Kris Aquino reveals Mayor Herbert Bautista’s interview on her show was "on the spot"

“I don’t think it will come!” sagot ni Kris Aquino nang tanungin tungkol sa kanyang lovelife.


Isiniwalat ni Kris Aquino na “on the spot” ang pagge-guest ni Mayor Herbert Bautista sa programa nila ni Boy Abunda na Aquino and Abunda Tonight kagabi, August 11.

Marami kasi ang nagulat nang mapanood ang alkalde ng Quezon City na iniinterbyu ni Kris.

Read: Kris Aquino teases ex-boyfriend Mayor Herbert Bautista: "Hindi nananakit si Mayor, damdamin lang…"

Ito ay dahil ilang buwan pa lamang ang nakakaraan nang mapabalita ang tungkol sa kanilang short-lived romance.

Sa story conference ng Feng Shui 2 ngayong araw, August 12, Martes, ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Press) at iba pang miyembro ng media si Kris.

Dito ay nilinaw niyang biglaan ang pagsalang ni Mayor Herbert sa kanyang show kagabi.

“No, no… not at all! Guest siya ni Tunying [Anthony Taberna], hiniram lang namin siya, nagtaon.

“So, grateful naman ako na pumayag si Mayor.

“As in, on the spot yun.

“It shows maturity on my part and his part, and we ended as friends.”

“On the spot” din ba ang biro niya sa dating kasintahan na hindi ito nananakit, kundi ng “damdamin lang”?

Napag-usapan kasi sa programa ang tungkol sa pananampal ni Mayor Herbert sa isang Chinese national na nahulihan ng milyun-milyong halaga ng shabu.

Natatawang sabi ni Kris tungkol dito, “E, totoo naman, ‘di ba?

“At least, hindi siya nananakit… damdamin lang!”

Nagtawanan din ang press na kausap ni Kris kaya sabi ng TV host-actress, “Why? ‘Di ba, totoo naman?

“E, kasi, ‘di ba, huwag na tayo magpaka-fake lahat. Nangyari naman na yun and all.

“We’re friends! So, okay yun, ‘di ba? Everyone can be friends.”

NO YET TIME. Mayroon na ba siyang bagong pag-ibig ngayon?

“Wala! No!” bulalas niya.

“Kasi ano… I think it will come…” biglang napahinto sa pagsasalita si Kris at tumingin sa itaas at napailing.

“I don’t think it will come!” sabi niya, sabay tawa nang malakas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkatapos nito ay binalingan ni Kris ang co-star niya sa Feng Shui 2 na si Coco Martin.

Sabi niya, “Mauuna si Coco!

“’Di ba, lagi namang sinasabi ni Coco na ang focus niya ay pamilya niya at ang karera niya?

"And I agree. You have to be single-minded, e.

“At ngayon, hindi ko na alam kung paano ko hahatiin ang katawan ko sa dami ng inooohan kong gagawin.

“And I think, it’s the same thing with him. What a challenge, ‘di ba?

“Nightly, ‘di ba, yung pressure, and most of the time, for airing sila.”

Ang tinutukoy ni Kris ay ang taping ni Coco para sa teleserye nitong Ikaw Lamang sa ABS-CBN.

Patuloy ni Kris, “So, it’s true, ‘di ba? Nangyayari talagang walang panahon para sa pag-ibig, pero puwedeng ma inspire.”

Natatawang reaksiyon naman dito ni Coco: “Ang ganda! Perfect!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN