Nicco Manalo on his Cinemalaya Best Supporting Actor award: "Siguro kasi marami akong paghuhugutan..."

Despite his being saddled with complicated family issues, Nicco Manalo is able to focus his attention on his acting and win recognition. He says, “Medyo roller-coaster talaga yung buhay namin, e. Nabanggit ni Daddy dati, hindi kaya ng Maalaala Mo Kaya o ng Magpakailanman ang buhay namin. Kailangan pelikula, trilogy. Ganun kasi kaano yung pamilya namin."


Hindi alam ni Nicco Manalo kung sino ang mga nakatunggali niya sa kategoryang Best Supporting Actor (Directors’ Showcase category) sa nakaraang awards night ng Cinemalaya X.

Si Nicco ang nanalo para sa pagganap niya sa The Janitor.

Sabi ng anak ng komedyanteng si Jose Manalo, “Hindi sinabi kung sino ang mga nominated, may citation lang, may envelope lang, ’tapos sasabihin lang dun yung citation.”

Kanino siya kinabahan?


“I think, ang sinabi nila na pinakamalapit kong ano... si Rafa [Siguion-Reyna].

"Napanood ko rin yung Hari Ng Tondo and nagalingan din ako sa performance niya.

“Basta ako, kung tinatanong sa akin ng mga tao kung in-expect ko ba, hindi ko in-expect, pero hindi ko itinatago na winish ko na manalo.”

Nang tawagin ang pangalan niya bilang winner, ang pumasok daw agad sa isip niya ay huwag makalimutan na pasalamatan yung mga dapat pasalamatan.


Pero may nakalimutan siyang pasalamatan.

“Yung Cinemalaya!” at tumawa si Nicco. “Hindi ko nabanggit!

“Kasi siyempre, alam mo naman na uunahin mo yung mga tao na mahalaga sa ’yo. Nakalimutan ko na.

"Nasa Cinemalaya naman ako, so I guess pinapasalamatan ko naman sila!"

Ano ang masasabi niya na naunahan pa niyang magka-award ang tatay niyang si Jose Manalo?

Tugon ni Nicco sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Nagka-award na siya dati.

"’Di ba, may supporting actor award na siya? Sa filmfest alam, ko meron na siya."

Unang award naman ito ni Nicco, although nagka-award na raw siya noong college.

“Professionally, first [ang sa The Janitor]. Pero sa stage kasi, parating nominated, pero hindi pa naa-award-an.”

Hindi yata niya nabanggit ang tatay niya sa thank-you speech niya sa Cinemalaya awards night?

Sagot ni Nicco, “Sabi ko, family. Ayoko nang sabihin.

"’Pag sinabi ko pa yung daddy ko, ganyan, naku, maggaganyanan lahat ng reporter, ’di ba?"

Ayaw niya na laging nakakabit sa pangalan ng ama niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“As much as possible, I would ano... I’ll answer your questions, pero yung mga gusto kong i-keep lang sa akin, sa akin na lang.”

EUGENE DOMINGO. Nakausap ng PEP si Nicco sa premiere night ng indie movie na Barber’s Tales, noong Lunes, August 11, sa Trinoma.

Bida dito si Eugene Domingo na "nali-link" sa tatay ni Nicco dahil sa pagsasama ng mga ito sa show na Celebrity Bluff.

Kung sakaling maging totohanan ang relasyon nina Jose at Uge, papayag ba si Nicco?

Sagot niya, “Siguro ano na lang, ikaliligaya ba nila yun? Ganun?

"Maaayos ba yun with my parents, with my family, ganyan?

“’Tapos mase-settle ba yung kaguluhan? Kung mangyayari yun nang sabay-sabay?”

Hindi na siya tututol?

“Parang hindi sa akin yung desisyon ng pagtutol, lalo na ngayon na nakahiwalay sa akin si Daddy, ’di ba?

"Yung mga decisions na gagawin niya, wala kami dun.

“Basta ginagawa niya yung responsibilities niya sa amin, kasi meron siyang responsibilities sa amin.”



SEPARATION ISSUES. Kumusta na ba ang daddy at mommy niya?

Saad ni Nicco, “Ang alam ko, kung meron man silang pinag-uusapan or may inaayos, yun yung sa mga pag-aaral ng kapatid ko, e.

"Pero nagbibigay na nga si Daddy, pero hindi ko kasi inaalam.

“Tine-take ko lang yung cue from them, para titingnan ko lang kung ano ang mangyayari sa kanilang dalawa.

"’Tapos ako, iyon din kasi yung hinihiling ko, na ’buti naman medyo nagawan nila ng action.

“Na parang, mas concerned ako dun sa mga kapatid kong bata.”

“Kasi nung kasama naman namin si Daddy nitong mga nakaraang taon, tatay na tatay naman siya sa amin.

“Pero yun nga, kung anuman yung mga decision na ginawa niya kung anuman.

"Yung mga maling decision or na ano, that’s between the two of them—my mom and my dad.

"When he was with us, hindi naman siya nagkulang bilang tagaalaga sa amin or ano."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



TAKING SIDES. Wala raw siyang kinakampihan sa ama o ina niya.

“Wala akong kinampihan! Meron ngang time na pati sila ramdam nila na medyo bad trip ako sa kanilang dalawa!” at natawa si Nicco.

“Na ayoko kasi yung nangyari, e.”

May pagkakataon bang iniyakan ni Nicco ang mga nangyari?

“Alam mo, hindi pa. Hindi ako umiyak.”

Alam ni Nicco na grabe ang mga naganap sa pagitan ng magulang niya.

“Pero siguro what I can say is, I was there.

"And kung anuman yung mga posibleng nangyari or mga posibleng naging factors nung decision na yun, na-witness ko yun lahat.

“So parang, kaya wala akong makampihan, e.

"Kasi alam kong puwedeng yung sitwasyon lang yung talagang nagpahirap, e."



TUITION FEE ISSUE. Nagkaroon ng isyu tungkol sa tuition fee ng bunsong kapatid ni Nicco. Kapatid ito sa ina ni Nicco.

Saad niya, “Nagbibigay po si Daddy, pero I think nag-arrive si Daddy sa decision dahil may sama sila ng loob sa isa’t isa [ng mommy niya].

"Pero kung gusto talagang pag-aralin ni Daddy? Hindi ko itatago.

"I’m sure gagawan ni Daddy ng paraan.

"Kaya lang, yung sitwasyon lang, yung nakagitna, kaya siguro nag-arrive sa ganung desisyon."

Si Jose raw talaga ang nagpapaaral dati sa 18-year-old half-sister ni Nicco. Bakit nagkaroon ng isyu na hindi ito pinapag-aral diumano ni Jose?

“Ay, hindi, kasi nangyari lahat ’yan nung nag-separation.

"Nung nag-separation kasi, ’di ba, umalis si Daddy sa amin.

"Dun sila nagkaroon ng isyu, nagkaanuhan na parang samaan ng loob.

"So, nandun na rin yung out of galit, ganun, kaya siguro nagdesisyon si daddy."

IMMERSION. Nagsasarili na ngayon si Nicco at sa mga pinagdaanan daw niya kumukuha ng husay bilang isang artista.

“Siguro kasi marami akong paghuhugutan, medyo roller-coaster talaga yung buhay namin, e.

"Nabanggit ni Daddy dati, hindi kaya ng Maalaala Mo Kaya o ng Magpakailanman ang buhay namin. Kailangan pelikula, trilogy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ganun kasi kaano yung pamilya namin.

“So, siguro nakatulong yun. I mean, kaya siguro ako nalalagay sa mga serious, sa mga mabibigat.

"Kasi pamilyar sa akin yung ganung klase ng pakiramdam.”

Dahil nanalo siya sa The Janitor, pressure ba sa kanya na mas matindi ang aabangan sa kanya sa Barber’s Tales? Mas magaling ba siya sa The Janitor kaya dito siya nanalo?

Sabi ni Nicco, “Hindi ko alam kung mas magaling.

“Although meron kang wish bilang actor siguro, ma-appreciate mo naman talaga yung recognition.

"Pero hindi ko na iniisip kung saan ako mas magaling, ayoko nang isipin.

“Masyadong dagdag-stress yun!” at natawa si Nicco.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN