Matteo Guidicelli says naughty comment of Billy Crawford is “something to laugh about”

Matteo Guidicelli wants to keep relationship with Sarah Geronimo private. He explains, “Siyempre, bago pa lang ang relationship so we want the relationship to be stronger and to grow. I don’t wanna lose this relationship so I really wanna be careful.”


“Wala lang, biruan lang ‘yon. Nothing to talk about.”

Ito ang reaksiyon ni Matteo Guidicelli sa comment ni Billy Crawford sa video post ni Luis Manzano sa social media.

Ipinakita sa naturang video ang isang asong nagkakamot ng ari, saka inihalintulad ito ni Billy kay Matteo dahil sampung buwan na raw itong “walang ano.”

Hindi nagustuhan ng fans ng magkasintahang Matteo at Sarah Geronimo ang biruan ang dalawang magkaibigan.

Read: Billy Crawford unaffected by bashing from AshMatt fans over a joke

“Wala ‘yon,” nakangiting inulit ni Matteo nang tanungin siya tungkol dito pagkatapos ng press conference ng pelikulang Somebody to Love kahapon, August 14.

Hindi pa raw niya nakikita kung ano ang comment ni Billy, pero siniguro niyang hindi ito dapat maging isyu.

Paliwanag niya, “Kami ni Billy and Luis, magkaibigan naman kami and magkasama kami sa isang pelikula which is Moron 5 Part 2.

“Wala, we just make fun of each other a lot. Nothing personal.”

Sinabi rin ni Matteo na walang kailangang ihingi ng paumanhin si Billy dahil wala naman daw sa kanya iyon.

“Hindi naman kailangang mag-sorry,” ani Matteo.

“Para lang kaming mga morons talaga, lokohan lang palagi. He’s a funny guy.”

Dagdag pa niya, “Billy and I are friends. I don’t think he means any negativity.”

Para naman sa mga nakabasa ng post ni Luis at comment ni Billy, sabi ni Matteo, “People can think whatever they want.

“It’s nothing personal and something we can laugh about.

“It’s a joke, it’s not even something to be serious.”



NOT USING SARAH. Samantala, hindi raw sigurado si Matteo kung makakasama niya ang girlfriend na si Sarah sa premiere night ng Somebody to Love.

“Hindi ko lang po alam kasi busy siya,” sabi ni Matteo.

Para kay Matteo, okay lang kung hindi makasama si Sarah sa premiere night dahil, “Gusto ko lang dun i-separate ‘yong trabaho at personal na buhay.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito rin daw ang dahilan kung bakit ayaw na niya sanang pag-usapan pa sa publiko ang tungkol sa relasyon nila ng 26-year-old The Voice coach.

Ayon sa 24-year-old Kapamilya actor, “Unang-una po, kaya ayaw kong pag-usapan ‘yong relationship namin ni Sarah, sana hindi kayo ma-offend or take it negatively, hindi ko talaga gusto palabasin na ginagamit ko si Sarah.

“Ayaw ko palabasin na ginagamit ko si Sarah sa promotion ng pelikula ko.

“I didn’t really wanna talk about her on The Buzz but it’s the first time I came out on TV so I had to answer.

“As much as possible, I don’t wanna talk about her or our relationship in a situation like this.

“I wanna promote my film dahil pinaghirapan namin talaga ito.”



WORK SEPARATELY. Kaugnay nito, napag-usapan rin daw nila ni Sarah na hangga’t maaari ay hindi sila magsasama sa isang proyekto para maiwasan ang intriga sa showbiz.

Paliwanag ni Matteo, “Siyempre, bago pa lang ang relationship so we want the relationship to be stronger and to grow.

“I don’t wanna lose this relationship so I really wanna be careful.

“Alam naman natin dito sa showbiz, mahirap to just keep our relationship stable kasi maraming intriga, maraming issues, kaya iwasan na lang muna.”

Dahil dito, hindi raw problema kay Matteo kung sakaling ibang actor ang kasama ni Sarah sa kanyang first onscreen kiss.

“Sabi ko nga, mas masaya pa ako na makita sila ni John Lloyd na may kissing scene. Siyempre, I’m a fan of their films.

“Walang problema, pelikula lang naman ‘yan, trabaho lang ‘yan.

“This is the craft that we love. I respect what she wants to do.

“This is what she loves doing, ’di ba?

“I don’t want to stop her from doing what she loves doing,” pagtatapos ni Matteo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN