Cinemalaya festival director Chris Millado explains upload of past Cinemalaya entries on the Net

Cinemalaya festival director Chris Millado on negative reaction of filmmakers to the uploading of past entries on the Net: "Merong rationale kung bakit ginagawa yun, ’no. Dahil naghahanap tayo ng mas malawak na paraan para magkaroon ng mahabang shelf life ang ating mga pelikula."


Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Chris Millado, vice president at artistic director ng Cultural Center of the Philippines (CCP) at festival director ng Cinemalaya X, sa awards night ng 10th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival, kagabi, August 10.

Kinunan namin siya ng pahayag tungkol sa kontrobersiyal na pag-a-upload ng Cinemalaya entries, noong 2012 at 2013, sa YouTube noong August 9 at sa mismong website ng Cinemalaya noon pang Hulyo ng taong kasalukuyan.

Dahil sa nangyari, umalma ang ilang filmmakers, ‘tulad nina Jose Javier Reyes, Derick Cabrido, Emmanuel dela Cruz, Alemberg Ang, at ang film producer-talent manager na si Noel Ferrer.

Hiningi nila, sa pamamagitan ng social media, ang paliwanag ng Cinemalaya organizers kung paano at bakit nangyari ang pag-a-upload na ito nang walang pahintulot mula sa kanila.

Dahil daw kasi rito ay mabibigyan ng pagkakataon ang ilang netizens upang makagawa ng illegal duplications ng kanilang pelikula.

Pahayag ni Chris tungkol sa isyu, “Well, siyempre, naiintindihan ko where they are coming from.

“It’s very sensitive, of course, yun.

"Yung dating kasi ay parang ipinamumudmod natin nang libre yung mga pelikula na parang walang katuturan.

"Pero ibig sabihin ay merong rationale kung bakit ginagawa yun, ’no.

"Dahil naghahanap tayo ng mas malawak na paraan para magkaroon ng mahabang shelf life ang ating mga pelikula.

“Alam mo naman, pagkatapos mag-close itong dalawang linggong festival, nawawala na.

"Hindi mo na mahanap at marami ang taong naghahanap kung saan ba nila makikita ito.

"So, sa paghahanap namin ng paraan, ang naisip ng Cinemalaya Foundation is to look the best way to maximize.

"May kontrata kasi kami sa filmmakers na may hawak kami sa distribution, at least for a year.

"So, naisip namin na bakit yung past films, ba’t hindi natin ilabas, kunyari sa YouTube, yung platforms nang libre muna.

"Pero hindi ibig sabihin na libre ito na pangmatagalan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy niya, "Yung ‘tulad ng ginagawa ng ibang filmmakers, parang libre muna, then, later, nagtsa-charge na sila.

"Yun ang naisip namin, na parang patikim muna, then hopefully we get enough hits for us to be able to raise some kind of revenue, na maski paano ay merong share naman yung revenue na yun if we reach a certain amount of hits.

"In short, we are trying to tap a popular platform of distribution.

"Hindi lang siguro nagkaroon ng pagkakaintindihan with our filmmakers, dahil hindi nila nakita yung rationale at this point.

“Kaya naintindihan namin where those feelings are coming from.”



FORUM. Ano naman ang plano niyang gawin para magkaroon ng settlement sa pagitan ng Cinemalaya at ng filmmakers/indie film producers?

Ani Chris, "Dahil nga sa initial reactions, we took it down muna.

"It’s still up there [sa YouTube at Cinemalaya website], pero it’s not accessible for public viewing muna.

"We are going to call for a forum with the fimmakers para magkaroon ng pagkakaintindihan.

"Right now, they [the directors] have not communicated with us officially.

“Lahat ng ito ay nabasa lang namin sa kani-kanilang Facebook accounts.

“But, of course, we look it that way as a means of communicating with us.

"Now, we listen to it.

"Siyempre, merong... from a reasonable person ’yan na nagtatanong to a violent, very emotional, but we look at it as..."

Dagdag pa ng kilalang stage director-playwright, "Now, kung paano yung pag-open ulit nung films for the public will depend kung ano ang mapapag-usapan namin.

"Wala naman silang demand, they were just asking.

“Kasi, apparently, they know it is legal ‘coz they signed a contract, they are aware of that na part talaga yun ng contract.

"I think, they were just asking na, ’Paano ’yan, wala bang returns ’yan?’

"So, these things need to be clarified.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Paano na yung question tungkol sa piracy. Ida-download nang ida-download na lang ’yan.

"These things need to be clarified."



ANTI-PIRCAY. Nakikita raw ni Chris ang punto sa usapin tungkol sa piracy, pero ipinagdiinan niyang maging sila ay against piracy.

Mariing sabi niya, "We are against piracy.

"Kaya lang, the moment na available siya, ida-download nang ida-download, and anything can be pirated kahit gaano ka-secure ’yan.

"But, then again, sinasabi ko nga, aba’y kung ’yan ang laging takot natin, di ’wag na lang natin ilabas at all."

Sa tingin niya, paano ba makakaapekto ang isyung ito sa relasyon ng Cinemalaya organizers sa filmmakers?

Saad ni Chris, "We look at it as a way of engaging with our filmmakers.

"Part ’yan ng growth pains, e.

"Remember, we’re always looking for a way to expand.

"Siguro, yung strategy na ito created a stir, pero ganun siguro ’pag lumalaki ka na o nagbibinata at nagdadalaga, kailangang may maramdaman kang mga sakit."

Kung naiintindihan daw nila ang damdamin ng filmmakers sa isyung ito, sana raw ay maintindihan din ng mga ito kung bakit umabot sila sa ganung desisyon.

Sabi ni Chris, "Yeah, that’s why it should be in a way of a dialogue.

"When we find ourselves in this situation, it is an opportunity for us to keep on growing, ’di ba?

"And when we grow with the filmmakers, sila itong nag-provide ng lahat, sila ang naghirap nito, so it’s always an opportunity for us to grow all.

"May mga dapat lang maintindihan para sa benefit ng ating mga manonood."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN