Anne Curtis on ‘lasenggera’ tag: “I had worse, so it’s not an issue at all.”

Tinatawanan na lang ni Anne Curtis ang isyung hiwalay na raw sila ng nobyong si Erwan Heussaff. Mas pinili lang daw nilang maging pribado ang kanilang relasyon kaya walang katotohanan ang mga kumakalat na balita.


Hindi pa rin mamatay-matay ang isyung hiwalay na diumano si Anne Curtis at ang kasintahang si Erwan Heussaff.

Apat na taon na ang relasyon ni Anne sa food blogger at kapatid ni Solenn Heussaff.

Kagabi, August 11, nilinaw ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Anne ang isyung ito.

Sabi niya, “A, talaga? Na naman?

“You know, I think that just keeps on happening because we’re not a showbiz couple.

"So, we’re not… we don’t post on each other’s mushy Instagram pictures, but that’s by choice.

“We choose to keep it private, every now and then ’pag birthday or…

"But I don’t think it [rumors] will ever stop as long as we’re private.

"So, okay lang. Siya [Erwan], natatawa na lang siya."

Isa raw sa mga napansin ng netizens ay ang hindi nila pagla-like sa posts ng isa’t isa sa social media. Kaya may mga naghihinalang baka on the rocks na raw ang kanilang relasyon.

Saad ng It’s Showtime host tungkol dito, “Yun na nga, but we’re not like that.

"But we have a lot of pictures na magkasama kami, but we choose not to post it on public.

"Every now and then, we will, but not all the time.

"Hindi siya ganun, e, he’d rather keep what is ours, ours.”

Nakausap ng PEP at iba pang miyembro ng media si Anne sa presscon ng pelikulang The Gifted kagabi, August 11, sa The Library, Metrowalk, Pasig City.

“I HAD WORSE…” Normal na naitatanong pa rin kay Anne ang tungkol sa kanyang social life.

Hindi ba siya naiinis na mabansagang "lasenggera"?

Natatawang sagot ng 29 year-old actress, “It’s okay. No. Not an issue for me at all.

“I had worse, so it’s not an issue at all.”

Dagdag pang tanong ng media kay Anne: Totoo ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon nito, “Well, I don’t deny naman that I drink naman, and, of course minsan nalalasing naman talaga.

“At least I’m honest about it, so I think it’s something na at least yung tao, hindi nasa-shock na, ‘Oh, my God, napaka-scandalous!’

"Kasi alam nilang, ‘A, she’s like us.’

"It happens, ‘di ba?"

Apektado ba sa mga isyung naikakabit sa kanyang pag-iinom ang endorsements niya?

Sabi ni Anne, “They’re ano… I’m still with all of my… most of my endorsements, so it’s a great thing.

"Because I think what helped was I was honest about it.

“Hindi ako nagtago, ’tapos I admitted it was a mistake.

"So, it just goes to show na tao [ako].

“And I think people could relate kasi, at one point in their lives, I’m sure it happened to them, ‘di ba?

“Nangyayari talaga, at least I was brave enough to admit it, that it was a mistake.”

Nasangkot sa dalawang magkasunod na eskandalo si Anne noong 2013 at early part ng 2014 dahil diumano sa kalasingan.

Read: PEP EXCLUSIVE Anne Curtis survives embarrassing night out with friends; says sorry and is forgiven, all on the same day

Read: PEP SCOOP. Anne Curtis reportedly tells Sam Concepcion at Vice Ganda’s party: “You’re not even classy enough to be here!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN