw siya na isang magandang resulta ang katatapusan ng usaping ito.

Aniya, "Well, kaya nga siguro hinayaan ng Panginoon na magkaroon ng ganitong pagsubok, siguro meron itong pupuntahan na maganda.

"Sabi nga nila, pagkatapos ng bagyo ay meron namang araw na susunod.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, naniniwala ako na darating din yung magandang sikat ng araw na yun."

Sa puntong ito ay inalam namin kay Dennis kung ano ang nasasabi ng pamilya niya tungkol sa ganitong kaganapan sa kanyang buhay.

Saad ng 52-year-old comedian, "Okay naman, naiintindihan naman nila kung bakit ko ito ginagawa.

"Naiintindihan nila ang sitwasyon ko at very supportive naman sila.

"Heto na ang pinakamatinding pagsubok ko at hindi ko naisip na darating ako sa point na ito.

"Kaya nga, hayaan na lang natin ang korte at hintayin ko na lang kung ano ang magiging desisyon."

Malaki pa rin daw ang paniniwala niya na hindi lumayo ang loob sa kanya ng mga anak niya sa dating asawang si Marjorie Barretto.

"Hindi naman, wala namang ganun.

"Ngayon, wala kaming komunikasyon, naputol, pero mahal pa rin nila ako.

"Iisa lang naman ang tatay nila at hindi yun mapapalitan.

"Siyempre, nasasabik ako sa kanila, pero darating din yung takdang panahon na maaayos lahat ng ito."

Inalam ng PEP sa kanya kung mayroon ba siyang galit na nararamdaman para kay Marjorie dahil sa mga nangyayaring ito.

Sagot ni Dennis, "Wala naman.

"Wala naman akong mensahe sa kanya, wala akong naiisip.

"Ganun talaga, may mga pagsubok na dumarating sa atin na hindi natin inaasahan.

"Kailangan mo lang talagang maging malakas."

Naiinsulto ba ang kanyang paglalaki dahil sa pangyayari?

Mabilis niyang sagot, "Hindi naman, kaya naman ng pagkalalaki ko ito.

"Sana nga ay maresolbahan na kaagad.

"Sana matapos na ang problemang ito.

"Sana of these days ay magkausap kami ng mga anak ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN