Arron Villaflor shuns gay roles; hopes to establish career as character actor

While seemingly Arron Villaflor is being left behind as one of Kapamilya’s Giggers Boys, he is happy that his groupmates Enchong Dee, Sam Concepcion, and Enrique Gil have gone on to lead roles. "Time nila yun at naniniwala ako na darating din ang time ko," he says.


Willing daw gampanan ng Kapamilya actor na si Arron Villaflor ang lahat ng roles na ibibigay sa kanya, huwag lang ang role ng isang bading.

“Okey naman sa akin kahit anong role ang ibigay nila, kasi trabaho ’yan.

"Kaya dapat hindi tinatanggihan lalo na’t maganda ang role na ibibigay sa ’yo at kakayanin mo.

“Basta as long as hindi gay role, okey lang!" tawa niya.

Paliwanag ng Star Circle Quest alumnus, “Hindi naman sa ayaw ko siya, pero hangga’t maaari, iniiwasan ko, kasi mas mahirap.

“’Tsaka I’m done with gay role, nasubukan ko na siya, kaya okey na yun.

“I did this movie Mamarazzi [2010] with John Lapus and Eugene Domingo, gay yung character ko dun.

"Very challenging at na-challenge talaga ako nung ginawa ko yun.

“Pero after that, sabi ko, ang hirap pala!

"That’s why sabi ko sa sarili ko, no gay roles muna.

“I decided to let go of the gay roles, hayaan na lang natin sa iba na mas gustong mag-gay role.

“Like dito sa Pure Love," patuloy niya, "nice guy naman ako, mysterious guy na kakaiba sa nagawa ko na.

“Masasabi ko na mature ang napapanood nila dito bilang si Ronald.

“Yun ang maganda kasi iba naman ito sa mga nauna ko nang nagawa.

“Kaya nga thankful ako sa ABS-CBN, kasi hinahayaan nila akong bigyan ng iba-ibang role.

"Hindi lang basta role, very challenging role.

“Napa-practice ko yung acting skills ko doing different characters sa bawat proyektong ibinibigay nila sa akin."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Arron sa presscon ng Mario D’ Boro/Cardams/Liberte, na ginanap sa Ibarra`s Garden sa Ermita, Manila, noong August 9.

Image model ng naturang brand si Arron, kasama sina Richard Poon, Gretchen Ho, at Kim Rodriguez.

KONTRABIDA. Mas gugustuhin pa raw ni Arron na magkontrabida sa mga proyektong ibibigay sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag niya, “Katulad ng sabi nila, mas mahaba ang itinatagal ng career ng kontrabida, kasi sa bawat nagbibida, kailangan may kontrabida.

“Walang pressure. ’Pag kontrabida ka at ’di kumita yung pelikula o hindi nag-rate yung show, sa bida isinisisi.

“Bukod sa mas challenging ang magkontrabida.

“Kaya para sa akin, ibinibigay ko na yung pagbibida sa iba at akin na lang ang pagkokontrabida.

“Nun, hindi ko na-realize to go for this kind of character, kasi everybody, gusto bida, so ako dapat ganun din.

“Kasi marami ang nagsasabi na nice guy ang bagay sa akin. Papogi, pa-cute, ayos na. Yun pala, hindi ganun.

“Pero okey din naman sa akin if may opportunity na mabigyan ako ng bida roles para maiba naman.

"Pero hindi ko siya priority, mas gusto ko yung kinaiinisan ako ng mga manonood.

"Kasi, the more na naiinis sa akin, alam kong effective yung acting na ginagawa ko."

Isa daw sa dream role ni Arron ang katulad ni Joker sa Batman.

“Isa talaga sa dream role ko ang gampanan yung [katulad ng] role ni Heath Ledger sa Batman movie bilang Joker.

"Kasi, feeling ko, very challenging yung character niya doon bilang Joker.

“’Pag nagawa ko yun, happy na ako, kasi at least, nagawa ko na siya."



SECURE. Hindi rin daw nagseselos si Arron sa kanyang mga kasamahan sa Gigger Boys na sina Enchong Dee, Sam Concepcion, at Enrique Gil na nagbibida na sa mga teleserye at pelikula.

saad niya, "Ibigay na natin sa kanila yung pagbibida, kasi mas gusto ko talaga ang magkontrabida.

“Ako naman kasi, hindi ako yung tipo ng tao na naiinggit dahil may magandang nangyari sa isang tao, lalo na sa mga kasamahan ko.

“I’m happy for them kasi they have their own journey and I also have my own journey.

"Kung saan man kami abutin, dapat maging masaya kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At ako, anuman ang abutin ng journey ko, masaya ako dun.

“Mas natutuwa nga ako kapag may mga kasamahan akong umaasenso.

"Time nila yun at naniniwala ako na darating din ang time ko."

Dagdag pa ni Arron, “Hindi kasi ako pabor sa crab mentality.

"Dapat dito sa showbiz, nagtutulungan, hindi naghihilahan pababa.

“Kasi alam ko happy din naman sila if may magandang nangyari sa career ko, kasi mga kasamahan ko sila.

“Kaya nga do something para umangat at mapansin ka katulad nila.

"Dahil darating din naman yung time na mapapansin ka basta galingan mo lang.

“Desisyon naman natin if gusto nating mapansin, kasi tayo yung gagawa nun at hindi yung ibang tao.

"So, kailangan talaga you have to be good sa lahat ng ibigay sa iyong proyekto."

BLESSINGS. Pakli pa ni Arron, masuwerte naman siya dahil sunud-sunod ang trabaho niya.

"At magaganda yung projects na binibigay sa akin ng ABS CBN.

“Lagi ko ngang sinasabi, ’Lord, bigyan Mo ako ng project.’

"Hindi naman kasi ako naghahangad na bida. Kahit ano, basta may project, masaya na ako.

"Kaya every time may project ako, alam kong blessings ’yan, galing kay Lord.

"Kaya nga in every project, ibinibigay ko yung best ko bilang pasasalamat sa blessings.

“At jackpot na ako ’pag nagustuhan ng tao yung role ko, yung tatatak sa isipan nila kung ano yung character na ginampanan ko.

“’Tsaka sa dami ng mga artista ngayon, dapat may talent ka para tumagal ka, kaya ako I always study my lessons [scripts].

"Every time na may project ako, gusto ko may kasunod at mangyayari lang yun ’pag maganda ang trabaho mo.

“Naniniwala kasi ako sa kasabihan na if it’s God’s will, mangyayari ’yan, walang imposible sa Diyos.

“’Tsaka dapat laging good vibes. ’Yang inggit, negative vibes, ’yan, walang maidudulot na maganda sa atin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SINGLE. Samantala, pagkatapos nilang mag-break ng kanyang huling girlfriend noong June ay wala pa raw sa isip ni Arron ang magkaroon muli ng karelasyon.

Saad niya, "As of now, ayoko muna, ’tsaka na lang, pahinga muna!

“Mas marami pa kasing dapat asikasuhin, like mas gusto ko munang pagtuunan ng oras yung career ko.

“Sabi nga natin, nandiyan lang ’yan. Mas maganda huwag hanapin dahil kusa namang darating ’yan.

“Happy nga akong single, kasi mas nakakapag-concentrate ako sa trabaho at sa pamilya ko.

“Mas priority ko muna sa ngayon ang career at family."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN