Mother Lily Monteverde engages in heated argument with Alfie Lorenzo

In the middle of her argument with veteran columnist Alfie Lorenzo (not in photo), Regal Entertainment producer Lily Monteverde shouted: “This is the first time this happened here! Lahat ng showbiz people takot kay Alfie Lorenzo, totoo naman! Hindi ako takot sa ’yo!”


Nagkaroon ng panandaliang tensiyon sa pagitan ni Regal Entertainment matriarch Lily Monteverde at ng veteran entertainment columnist/talent manager na si Alfie Lorenzo bago magsimula ang press conference para sa pelikulang Somebody To Love, kaninang tanghali, August 14.

Ginanap ang presscon sa mezzanine ng pag-aari ni Mother Lily na Imperial Palace Suites, sa South Triangle, Quezon City.

Noong una, akala ng invited entertainment reporters ay may simpleng argumento lamang ang dalawa.

Ngunit bigla silang tumahimik nang mag-umpisa nang tumaas ang mga boses nina Mother Lily at Alfie.

Nagsimula ang mainit na pagtatalo ng movie producer at ng columnist nang dumating ang huli sa venue at hinahanap ang direktor ng Somebody To Love na si Jose Javier Reyes.

Nang lumapit si Alfie sa table nina Lolit Solis at PEP contributor Jojo Gabinete, sinabi ni Lolit kay Alfie: “O, Tito Alfie, nandito ka, baka hindi dumating si Direk Joey?”

Sagot ni Alfie: “Alin, yung direktor nilang malas?”

Nasa kalapit na table lamang si Mother Lily, at nang marinig ang sinabi ni Alfie ay sinabihan niya ito ng: “This is my place, don’t do that!”

Dagdag pa ng movie porducer, “Bakit mo ba sinasabing malas-malas?”

Pasigaw namang sagot ni Alfie: “Bakit, ano mo ba yung direktor?!”

Bahagyang galit na binalikan ni Mother Lily si Alfie: “So what? That’s my decision to get the director.”

Sabat naman ni Alfie: “Malas talaga siya!”

Muling pagsita ni Mother Lily: “You have no right to say that here! Bakit ka nagsasabi nang ganun?

"Last time, sinabi mo rin ‘yan sa akin, tiniis ko na lang. You have no right!”

Ang tinutukoy ni Mother Lily ay ang pagkikita nina Alfie at Direk Joey sa pocket press conference na inihanda ng Regal para sa Somebody To Love actress na si Iza Calzado noong nakaraang linggo.

Sa nasabing presscon, naringgan din si Alfie na sinabing "malas" si Direk Joey, na agad namang nawala sa venue.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang uminit pang lalo ang palitan ng mga salita nina Mother Lily at Alfie, tumayo na ang ibang miyembro ng entertainment press upang pigilan ang dalawa.

Kabilang din ang anak ni Mother Lily na si Roselle Monteverde at ang veteran TV host na si German Moreno sa mga nagtangkang umawat sa kanila.

Subalit pareho silang hindi nagpaawat.

Ulit pa ni Mother Lily kay Alfie: “You have no right to curse me on my place!”

Sagot ni Alfie: “I’m not cursing you. I’m cursing your f***ing director.”

Buwelta ni Mother Lily: “That’s none of your business!”



“PULUBI.” Sa kalagitnaan ng kanilang pagtatalo, naging masyado nang personal ang mga atake ni Alfie kay Mother Lily.

Umabot pa sa punto kung saan pati ang entertainment reporters na nasa loob ng venue ay nadamay at tinawag ni Alfie ng “pulubi” nang humingi ng paumanhin si Mother Lily sa mga ito.

Sabi ni Alfie: “Bakit ka magso-sorry? Pulubi ang mga kaharap mo!”

Dahil dito, mas lalong hindi nagpatinag si Mother Lily na sagutin ang entertainment columnist.

Agad na depensa ni Mother Lily, “Anong pulubi ang sinasabi mo? Hindi sila mga pulubi, they are nice people.

“This is the first time this happened here. Lahat ng showbiz people takot kay Alfie Lorenzo, totoo naman.

“Hindi ako takot sa ’yo!

“‘Yang sinasabi mo na pulubi sila, hindi sila pulubi!

“How dare you say that to entertainment writers, Alfie?

“Mas mataas pa sila sa level ko. They made my movies successful!”

Pagkatapos ng ilang minuto ay pinaalis na sa venue si Alfie upang hindi na lumala pa ang sagutan nila ni Mother Lily.

Wala pa ang mga artista ng Somebody To Love nang maganap ang eksena.



FIRM AGAINST ALFIE. Nakuhanan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng video ang ilang bahagi ng kanilang pagtatalo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit napagdesisyunan ng PEP na huwag na lamang ito ipalabas dahil naging personal na ang mga atake ni Alfie kay Mother Lily, at dahil sa pakiusap na rin ng anak ng Regal matriarch na si Roselle.

Habang ginaganap ang presscon proper—kung saan nasa presidential table na ang ilang mga artista ng pelikula—hindi naiwasan ni Mother Lily na magsalita tungkol sa nangyari sa kanila ni Alfie.

Unang-una ay muli siyang humingi ng paumanhin sa entertainment press na nakasaksi ng insidente.

Saad niya, “Regal is successful because the entertainment press supported me for the past 52 years.

“…I want to prove that the industry is not dying.

"The industry is not controlled by the network, it is controlled by us—artista, writers, producers.

"We ought to have one body and soul to prove that the industry is not dying."

Sa hiwalay na panayam sa kanya ng ilang TV reporters, sinabi ni Mother Lily na hindi niya nagustuhan ang pagsasabi ni Alfie ng “malas,” kahit pa ang tinutukoy lamang nito ay si Direk Joey Reyes.

Aniya, “Of course, this is my place.

“He dislikes Joey Reyes. Siyempre, I’m for my director.”

Dahil sa pagtatalong ito, may ilang nagtanong: Ano ba ang puno’t dulo ng galit ni Alfie Lorenzo kay Joey Reyes?

Matatandaang noong 2012 ay nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sina Direk Joey at Alfie, na siyang manager ng aktres na si Judy Ann Santos.

Nagalit si Alfie dahil sa hindi pagpapaalam ni Direk Joey sa kanya na kukunin niya si Judy Ann para sa kanyang Cinemalaya entry noon na Mga Mumunting Lihim.

Inamin naman agad ni Direk Joey ang pagkakamali nang makapanayam siya ng PEP.

Aniya, “Ako ang mali, dahil hindi nai-communicate sa kanya [Alfie] properly.

“Nagkaroon ng miscommunication ukol sa ‘asking permission’ kay Alfie.”

Kasunod nito, humingi ng paumanhin si Direk Joey sa talent manager ni Judy Ann.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Jose Javier Reyes apologizes to Alfie Lorenzo for miscommunication: “Inaamin ko. I’m asking... humihingi ako ng sorry.”

Bagamat matagal nang tapos ang pangyayari, tila hindi pa naaayos ang ’di pagkakaunawaan nina Direk Joey at Alfie.

Bukas ang PEP sa anumang pahayag na nais iparating ng mga taong nabanggit sa isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN