Thalia plays a prank over rumored rib removal

Thalia plays a prank about the rumor that she had her ribs removed to achieve a smaller waistline. A few days after she said that the “chismis” was true, the Mexican superstar suggested that she just played a prank and the issue is false.


Parang isang Mexicanovela na pinagbidahan niya ang isyu tungkol sa pagpapabawas diumano ng ribs ng Mexican superstar na si Thalia upang sa ganoon ay lalong lumiit ang kanyang baywang.

Si Thalia ang bida sa mga sikat na Mexicanovela na ipinalabas dito sa Pilipinas: Marimar, Maria la del Barrio, Maria Mercedes, at Rosalinda.

Sa isang episode kamakailan ng Aquino & Abunta Tonight, tinalakay nina Kris Aquino at Boy Abunda ang tungkol sa isyung ito.

Ayon kay Kris, pinag-uusapan ang pagpapatanggal diumano ng ribs ni Thalia para magkaroon ng maliit na baywang.

Dahil dito, ipinost ni Thalia sa kanyang Instagram account (@thalia) ang nasabing clip nina Boy at Kris noong Augusto 10.

Caption niya dito: "Watching Aquino and Abunda Tonight, a talk show in Philippines, Ms. Aquino is saying I had some of my Famous Ribs removed. To all my Filipino fans I would like to set the record straight about this issue, the Chismis is totoo. To be continued....... #THALIASRIBS #MYTH #MARIMAR #AQUINOANDABUNDA @LOVEKRISAQUINO"

Pero tila simula lang ito ng sunud-sunod pang posts Mexican actress-singer, na naging phenomenal superstar sa Pilipinas noong ’90s dahil sa teleserye niyang Marimar.

August 11 nang mag-post sa kanyang Instagram si Thalia ng photo collage na mga imaheng nagpapakita ng kanyang pigura.

Mayroon itong ganitong caption na naka-tag pa si Kris: “@lovekrisaquino #aquinoandabunda ... You think I removed my ribs? How many?2,3? More to come to all my Filipino fans ;-) The chismis is totoo... To be continue #Thaliasnewnovela #Myribs #thaliasribs #myth #marimar”

Kung pagbabasehan ang nasabing caption, tila kinukumpirma ni Thalia na nagpabawas siya ng ribs para makamit ang mas magandang pigura.

Dahil dito, may online entertainment websites sa ibang bansa ang isinulat ang naturang balita.

Sa sumunod na post ni Thalia noong August 12, makikitang may isang garapon sa harap niya na naglalaman ng diumano’y ribs ng Mexican actress-singer na tinanggal sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May caption ito na: “To all my loving Filipino fans, here is the proof I love My Famous Ribs, I kept them with me all these years And the Saga continues.....@LOVEKRISAQUINO #AQUINOANDABUNDA #MARIMAR #MYTH #THALIASRIBS #THALIASWAISTLINE #Thaliasnewnovela #Formalin #SOUVENIRS”

Nang sumunod na araw, August 13, ipinost ni Thalia ang parehong photo, pero nilagyan niya ito ng malaking ekis at nakasulat ang mga salitang “Not mine” bilang pagbawi sa una niyang post na sa kanya ang nasabing ribs.

May caption itong: “Nop...Not mine!”

Kasunod nito ay isa pang post na larawan naman ng isang dish na tila pork ribs, na nagmumungkahing isang practical joke lang ang kanyang ginawa.

May caption itong: “These are mine!... And I like them extra spicy just like me.”

Kasunod nito ay isa pang post ni Thalia na photo collage, kabilang ang larawan niyang tila kumakain ng dish ribs, at may nakasulat sa larawan na “Gotcha!”

Paliwanag ni Thalia sa caption na naka-tag sina Kris, Boy, at Anthony Taberna:

“To all my Filipino Fans, Tadaaaa!!! Here is My Famous Ribs, would you like to try some😋😋😋 Kris Aquino. I am inviting you,Boy Abunda and Anthony Taberna, I’ll cook it like Bulalo style next time.😂😂😂😂 Bring Halo-Halo, Sisig and Ensaimada por Favor😊😊😊 @LOVEKRISAQUINO @iamtunying28 @BOYABUNDA #THALIASRIBS #THALIASWAISTLINE #MARIMAR #MYTH #MABUHAY #JOKE #KAPAMILYA #GOTCHA #NOPASANADA #IT’SALLGOOD I love you guys”

Ang pinakahuling post ng Mexican star tungkol sa isyu ay isang photo collage ng screenshoots ng mga balitang lumabas online tungkol sa "pagkumpirma" niya na nagpatanggal siya ng ribs.

Ayon sa caption nito: “And the #myth will continue... ‘Myth is not a true story, it is a story that is true,’....’Myths are a special kind of literature not written or created by a single individual, but produced by the imagination and experience of an entire age and culture and can be seen as the distillation of the dreams and experiences of a whole generation’ I love you guys👍 And I loved every single story! Super fun and creative ;-) 👏💞 Bravo! Que el #mito continue😉 Me encantaron las historias ;-) muy creativas y divertidas! Los amoooo💋”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

KRIS REPLIES. Kahapon din, August 13, Miyerkules, nag-post si Kris ng kanyang sagot sa isyu. Naka-tag sa mensahe niyang ito si Thalia.

Sa post ni Kris ay magkatabi ang dalawang screen shots na ipinost ni Thalia hinggil sa isyu.

Pinuri pa ni Kris si Thalia sa pagiging “sport” nito at sinabing umaasa siyang makaharap ang Mexican star balang araw.

“Super FUN posts from @thalia. @iamtunying28 she tagged you! If you review the A&A footage what we said was in ADMIRATION because for us Pinoys we equate sexiness w/ @thalia . And now the myth is debunked, her body is all natural & that is even more awe inspiring... Thank you for being a good sport! We Filipinos remain forever fans, it was because of MARIMAR that primetime TV viewing & programming changed for us. Hoping to meet you 1 day @thalia & share a meal of bulalo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN